Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#sakit
bibilis at babagal ang oras at ang tempo ang paghinga at ang paggalaw ang tibok ng aking puso bibilis at babagal maging ang mga salita maging ang mga hakbang papalapit ng papalapit ang ating mga tadhana ang ating mga landas dalawang bagyong magtatagpo upang bumuo ng isang kalmadong relasyon mapanuya na hindi kailanman nila makuha sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng busina ng sasakyan ilang metro ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng nagkukwentuhang lasing ilang hakbang lang ang layo sasayaw sa musikang dala ng tadhana dala ng sipol ng hangin nagbabanta ng paparating na ulan sasayaw sa kabila ng mapanirang tadhana na posibleng isa sa ating ang mapilay o mapahiya dahil hindi na makasabay sa ritmo at giling sa musikang dala ng tadhana patayin ang musika kagaya ng pagpatay sa nararamdaman hindi na ulit ako sasayaw kung hindi ikaw ang kasama
0
Mar 18, 2021
Mar 18, 2021 at 8:36 AM UTC
sayaw
Naalala mo ba? Panahong pinagmasdan kita Ika'y nailang at biglang natawa Sabay sabing, "May problema ba?" Naalala mo ba? Yung kwentuhang walang hanggan Tila hindi alintanang gabi na Masyadong maikli ang oras na nakalaan Naalala mo ba? Sinabi kong, "Walang maiinlove ha." Ngumiti ka at nangako Pero nagkamali pala ako Ako'y nahulog sa'yo Ngunit di mo sinalo Kasi hindi naman ako Ang taong gusto mo
0
Feb 4, 2021
Feb 4, 2021 at 9:31 PM UTC
Naalala mo ba?
Sa panandaliang pagtigil ng mundo, Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan, Na para bang mga sasakyan sa EDSA, Buhol buhol at walang kaayusan. Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan, Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan, Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan, Bitawan ang sakit na nararamdaman, Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba, Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya, Mga gabing puro luha at kalungkutan, Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan. Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan, Mga memoryang hanggang isipan nalamang, Pulutin at dalhin sa susunod na kwento, Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.
0
Nov 12, 2020
Nov 12, 2020 at 11:04 AM UTC
Kwento
Umuulan na naman, Natutuwa ba o nalulungkot ang langit? Walang nakakaalam, Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit. Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha, Pilit nanunumbalik masasayang alaala. Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo, Sa ulan din pala magkakalayo. Lakad at takbo sa gitna ng ulan, Mabasa o magkaputik ay hindi alintana. Bugso ng ulan ay biglang dumahan, Payong ang nakita pagkatingala. Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata, Iyan ang naaalala sa unang pagkikita. Tila bang tayo ay nasa koreanobela, Damang-dama ang pagiging bida. Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan, Kwento nating dalawa ay may hangganan. Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan, Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan. Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka. Basang-basa at putikan, hindi alintana. Mga hikbi ko ay hindi mapatahan, Kasabay nang pagbuhos ng ulan. Payong mo'y hindi na matanaw, Wala na, tuluyan ka nang bumitaw. Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita, Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
0
Oct 6, 2020
Oct 6, 2020 at 8:25 AM UTC
Lihim
hindi ko na ilalagay ang sarili ko sa panganib tatanggalin ko na ang pana ni kupido sa’king dibdib 'wag mo sanang masamain kung ako’y nanlalamig napagod lang ako sa gerang isang panig lamang ang umiibig
0
Oct 3, 2020
Oct 3, 2020 at 12:42 PM UTC
tama na
wala na rin namang bago kung isasara mo kahit ang nagiisang bukas na libro upang mabasa ko ang mga nasa isipan mo ginagawa mo saloobin mo dahil wala na rin namang bago matagal na naman ding sarado ang pinto, ang libro at kung ano pa mang representasyon na meron tayo
0
Sep 30, 2020
Sep 30, 2020 at 9:26 AM UTC
wala na rin namang bago
baha bagyo ulan init noong walang naniwala sayo nandoon ako sa tabi mo at ngayon na ramdam ang pait ng mundo wag mo sanang kalimutan ang mga paalalang binanggit noon sayo at ako lamang ang naniwala sayo
0
Sep 30, 2020
Sep 30, 2020 at 6:59 AM UTC
baha, bagyo, ulan, init
patawad sa hindi paglaban patawad sa agarang pagsuko patawad sa natitira pang salita na hindi kailanman makabuo-- ng isang diretsong talata upang ang lahat ay mapaliwanag ngunit hindi na rin naman kailangan dahil huli na ang lahat
0
Sep 30, 2020
Sep 30, 2020 at 4:09 AM UTC
huli na ang lahat
Pinagmamasdan kita sa malayo habang ang iyong buhok ay hinahangin Para bang may kumurot saking puso at bigla nalang naging magulo ang damdamin Pakiramda'y di ko mawari kung ako ba'y masaya o malungkot Galit sa mundo at damdamin ay puno ng poot Alaala ng kahapo'y sadyang mapanakit at sa puso'y nanunuot Nais ko na sumigaw at tumakbo palapit Nag ayos ng sarili at nag subok lumapit Saya at lungkot ng kahapo'y saakin ay nakakapit Habang tumatagal damdami'y lalong pumapait Puso ay tila wasak parin Pagkat sugat ay sariwa parin Sa aking paglapit Sa dibdib ay bigla nalang may gumuhit Yayakapin ka na sana Ngunit wala ka na nga pala Aking napagtanto Alaala na lamang pala ito
0
Jun 19, 2020
Jun 19, 2020 at 2:24 PM UTC
I M A H E
Lungkot sa mga mata'y iyong pawiin Lungkot sa mga labi'y iyong tanggalin Lungkot sa puso'y iyong pagaanin Lumipas na ang panahon ngunit ikaw parin Lumipas na't lahat, pakiramda'y pinapainam parin Muling babalikan ang masasayang ala-ala Muling ibabalik ang dating sigla Hanggang kailan ka kaya tatakbo sa aking isipan Hanggang kailan kaya ngingiti na ikaw ang dhailan Hanggang kailan kaya madarama itong paru-paru Ilang beses pa kaya aasa sa iyong pag balik Ilang tula pa kaya ang gagawin bago ka limutin Ayoko pa tapusin ang pantasyang ito Ayoko pa tapusin ang lahat ng ito Patuloy na mananalig na sana'y dinggin ng tadhana ang siyang hiling Patuloy na dadamhin ang inam sa pakiramdam na iyong dulot kahit hindi ka na kapiling
0
Jun 19, 2020
Jun 19, 2020 at 2:24 PM UTC
M A H I K A
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
Tiada salah membiarkan raga terluka semakin dalam jarum jam menusuk Memang, tiada obat untuk semua derita Tak salah menerima pilu dalam khusyuk
0
May 30, 2020
May 30, 2020 at 10:43 AM UTC
Jatah sakit
hindi naman ako tanga upang sa inyo pa ay humanga kung ang kahirapan ngayon ay bunga ng pagtatakip ninyo ng inyong mga tainga. alipin man sa pang-aabuso, pamahalaan man ay payaso; paniniwalaan ko pa rin ang mahinang proseso balang araw makakarating rin tayo sa paraiso.
0
May 14, 2020
May 14, 2020 at 12:58 AM UTC
walang paraiso.
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw. Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon. Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya" Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya. Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
0
Mar 29, 2020
Mar 29, 2020 at 9:54 PM UTC
Ang Paglubog ng Araw
ilang oras pa ba ang dapat hintayin para tanggapin ko'y wala ka na sa akin tila parang sinaksak ng isang patalim ang puso kong patuloy nagkikimkim tinatago ang bawat pait dinadama ang bawat sakit inaalala ang bawat saya umaasang ika'y babalik pa bawat oras ika'y naiisip ikaw parin hanggang sa panaginip
0
Jan 17, 2020
Jan 17, 2020 at 5:32 PM UTC
oras
Nagmahal ako minsan ng isang taong hindi mahilig sa tula, Ng mga matang di mahilig sa malalalim na salita Ng mga tenga na hindi mahilig makinig sa mga tugma Nagmahal ako minsan ng mga labi na may matatamis na ngiti Ng mga lumalabas na salitang nakakabighani Ng mga mabubulaklak na kasinungalingan na masarap sa pandinig At oo, nagmahal ako ng mapaglinlang na bibig Nagmahal ako minsan ng mga kamay na hindi ko nahawakan Ng mga haplos na hindi manlang naramdaman Ng mga daliring hindi kamay ko ang hanap Ng mga bisig na hindi ako nayakap Nagmahal ako minsan ng isang taong hindi ako ang pinili Ng mga mata na sa iba nakatingin Ng mga tenga na sa iba nakikinig Ng pusong hindi ako minahal
0
Jan 10, 2020
Jan 10, 2020 at 10:08 AM UTC
LL
minsan nang nalimutang sumulat nautal, nagtagal sa iilang salita na hindi ko man lang napansin na ang pagiibigan pala natin ay isang buhay na tula
0
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 2:17 AM UTC
tula
nahuhulog at patuloy na nahuhulog sa kung anong nararamdaman sa dibdib isang hukay bangin butas na kumakain sa konsepto ng sarili kong buhay may lulang dala may sakit na kasama na hindi na rin pala dama dahil ang araw-araw ay isang paulit-ulit na nahuhulog at patuloy na nahuhulog sa kawalan ng mundo
0
Dec 12, 2019
Dec 12, 2019 at 6:56 AM UTC
kawalan
dinadama ang malakas na ihip ng hangin sabihin sa akin ano nga bang dapat gawin sa tuwing binabalot na ng dilim
0
Dec 12, 2019
Dec 12, 2019 at 4:51 AM UTC
hangin
patawad sa mga tulang nagpanatili pa sa'yo o sa kung ano man ang meron tayo patawad sa muling pagbukas ng matagal ng saradong pinto patawad sa paulit-ulit na pagsaksak sayo ng mga salita at letra na sinusulat ko patawad sa pagsulat pa nito pero sana maintindihan mo na ito na lamang ang kaya kong gawin upang mawala ang sakit na dinulot din naman nating dalawa ito na lamang ang naging gamot sa mga sugat na nadama noong una kang nawala at ngayong patuloy kang nawawala ngunit huwag kang magalala wala naman akong gustong dugtungan sa mga bagay na tapos na at alam kong mali at alam **** mali kaya patawad sa pagsulat pa nito at paulit-ulit na patawad sa pagsusulat pa ng paulit-ulit kagaya nito
0
Nov 6, 2019
Nov 6, 2019 at 4:51 AM UTC
huling paalam
inaantok ako sa tunog ng printer kung paanong ang mga ngipin nito ay kumikiskis sa papel na tila ba kinakagat ito ngunit hindi ganoon kasakit may halong harot sa pagitan nila landian ng mga bagay inaantok ako sa tunog ng maraming papel bulto bultong pinapantay at iniuuntog sa mesa na tila ba'y naghahalinghingan na dulot ng pagtatalik may halong harot sa pagitan ng mga ito landian ng mga bagay inaantok ako sa paglagapak ng stapler sa sahig na tila ba'y unang pagkikita bugso ng damdamin sa muling pagsasama may halong harot sa pagitan nila landian ng mga bagay inaantok ako sa walang humpay na pagbukas ng pinto ang sayaw na nagmumula sa kahoy na ito tila ba'y sinasayawan ang lahat at kinukumbinsi na umuwi na tayo may halong harot sa pagitan nito landian ng mga bagay inaantok na ko
0
Nov 2, 2019
Nov 2, 2019 at 6:24 AM UTC
landian ng mga bagay
Sana sa pangalawang buhay natin ay magtagpo ulit ang ating mga landas. Hindi man tanda ang istorya ng nakaraang buhay, mas nakasisigurado naman ako na may ngiti sa labi ko kung saan man ako mapunta (for sure yan impyerno). Sana isa akong sundalo, at isa kang nurse sa gyera. Nang sa ganon, ay kahit ano pang galos o tama ay sa'yo pa rin ako magtatapos. Upang gumaling, upang maghilom ang mga sugat. At kung sakali, ako ma'y mamatay muli, alam **** ang litrato mo'y nasa aking dibdib. O sana, isa akong direktor, at isa kang manunulat. Ikukwento ang iba't ibang istorya ng pag ibig at hindi mamamalayang istorya na pala 'yon ng mga nakaraang bersyon ng ating mga buhay. O pwede rin namang sana, simple lang ang lahat. Ako'y isang magsasaka at isa kang mangingisda. Payapa ang buhay at walang balakid, di kagaya ng una nating pag-ibig. At kung ganito man ang mangyari sa mga susunod, alam **** ngingiti ako sa impyerno bago apir-an si Satanas at sabihing... nagkita kami ulit.
0
Oct 31, 2019
Oct 31, 2019 at 9:15 AM UTC
Sana
kung hindi ka umalis ikaw sana ang katabi ko sa bus sa rides sa pictures katabi sa pakikinig ng mga lumang kanta katabi sa pagtulog sa byahe katabi kung sakaling mahilo ka siguro patago kong hahawakan ang kamay mo o pasadyang kakantahan ka o yayakapin ka mula sa likod sa espasyong walang makakakita siguro dahil kung hindi ka umalis ay mas makabuluhan sana ang mga field trip mas napahalagahan ko sana ang mga museo dahil kasama ka mas napahalagahan sana ang iba't ibang importanteng monumento dahil kasama ka mas napahalagahan sana ang scientific name ng kung ano dahil kasama ka ngunit hindi naman din kita masisisi kung bakit ka umalis dahil hindi natin ito kasalanan pero kahit ganon pa man madami sana tayong pagsasamahan kung walang nangyaring iwanan
0
Oct 30, 2019
Oct 30, 2019 at 9:04 AM UTC
field trip (kung hindi ka umalis)
kung hindi ka umalis ikaw sana ang nakasayaw ko ilang oras na pag indayog kahit sumakit pa ang paa ko hawak ang iyong beywang hawak ang iyong mukha hawak ang iyong kamay hawak ang iyong mundo dahil kung hindi ka umalis ay ikaw lang ang isasayaw ikaw lang ang magdamag bubulungan ng mga nararamdaman kakantahan kasabay ng mabagal na kanta ngunit hindi naman din kita masisisi kung bakit ka umalis dahil hindi natin ito kasalanan pero kahit ganon pa man madami sana tayong pagsasamahan kung walang nangyaring iwanan
0
Oct 30, 2019
Oct 30, 2019 at 7:36 AM UTC
prom (kung hindi ka umalis)
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon. High school. Magkaibigan tayo noon. Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa. Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita. Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo. Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo. Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit. Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama. Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko. Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama. Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod. Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon. Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban. Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang **** sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay... "may isang pagmamahalan na naman ang namatay." Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago. Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo. Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito. Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon. Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay. Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog. Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso. Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan. Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?" Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko. "Nakita ko s'ya sa Fatima ah." "Nakakasalubong ko 'yon ah." At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam. Walong taon. Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap. Kamusta? Maayos naman, Ikaw? Okay lang din. At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa. At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin. Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas. Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon. At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon. At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala. Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na. Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
0
Oct 28, 2019
Oct 28, 2019 at 10:34 AM UTC
Ang Kwento Nating Dalawa

Continue reading...
43