Anong silbi ng luha? Kung papatak lang ito gaya ng ulan, At gaya ng baha'y pagtatampisawan.
May iilang paslit sa Kalye ni Juan, Nagbabangka-bangkaan Paglaki nila'y dal'wa ang sinasagwanan.
Doon sa iskinitang panay basura ang laman, Bisita nila'y araw-araw na kagutuman. Iwinawagayway ang sarili, Bentahan pala'y kanilang pagkakakilanlan.
Minsa'y nasaglit ako sa tindahan Nang may matiyagang nakipag-usigan Banta niya'y bubuwagin ang buhay Ang latay ng bukas ay aangkinin nang ngayon Titila rin daw ang buhos ng ulan, Pang-lamang tiyan lang daw, Bagkus dahas ang kikitil sa kasaganaan.
Ganoon na nga, May mga nauudlot na kinabukasan Pati istoryang panay nagtititigan.
Ngayon kasi'y Pakalat-kalat na lang, Iba na pati takbo ng isip, Nakikilimos na lang Baka may singkong duling man lang.