Mahirap bang tuparin Ang nag-iisang bagay Na ninanais kong mangyari? Mahirap bang sambitin Ang ang mga katagang Ninanais kong marinig?
Gaano ba kahirap Tuparin ang aking hiling Na iyong muling yakapin ng mahigpit? Gaano ba kahirap Sambitin ang mga katagang "ako na lang. tayo na lang ulit." Na aking matagal ng gustong marinig mula sa iyong mga labi?