Itinatangi Mo ako't Hindi kayang pakawalan, Dadalhin pa sang lupalop Ng bawat malaparaiso **** pangarap.
Sambit nga nila'y Kung nasaan ka'y ako'y paroroon; Kahit na ni minsa'y hindi ko nagawang harapin ka Paumanhin, Irog Pagkat damdami'y wari bang ginigisa.
O kaytagal **** inilihim ang pag-irog Nais kong ipagsigawan ito Pero pipi pala ang pusong totoo. Tila nakakahon, pero may kalayaan Tila makasarili, pero may ipinaglalaban At naisin ma'y hindi kita maiwa't iwan.
Batid ko'y lahat pala'y yamang kasinungalingan Heto ka't kakatok sa ibang pintuan, Ba't pag nagkakulanga'y ako'y kayang bitawan/bitiwan? Oo, hantungan nati'y mala-pelikulang hiwalayan.
Ni minsa'y hindi ako naging singkong duling Na dadaplis si Kupido sa moog **** damdamin Ni minsa'y hindi ako nagpaubaya sa palad ng iba, O bakit nga ba? Para saan pa't umibig? Luha'y higit pa kaysa para sa demokrasya.
Bago Mo iwa'y tayo'y magmata-mata, Pagkat Ikaw ang minsang kumumpleto Ng kulang-kulang na katauhan Ng tunog-latang pag-aalimpuyo Ng mapanghimagsik na damdamin.
Ako'y magbabalik, pangako ko, Sinta Tingnan mo ang palad Mo, Oo, babalik nang higit pa Marahil doon Mo lang mapagtatantong Hindi mabibilang aking halaga.