Kasiyahan na minsan hindi makita Dahil sarili mismo ang nagkukubli Sa tingin natin sa iba makikita Nun pala ito'y nasa ating pagpapasya.
Kasiyahan ay isang pagpili Sarili ang magpapasya ng nais na maramdaman Huwag hayaan madala ng kalungkutan Dahil ito'y isang kasinungalingan ng kaaway.
Kasiyahan ay panatilihing nasa buhay Ito'y nakakabawas ng alalahanin sa araw-araw At nagbibigay ng kalakasan na harapin ang buhay Dahil ito'y bigay ng ating mahal na maylalang.