Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2015
nariyan ka nanaman,
  naninibasib na tila

kahapon lamang ay bukas—

kapit-puso kitang pakakawalan
kasabay ng pagtila ng ulan,
pagbukadkad ng bulaklak,
pagtawid ng bulalakaw

at pagkatapos ay akin kang babalikan
  sa kung saan ay wala ka na,
  at ng sa gayon ay aking maramdamang
  muli ang itinatangi ng katahimikan:
ang maganda **** mukha,
  ang 'di maikubling init ng iyong bisig,
  ang mga araw na nalulunod sa lalim
   ng iyong dating pagtitig sa akin
   na ngayo'y isa na lamang panaginip
     ng antipára — ramdam ko ang lahat,
  at mayroong distansyang hindi kayang
     isara ng kahit anong pagwawakas

  ng katotohanang alam ko sa pag-iisa,
    na tila kahapon lamang ang bukas.
Windsor I Guadalupe Jr
Written by
Windsor I Guadalupe Jr  Bulacan
(Bulacan)   
2.4k
 
Please log in to view and add comments on poems