Lumaki akong namulat na may pagkakaisa, Pagkakaisang hindi dapat ipinagsasawalang bahala. Kahit mailap man noong pagbubuklurin ang kapwa, Nananaig pa rin ito kasama ang pagkakawang-gawa.
Isang simpleng salita, malalim naman ang kahulugan. Maihahalintulad sa bigkis ng laksa ng magigiting na sandatahan. Sama-samang lumalaban para sa kapakanan ng bayan, Upang maisulong ang kabutihan, hatid ay kapayapaan.
Ngunit bakit ngayon, pagkakaisa ay kay ilap? Parang ilaw sa kabaret, bihira **** mahapuhap. Takot na ang iba, kinalimutan pang mahagilap, Dahil nakaharang ang mga buwaya, tinakpan ang pangarap.
Huwag nating hayaang ito ay tuluyang maglaho. Alisin ang pangamba, buhayin ang karapatang pantao. Magkaisa sa isang diwa ng maka-masang pagbabago, Nang mailigtas pati ang mga inosenteng bilanggo.