Masyado kitang minahal AT masyado mo rin akong minahal Dahil sa masyado nato, Masyado tayong nasaktan
Kailan nga ba nagsimulang maging lason … ang masyado nating pagmamahalan? Sa nakaukit sa aking memora’y nahulog ako sa napaka tamis **** ngiti, Ang mga mapang-akit **** titig at ang napaka lamig na boses na binubulong ng yong labi
Nang ako’y iyong ligawan masyadong mabilis mo akong napasagot ng oo Kasi napaka laki naman ng amats ko sayo Kaya nagkaroon agad ng isang “tayo”
Tayo ay nagtagal…. Masyadong nagtagal Na tila masyado nang napuno ng “tayo” Nakalimutan na natin ang para sakin at sayo
Masyado nang naging masikip
Bumuo tayo ng napakaraming mga pangarap Para sa ating hinaharap Kaya masyado nitong kinain ang ating panahon Ang dugo at pawis nati’y nilamon
Masyado tayong naging kampante Na palaging nariyan ang isa’t isa kahit sa oras para sa kanya’y nagkulang ka na Masyado nang naubos ang ating lakas Upang mabuklod ang ating bukas At di na natin namalayan na ang ngayon pala’y naging masyado nang marupok At ang ating tayo’y.... unti-unti nang nalulugmok
Hanggang sa naging madalas na ang paglabas ng mga salitang nakakasakit na Ang paglakas ng mga boses na nakakabingi na Masyado nang naging madalas ang pag-aaway sa kokonting pagkakataon na tayo’y nagkikita
Masyado nang dumalas ang pagtatanong kung bakit pa? Kung ipagpapatuloy ko pa ba... Dahil masakit na
Masyado nang dumami Ang rason ng aking pagsisisi Hanggan nasabi ko sa aking sarili Na tama na Ayaw ko na Kasi napakasakit na
Masyado kitang minahal AT masyado mo rin akong minahal Dahil sa masyado nato, Masyado tayong nasaktan AT ang sakit nato’y gusto ko nang makalimutan
Kaya hanggang dito nalang ang pag-ibig na binuo ng Napaka at Masyado.
Minsan kung anong pinakamamahal mo siyang mas nakakasakit sayo