Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Nagmamahal at minamahal

Araw na naman ng mga puso Nakahanda na ang hukbo ng mga damdaming nagsusumilakbo, tila nag-aapoy na parang mga sulo. Mga gimik na talaga namang pinaghandaan, magkasamang pagsasaluhan para mamaya'y may lambingan sa ilalim ng mga tala at buwan. Kay sarap sa pakiramdam kapag alam mong may nariyan. Hawak iyong kamay habang kayo'y naglalakbay. Mga mata'y nagtutugma tanging ligaya ang nakikita. Mga kaluluwang umaakma sa hulmahan ng bawat isa. Kahit mahirap tumaya umaasa pa rin at naniniwala na isang araw bigla na lang mawawala pait na dala ng nakaraang kabanata. Pero laging alalahanin Na mas may higit na nagmamahal sa atin, Na kailan man ay di tayo iiwan sa gitna ng labanan, dahil pag-ibig Niya'y walang hanggan. Kaya't huwag maiinggit at mag-ngitngit dahil sa ati'y may umiibig ng sulit na sulit Tunay na sa paningin Niya'y tayo ay kaakit-akit At kahit na minsan hindi tayo ipagpapalit. Bago pa natin hingin at iusal una na Niya tayong minahal. Ito ang pagibig na di nauutal walang takot at di nangangatal. Patuloy lang sa pagmagmahal, dahil ang pusong umiibig ng bukal di kumukupas kailan man kahit ilang araw at buwan pa ang dumaan.
Request permission to use this poem
Written by
uanneandonly
35 / F / Quezon City
Published
Feb 13, 2019
Lines·Words
44·190
Notes

13 Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

-Corinthians 13:13

02.14.19

Happy Valentines Day! (Minsan masakit magmahal pero sige lang..)

Tags
#puso#pagibig#tula#tagalog#mahal#umaasa#minamahal
Permission

Request to use this poem

Tell uanneandonly how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write