Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#umaasa
Ang bilis lumipas ng oras at panahon Parang kahapon lang kung iisipin Nakaraang buwan iyong kinalimutan Kasalukuyang buwan, muli'y nakalimutan. Nakatutok pa rin ako sa aking telepono Nagbabakasakaling sana maalala mo Espesyal na araw sa ating dalawa Na patuloy **** hindi inaalala.
0
Dec 20, 2020
Dec 20, 2020 at 3:05 AM UTC
PAGLIMOT (FORGETTING)
Madaling araw na Ngunit mulat pa ang mga mata Hinihintay ang iyong mensahe Kahit na malabong mangyari Inaalala ang bawat kahapong nagdaan Ang mga masasakit na salitang binitawan Bakit sa puso ko'y nakaukit pa rin ang iyong pangalan? Isa kang alaala na mahirap kalimutan.
0
Mar 1, 2020
Mar 1, 2020 at 7:15 AM UTC
Alas Dos
Dumating na ang araw na kailangan na nating magpaalam sa isa't isa Na bukas pagmulat ng mata ay di na kita masisilayan. Yung ngiting sa pagbukas nito ikaw agad ang makikita. Ayaw ko na ring isipin na ang landas kong tatahakin ay iba ng sa iyo, sapagkat sa lahat ang pinakamasakit ay umasa. Sana kung dumating ang araw na muli kitang makita ay matandaan **** minsan sa iisang bayan tayo ay naghuntahan. Tinawanan natin ang maraming bagay at nagpalitan tayo ng kwento ng buhay. Noong panahong naiinitan ay sumilong tayo sa kubong bahay-bahayan. Naglalakad tayo ng magkasabay habang ang puso'y mabilis na tumitibok. Pusong di alam kung bibitaw o mananatili na lang. Ngunit, kailangan nating maghiwalay at magpaalam. Unti-unti dumulas ang malambot **** kamay sa akin. Kasabay ng patak ng iyong luhang lalong nagpasakit sa damdamin. Hanggang sa muli. Paalam.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 9:26 AM UTC
Ysabel
ilang oras pa ba ang dapat hintayin para tanggapin ko'y wala ka na sa akin tila parang sinaksak ng isang patalim ang puso kong patuloy nagkikimkim tinatago ang bawat pait dinadama ang bawat sakit inaalala ang bawat saya umaasang ika'y babalik pa bawat oras ika'y naiisip ikaw parin hanggang sa panaginip
0
Jan 17, 2020
Jan 17, 2020 at 5:32 PM UTC
oras
bakit tayo umaasa? bakit ang dali nating maniwala sa bawat kataga nya? bakit ang dali nating kiligin sa bawat lambing nya? bakit ang dali nating lumambot sa bawat haplos nya? bakit ang dali nating magtiwala sa bawat pangako nya? bakit ang dali nating mahalin sya kahit wala namang kasiguradohan tayo'y mamahalin nya?
0
May 15, 2019
May 15, 2019 at 6:49 AM UTC
umaasa
Araw na naman ng mga puso Nakahanda na ang hukbo ng mga damdaming nagsusumilakbo, tila nag-aapoy na parang mga sulo. Mga gimik na talaga namang pinaghandaan, magkasamang pagsasaluhan para mamaya'y may lambingan sa ilalim ng mga tala at buwan. Kay sarap sa pakiramdam kapag alam **** may nariyan. Hawak iyong kamay habang kayo'y naglalakbay. Mga mata'y nagtutugma tanging ligaya ang nakikita. Mga kaluluwang umaakma sa hulmahan ng bawat isa. Kahit mahirap tumaya umaasa pa rin at naniniwala na isang araw bigla na lang mawawala pait na dala ng nakaraang kabanata. Pero laging alalahanin Na mas may higit na nagmamahal sa atin, Na kailan man ay di tayo iiwan sa gitna ng labanan, dahil pag-ibig Niya'y walang hanggan. Kaya't huwag maiinggit at mag-ngitngit dahil sa ati'y may umiibig ng sulit na sulit Tunay na sa paningin Niya'y tayo ay kaakit-akit At kahit na minsan hindi tayo ipagpapalit. Bago pa natin hingin at iusal una na Niya tayong minahal. Ito ang pagibig na di nauutal walang takot at di nangangatal. Patuloy lang sa pagmagmahal, dahil ang pusong umiibig ng bukal di kumukupas kailan man kahit ilang araw at buwan pa ang dumaan.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 10:33 PM UTC
Nagmamahal at minamahal
Gusto kong maglayag sa lugar na kayang ipahayag laman ng pusong lagalag. Gusto kong abutin ang mga ulap, lumutang sa alalapaap na parang nangangarap hawakan ang mga butuin na parang mga alitaptap. Gusto kong damhin patak ng ulan, magpakabasa hanggang mahimasmasan upang bumalik sa tamang kamalayan. Gusto kong gumising isang araw na may pag-asang tinatanaw kakapit sa bukang-liwayway at di na bibitaw.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 8:49 AM UTC
Gusto ko sana.
Di ko alam kung pano harapin ang bukas ng wala ka sa piling ko, pano ko isasanay ang sarili ko na wala kana at may iba kana. Kung nasanay na ako na lagi ka nandyan kung ,mahirap tangapin,tangapin na may iba kana at wala na ako sa puso mo,pano ko sasabihin sa puso ko na tama na. Kung Ikaw pa rin ang laman nito.Mahal na mahal parin kita ,sobrang sakit kahit gusto ko man sabihin sayo di mo din naman maiintindihan...
0
Jan 24, 2019
Jan 24, 2019 at 9:40 AM UTC
"Paano"
unti unting nawawalan ng gana pero heto ako, tuluyan pa ring umaasa sa bawat umaga nating dalawa hindi ko mapigilan na kumapit nalang sa bawat "sana" kung bakit nagkaganito hindi ko alam ang sabi mo, mahal mo ako pero bakit parang iniwan mo na ako? hanggang kailan kaya ako maghihintay kasi sabi mo'y ika'y babalik pero sa bawat araw na nagdaan parang nawawalan na ng halaga ang "walang hanggan"
0
Oct 7, 2018
Oct 7, 2018 at 4:16 AM UTC
mga hindi ko kayang sabihin sa iyo nang harapan
Sana, bata na lang tayong lahat… Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!” Sana , bukas ay bakasyon na… Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo. Sana, pasko na lang bukas… Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko. Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan … Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo. Sana ikakasal na ako bukas… Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo. Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:27 AM UTC
SANA
Sana, bata na lang tayong lahat… Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!” Sana , bukas ay bakasyon na… Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo. Sana, pasko na lang bukas… Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko. Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan … Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo. Sana ikakasal na ako bukas… Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo. Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
Continue reading...
12
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS. TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT. KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS, KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN. KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO. PARA KA TALAGANG ULAP, KASING GANDA MO ANG ULAP. NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA. MASAKIT PERO MASAYA. MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG, YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS. PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW. KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS, KAHIT MABASA AKO NG ULAN, ANDITO PARIN AKO. TINITINGNAN KA SA MALAYO. KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG “PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.” DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA. DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO **** IBUNTONG SA ISANG TAO. TANGA PAKINGGAN DIBA? SABI NILA SAKIN BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN, BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG. OO NGA TAMA SILA. NAPAKA TANGA KO. DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN, AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA. ULAP. KAHIT SAAN NAKIKITA KITA. IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
0
Feb 14, 2017
Feb 14, 2017 at 11:25 PM UTC
Ulap
Sadyang ikaw nga'y isang bituin Na sa langit ay nagbibigay ningning.. Umaasa ako na ika'y maabot at maging akin. Umaasa na ako'y iyo din mahalin.. Sadyang ikaw nga'y isang bituin Na sa gabi'y nagbibigay buhay.. Ako'y umaasa na ika'y makamtan. Nang sa gayon ang aking buhay ay gawin **** makulay.. Pero sana naman pag ika'y napasaakin Wag ka ng kumawala at ako'y iyong lilisanin. Na pagnatapos ang gabi't sumapit ang umaga Ika'y mawawala at mawawalay sa akin..
0
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 9:43 AM UTC
BITUIN
Yung akala mo kayo na Eh, part time kalang pala Ginawa ka lang palang pamaparaos Kahit katawan mo nay pinuno nya ng galos Ikaw naman tong si tanga Sabi mo sa sarili kaya mo pa Kahit damang dama **** ang sakit na Nagbabakasakali na kayo ay pwede pa Ano bang meron sa kanya? Na ang iwan siyay di mo kaya Samantalang para sa kanya Part time ka lang pala Tinatawagan ka lang kung may kailangan Binibisita lang pag walang mapaglilibangan Hahalikan ka, mayat maya ay uutangan Ganyan ba talaga ang iyong ideya nang pagmamahalan? Gayun may gusto ko sa iyoy ipa alala Na sa iyo may nagmamahal pa Hindi ka ginagawang part time, at tunay kang inaalala Sa iyong mga magulang na sa kanilay higit kapa sa ginto Sa mga kaibigan **** bukas lagi ang kanilang mga pinto Kaya kailan ka pa ba hihinto Tigilan ang pagpapakatanga at magpakatino
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 6:27 AM UTC
Part-time Gilfriend/ full-time TANGA
Sana iyong maisip Ang aking nararamdaman Hindi maipagkakaila Ang nararamdaman ko ay tunay Kung para sayo wala lang ito Para saakin ito ay isang pangarap Pangarap na hindi kailanman matutupad Pangarap na tila isang impossibleng pagkakataon Isang pagkakamali ang mahulog sayo Ako man ay umaasa pa rin Ngunit iba ang iyong gusto Alam kong hindi ako at hinding hindi magiging ako Kakaiba ang turing mo saakin May konting aliw at kilig Pero hindi lahat ay totoo Kasinungalingan ika nga Pagpasensyahan mo na Ikaw ang aking natipuhan Hindi ko ito sinasadya Wala ito sa plano
0
Dec 13, 2015
Dec 13, 2015 at 11:46 AM UTC
Sadyang Kumakapit Sa Natitirang Sana
Oo,napakatanga ko kasi hanggang ngayon umaasa parin ako umaasa ako na mamahalin mo rin ako umaasa ako na ang tingin mo sa akin ay pwede pang mabago Sa bawat luha ko, ngingitian mo ako sa bawat tingin ko, papatulan mo Kaya ito namang si tanga, ngayon ay umaasa umaasa sa pagibig niya na sa totoo naman ay hindi niya makukuha May umaasa kasi may paasa hindi lahat pero madami yun ang aking masasabi at wala kayong magagawa Pero seryoso, hindi naman talaga ito para sa akin ito ay para sa kaibigan kong ayaw magising sa katotohanan alam niyang paasa pero hangang ngayon minamahal niya
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:30 AM UTC
Paasa
Gagawa ako ng tula Para sa inyong mga paasa Sana inyong basahin Para kayo'y matauhan at magbago rin! Sisimulan ko sa simula, Kung saan ichachat nyo kami at sasabihin 'hi' At kami'y mag rereply ng 'hello' At dun na kami aasa hanggang sa dulo. Dederetso ako sa gitna Kung saan yayaain nyo kami mag date At sasabihin nyo pa na seryoso kayo Pero yung pala'y labag sa kalooban nyo. Eto na ang huli at alam kong di tatatak sa puso't isipan nyo. Sana malaman nyo na sa ginagawa nyo maramjng umaasa at nasasaktan. Dahil sa inyong labis na kahihitnan. At aking sasabihin na sana matuto kayong masaktan at magmahal, Dahil sinasabi ko sa inyo, di kayo banal!
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 6:46 AM UTC
Paasa sa umaasa
Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang pangako na minsang sinundan Ng sakit at tampo ng nakaraan Pero hindi ito susundan ng sakit at kahihinatnan. Minsan aking pinangako na magiging okay lang ako Na lahat ng ito ay malalagpasan at makakalimutan rin Pero lahat pala ito’y napako, At napadaan lang sa daan na bako-bako. Daan na bako-bako, parang tayo. Di malaman kung san liliko, palagi nalang nakakalimutan at nahihilo, Kung ang damdamin ay pareho. Umasa ang isa at nagpaka-tanga, Sa pangako at pag-ibig kung san lahat ay nalito. Pangako. Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang sakit na dinulot mo sa akin Mas masakit pa kesa sa paluhudin sa bilao ng asin At kalian man umasa na ikaw ay mapapa sakin. Pangako, salitang palaging napapako. Katulad ng tulang ito, parang pangako. Paulit-ulit sinasabi, ngunit nalilito at napupunta sa daan na bako bako Pero aking tutuparin, ang pangako na ito hangga’t sa kakayanin. Pero hindi kita tutularin, na ginawa ang pangako na parang bang kasing nipis ng asin.
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 5:44 AM UTC
Pangako
Ang dami ko nang nagawang tula, Pero masasabi ko na isa ito sa paborito kong nagawa, Bumalik tayo sa oras, Sa oras na nakalipas, Habang ako'y naglalakbay, Nakita ko ang mga panahon na ako'y sumablay, Natawa nalang ako sa aking nakita, Nadinig ko ang mga mapapait at matatamis na salita, Nakita ko ang mga taong humulma sakin, Nais ko sana silang tanungin. Ngunit hindi sapat ang aking oras, Sa oras na lahat ng larawan ay nagsimula ng kumupas, Nakita kita na paparating, Hindi ko napigilan na tumitig at mapatingin. Oo itong mga matang ito napatitig sayo, Sabay bulong sa hangin na sana maging tayo.
0
Nov 13, 2015
Nov 13, 2015 at 12:08 AM UTC
PANAHON
Kung alam ko lang na mamimiss kita nang ganito, Hindi na sana ako umalis. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit, Hindi na sana kita binitiwan. Kung alam ko lang na mahuhulog ako sayo nang ganito ka lalim, Hindi na sana kita minahal Pero ang totoo ay, Alam ko... Matagal ko nang alam, Alam na alam ko Pero.. Alam ko.. Alam ko na mamimiss kita nang labis Pero.. pero Kailangan kong umalis at iwan ka, Kasi alam kong mali. Mali ang makapiling kita Alam ko na masasaktan ako nang sobra, Pero kailangan kitang pakawalan Dahil.. kailanma'y hindi ka talaga naging sakin Alam ko na mahuhulog ako sayo nang napakalalim... Pero hinayaan ko parin ang sarili ko na mahulog sayo Nagbabakasakali na sana, sana Possible, maari, baka lang ay saluin mo ako Pero Hindi eh.. Nahulog nga ako pero walang sumalo. Kasi habang nahuhulog pa ako, May kayakap ka na palang iba. At nang bumagsak na ako sa lupa Ang sakit.. Ang sakit sakit.. Nadurog na ang puso ko, wasak.. Was...Wasak na wasak na at Nagkalat sa lupa Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit? Mas masakit Kasi heto parin ako, hawak-hawak ang durog ko na puso Naghihintay Na mahalin mo rin ako...
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:14 AM UTC
Alam Ko (Tagalog)