kung ang tula ay di akma sa paksa ng may akda ano pang talim meron ang talinghaga
kung wala nang talas sa bawat talastasan nitong nagbabagang hidwaan ng tugmaan sa palabigkasan ng huwarang balagtasan
meron pa nga bang halaga ang mga rima sa tuwinang wala namang ka-eskrima ang taludturang may tatlo-hang tugma
manapa'y pakinggan itong aking mga tagong himig bagkos nga ako ri'y gawaran ng batikos sa aking hilig sapagkat mayroong hiwa ang susunod kong pahiwatig
meron akong ikukuwento mga saknong na naimbento ito'y mula pa sa " KONTENTO "
sa una niyong bahagi ano daw ang sinabi? heto't muli kong ihahabi
ang hadlang at paslang na kapwa pumailanlang sa makatang may lalang
1) " may saboy ang liyab kapag naidadarang " (fire) 2) " sa simoy at alimuom na hindi pahaharang " (wind) 3) " anomang sisidlan, tining ay iindayog kapag umaapaw " (water) 4) " gaano man kalalim hukay, pagtapak sa lapag mababaw " (earth)
5) matapos ang pagyuko ,,,,tingalain ang Kaitaasan ....Ika-limang KONTENTO (love) ---walang hanggang mararanasan!
1) APOY 2) HANGIN 3) TUBIG 4) LUPA 5) PAG-IBIG
kung inuuna ng isa ang kapakanan muna ng kanyang mahal... iyan ang dalisay na pagmamahal! Habang lakbay-diwa hetong magiliw na lakandiwa sa wagas na Pag-ibig at pagsinta ng mga katagang isina-TINTA!