Pwede kong dugtungan ang ating nasimulan Pwede mo ring tapusin ng walang lingunan Pwede mo akong ipagtanggol sa lahat ng tao Pwede mo ring iwan ang isang ako.
Pwede **** hilingin na lumayo sa akin At lahat ng sakit ay akuin Pwede kang lumabas ng pinto Ng walang pangakong pagbabalik At pwede rin akong tumu-nganga na lang sa isang tabi At mangulila sa iyong mga halik
Pwedeng sa akin, ikaw ay magsinungaling Na kapag tayo ang magkasama, Iba ang gusto **** makapiling. Pwede kang maging bingi sa aking mga hinaing Pwede rin akong maging pipi sa aking mga pasanin.
Pwede mo akong sumbatan sa aking mga pagkakamali At pwede ring sa piling mo ay hindi na ako manatili. Pwede kang maghanap ng iba, At tuluyang ako'y limutin na
Pwede akong magmaka-awa sa iyong harapan Na huwag mo sana akong lisanin Sapagkat ang sabi ng puso ay hindi nito kakayanin
At pwede rin tayong umabot sa puntong tatanungin kita Na kung pwede pa ba? Pwede pa bang ayusin natin 'to? Pwede pa bang ayusin kahit sirang-sira na? Na kahit gahibla na lang ang pagitan ng Tayo pa at hindi na.
At kahit alam kong pwede iyong mangyari Na kahit hindi sabihin, iyon ay iyo ng nawari. Pero pinili nating ang lahat ng iyon ay hindi gawin Dahil sa pangako ng isa't- isa ay mahalin
Mahal, hindi ako perpekto Na kahit malapad ang aking noo, Iaalay ang aking pagkatao At sana, sana, hiling ko Tanggapin mo ito ng buong-buo.
Ngunit kung ika'y nag-aalangan, Huwag ka sanang matakot na ako'y lapitan. At kung naguguluhan ka pa rin sa lahat, Nakiki-usap ako,pakibasa lang 'yung pamagat.