Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#puso
Ako ay nanalangin Nagsusumamo na ito ay dinggin Puso sana inyong gamutin Para ang kapayapaan ay aking makamit Haplusin mo sana ang puso ko Sapagkat ito ngayong nagdurugo Galit at hinanakit ang nag uumapaw Kabaitan at pagpapatawad ang sana'y umibabaw Payapang puso ang nais ko Ikaw kaibigan ito din ba ang gusto mo? Halika dito, mgdasal tayo Ano man paniniwala mo, pero alam ko iisa tayo.
0
Mar 10
Mar 10, 2026 at 5:31 AM UTC
Payapang Puso
Ngiti mo ay kay akit-akit, Mga mata mo'y puno nang pighati. Tila ito'y hibik ngunit walang kalatis. Kaibigan, mayroon bang bumabagabag sa iyong paglingap? Ipamarali mo at nang ika'y aking kalingain. Datapwa't ako'y walang sinuman gayunman ako'y may kahabagan. Kahit pilit **** inaakupado ang kanyang pag-iisip subalit pakatandaan na ang puso'y di marunong lumimot sa nakaraan. Ano ba ang dapat **** gawin upang ika'y mapansin? Hanggang kailan matatapos ang iyong kalumbayan? Hanggang kailan mo siya alpasan? Mauuwi na naman ba sa balitaktakan?
0
May 23, 2022
May 23, 2022 at 8:51 PM UTC
Ang Puso'y di marunong lumimot sa nakaraan
Tila apoy na nakapapaso Sa tuwing pinatatalon ang puso Nangangambang baka naglalaro Kaya papatayin ang apoy sa puso Apoy nga ay pilit kong pinapatay Sa tuwing pinagniningas mo panay Lumalapit ka't sinasanay Ang pusong tila natatangay Matutulad nga ba sa mga nagdaan Na akala mo ako ay nariyan Ngunit palihim palang nilalayuan Kung unti-unting makapasok ng tuluyan Hanggang kailan magtatago sa kulungan At ang lahat ay pinagtatabuyan Mag-iisa ka nga sa hanggahanan Kung mananatiling hangal sa sukdulan. JGA
0
Jul 4, 2021
Jul 4, 2021 at 11:37 AM UTC
Apoy
Habang minamasadan mukha sa salamin, Aninag ang lungkot, ngiti'y alanganin, Luha'y tumutulo di ko napapansin, Itong puso kasi puno ng pasanin.
0
Apr 16, 2021
Apr 16, 2021 at 6:38 PM UTC
MASAYA ANG NOON
Binubuhay ng pag-iisa ang iba't ibang pakiramdam. Nalalaman mo na may mga bagay na 'di mo kayang gawin nang ikaw lang. Nailalabas ang kalungkutang ikaw lang ang nakakaalam. Nailuluha ang pighati na sa sarili mo lamang ipinapakita. Lumalakas ang pag-iyak na mumunting hikbi lang sa tuwing may kasama. Nauunawan mo na minsan kailangan mo lang din mapag-isa. Nagagawa **** maging matapang - Na kahit hindi mo kaya ay iyong sinusubukan. Nagagawa **** pasayahin ang iyong sarili. Hindi mo na kailangan pang magpanggap na hindi ka sawi. Dumadagsa ang mga kaisipan na sa pag-iisa mo lamang namamalayan. Ngunit sa lahat ng iyan, Napagtatanto mo na ang pinakamasakit na pag-iisa ay iyong may kasama ka. Wala naman kasing pagkakaiba 'yong pag-iisa na ikaw lang Sa pakikisama mo sa karamihan O sa tuwing napaliligiran ka ng tinatawag **** kaibigan. Pareho lang ang ibinibigay nilang pakiramdam. Pareho lang ang inuukit sa iyong isipan Na mag-isa ka - Kahit ikaw lang o kahit na mayroong kasama. © Tres
0
Jun 16, 2020
Jun 16, 2020 at 4:38 AM UTC
Sa Pag-iisa
‪huminga ka.‬ ‪hindi porket nagparamdam siya, ‬ ‪susubukan mo kung may pag asa pa;‬ ‪kung may natitira pa.‬ ‪sa oras na ‘to na lahat ay magkakalayo, ‬ ‪na lahat ng tao’y may distansiyang higit sa isang metro, ‬ ‪isabay mo na rin ang puso mo. ‬ ‪di lahat ng bagay, may pagasang bumalik sayo.‬
0
Mar 25, 2020
Mar 25, 2020 at 9:06 AM UTC
metro
Di ko alam kung paano ko gagawin, Ako'y di mapakali, sa aking aaminin, Dahil ako'y kinakabahan, Mga ginagawa ko'y baka di mo magustuhan. Dahil ito lang aking makakaya, Sa kasamaang palad ito lang talaga, Itong aking mga kalatas at tula, Ito lang at wala nang iba. Damdamin ang naging panulat, Inspirasyon ang syang nagtulak, Musika ang sa aki'y umalalay, Sa katahimikan ng umagang walang kapantay. Di lahat ng tula ko ay iisa ang balak, Yung iba'y para lamang ika'y humalakhak, Ngunit di ko alam kung ako'y matagumpay, Upang mapasaya ka ng tunay. Kay rami nga ng aking naiisip, Mga "sana", parang panaginip, Inaasam, nais makamtan, Kahit yung man lang, mapagtagumpayan. Sana ikay napasaya ko, sana napangiti ka kahit papano, Sana naunawaan mo, Mga sanang tulad nito. Sana tanggapin mo, Sana paniwalaan mo, Sana pagpasensyahan mo, Sana, sana, sana, hay nako. Sana man lang naramdaman mo, Ang damdaming ikinubli ko, Sa mga salita ng aking tula, Na sana, sa puso mo'y tumama. Sana man lang ika'y aking naantig, Sana man lang ika'y aking napakilig, Sapagkat di kaya ng aking mga bibig, Di kayang sabihin, minsa'y nanginginig. "sana" na higit sa aking pang-unawa, Tulad ng "sana makuha ko rin ang iyong paghanga", Ngunit iyo'y parang isang malayong tala, Hanggang tingin nalamang, mata ko lang ang nakakakita. Di ko alam kung ito'y panunuyo na ba, Liniligawan na ba kita? Dahil di ko alam sa sarili ko ang totoo, Ang alam ko lang, ikaw ang tanging gusto. Ako'y natatawa, Ang landi ba naman nitong binata, binatang naghahangad na sana, Sana sa tamang panahon, ika'y kanyang makasama. Ang pinapangarap nyang dalaga.
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 3:56 AM UTC
Mga nais sabihin sa isang dalagang nagngangalan diane

Continue reading...
49
Milya milya man ang layo mo, Pero sisiguraduhin kong kakayanin ko, Kakayanin ko, kakayanin natin lahat ng mga pagsubok na darating, Pagsubok na sabay nating haharapin, Pagsubok na kahit tayo ay magkalayo'y alam kong ating malalagpasan, Wala sakin kung kilo kilometro man ang layo mo, Wala sakin kung hindi kita nakakasama o nakikita, Pero sakin sapat ng alam kong mahal mo ko, At sapat ng malaman **** ikaw lang ang laman ng puso ko, Hindi ko man hawak ang iyong mga kamay, Hindi man kita mayakap gamit ang aking mga bisig, Hanggat nandito ka sa puso ko, Mananatiling ikaw hanggang dulo Mahal, Gusto kong malaman **** Kahit ilang milya o ilang kilometro ang layo mo, Wala ng papalit sayo dito sa puso ko. Hindi man ngayon, handa akong maghintay hanggang sa magtagpo tayo.
0
Feb 24, 2020
Feb 24, 2020 at 6:55 AM UTC
Mga milya
Minsan sumasagi ka parin sa isipan Habang kaupo sa sasakyan Nasa tabi ng mga bintana At nakikinig ng malulungkot na kanta Minsan sumasagi ka parin sa isipan Kapag naglalakad sa kung saan Kapag hatid na ilaw ng buwan kay liwanag At ang ngalay na mga binti ay di batid Minsan sumasagi ka parin sa isipan Tuwing nakatingin sa kalawakan Nagtatanong kung damdaming isiniwalat At mga salitang binitawan ay puro nga ba at tapat
0
Oct 7, 2019
Oct 7, 2019 at 9:49 AM UTC
Minsan
Hanggang dito na lang ako Kung tatawid pa'y malulunod ng todo Sa pagkalunod, di makakaahon panigurado Batid namang iba gusto Hanggang tingin na lamang sa malayo Kung lalapit pa'y, tiyak di makukuntento Magiging makasarili hanggang dulo Ipilit at masasaktan ng husto
0
Oct 6, 2019
Oct 6, 2019 at 2:16 AM UTC
Hanggang Dito
Sakali mang lilisan Gawin ng isahan Wag mag-alinlangan Saksakin ng biglaan Dahil ang minsan' Pagpatay mo ng di dahan Ay awang malalaan Sa pusong iiwanan
0
Oct 5, 2019
Oct 5, 2019 at 11:15 AM UTC
Sakali
Konti nalang bibigay na Kaya kailangang lumayo na Pagka’t hindi nais maging pangalawa Sa puso **** pagmamay-ari na ng iba Sa pagpaparamdam **** ako’y mahalaga Nabigyan ko ng maling pagpapakahulugan pala Inaamin ko, ako ang may sala Pagka’t ako ay umaasa sa wala Ako ay didistansiya na Dahil ayokong maramdaman niya Ang aking naramdaman sa nauna Na iwan at pagtaksilan dahil may iba na Hindi na muna magbabasa Ng mga librong hilig nating binabasa Pagka’t ang mga dahon ay nagpapaalala Na minsan ang hilig nati’y iisa Pipikit nadin muna tuwing titingala Upang hindi masaksihan ang mga tala Pagka’t ang buwan din ay iyong paborito Dahil sabi mo napakakalma ka ng mga ito Lahat ng ito’y aking gagawin Hindi para sa iyo kundi para sa akin Dahil karapat-dapat akong mahalin Ng taong buong-buo ay akin.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 8:37 AM UTC
Halos
hinahanap ko ang iyong liwanag gustong masilayan bawat sinag ilawan ang mundong puno ng pagkabagabag dagat na puno ng kapayapaan dampi ng hangin sa aking kalamnan dulot nito'y kapanatagan ng kalooban sa akin ay may bumubulong wag hayaang puso'y makulong sa hinagpis na nakalululong ikaw ang tala na aalalay at gagabay sa paglalayag kong walang humpay ningning mo'y tila walang kapantay.
0
Apr 7, 2019
Apr 7, 2019 at 7:48 PM UTC
Paglalayag/Stella Maris
di ko alam kung ako lang ang ganito o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto. nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno, buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig. isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.” isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel ay magkakaroon ng kahulugan. oo. madalas akong ganito. na andaming gustong sabihin ng utak ko pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo. bakit ang dali magsulat? pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat? minsan, nananalangin ako na sana may taong lalapit dito para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko. ngunit kahit meron mang ganung tao, alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto. dahil ang mga salita na galing sa utak ko, na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta. kaya oo. kahit hirap na hirap ako, na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko, tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito. dahil onti onti kong naiintindihan na ang lungkot, saya, o mapa ano man, ay iba iba ang kahulugan sa tao. pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
0
Apr 6, 2019
Apr 6, 2019 at 6:36 PM UTC
sulat
madilim ang kapaligiran dama ang katahimikan napatingin sa kalangitan abot tanaw ang kalawakan kay gandang pagmasdan mga tala at buwan tila nakahiga sa duyan hinehele ng marahan mata'y napapikit diwa'y kumalma ng saglit nanumbalik mga alaalang di mawaglit ninanamnam bawat kapit biglang napagtanto marami nang nagbago maraming dinanas na pagkabigo kaya bang buksan muli ang puso? mumulat at muling sisilay sa mga bituing nakalaylay Hihiling na sana'y pawiin ang lumbay at mundo'y muling bigyan ng kulay. sana'y hindi magsasawa sa paghiling at pagtingala hanggang sa dumating ang himala at matanggap ang pagpapala.
0
Mar 6, 2019
Mar 6, 2019 at 4:58 AM UTC
muni-muni
Ilang taon na rin ang nakalipas, Mula noong una kong masilayan; Ang kislap ng iyong mga mata, Nangingibabaw sa mga ilaw sa daan. Naaalala ko pa lahat - Puno ng kaligayahan, kapayapaan. At ngayon, ikaw at ako. Tila hindi na magkatagpo. Sana hindi matangay ng pagbugso, Itong dinadala ng aking puso.
0
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 2:48 PM UTC
Session Road.
Araw na naman ng mga puso Nakahanda na ang hukbo ng mga damdaming nagsusumilakbo, tila nag-aapoy na parang mga sulo. Mga gimik na talaga namang pinaghandaan, magkasamang pagsasaluhan para mamaya'y may lambingan sa ilalim ng mga tala at buwan. Kay sarap sa pakiramdam kapag alam **** may nariyan. Hawak iyong kamay habang kayo'y naglalakbay. Mga mata'y nagtutugma tanging ligaya ang nakikita. Mga kaluluwang umaakma sa hulmahan ng bawat isa. Kahit mahirap tumaya umaasa pa rin at naniniwala na isang araw bigla na lang mawawala pait na dala ng nakaraang kabanata. Pero laging alalahanin Na mas may higit na nagmamahal sa atin, Na kailan man ay di tayo iiwan sa gitna ng labanan, dahil pag-ibig Niya'y walang hanggan. Kaya't huwag maiinggit at mag-ngitngit dahil sa ati'y may umiibig ng sulit na sulit Tunay na sa paningin Niya'y tayo ay kaakit-akit At kahit na minsan hindi tayo ipagpapalit. Bago pa natin hingin at iusal una na Niya tayong minahal. Ito ang pagibig na di nauutal walang takot at di nangangatal. Patuloy lang sa pagmagmahal, dahil ang pusong umiibig ng bukal di kumukupas kailan man kahit ilang araw at buwan pa ang dumaan.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 10:33 PM UTC
Nagmamahal at minamahal
Gusto kong maglayag sa lugar na kayang ipahayag laman ng pusong lagalag. Gusto kong abutin ang mga ulap, lumutang sa alalapaap na parang nangangarap hawakan ang mga butuin na parang mga alitaptap. Gusto kong damhin patak ng ulan, magpakabasa hanggang mahimasmasan upang bumalik sa tamang kamalayan. Gusto kong gumising isang araw na may pag-asang tinatanaw kakapit sa bukang-liwayway at di na bibitaw.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 8:49 AM UTC
Gusto ko sana.
Sasabay ba sa kung ano ang uso O lalaban ang pag-agos nito Ramdam na ramdam ang pagod Pero hindi magawang tumalikod Kalaban ang buong sanlibutan Ngiti mo sana ay makamtan
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 7:12 AM UTC
Sasabay
Takot ako sa katahimikan na dati nama'y kayang sabayan. Tara samahan akong kumanta at sumayaw, sundan natin bawat alingawngaw. Takot akong maiwan na dati nama'y sanay na may lumilisan. Tara samahan ako at hawakan aking kamay, ako'y tanganan at sa aki'y umakbay.
0
Feb 11, 2019
Feb 11, 2019 at 7:45 AM UTC
Tara.
Minsan ako'y nanalangin, diwa ko'y nag-aalanganin. Di alam ang uunahin, di alam ang sasambitin. Gusto sanang alamin ano bang plano sa akin? Sana naman ako'y dinggin at wag nang pagisipin. Ang hirap kasing baybayin, lalo na kung hihimayin. Puso ko'y tila nakalambitin, nakalutang sa hangin. Pilit kong aalalahanin mga bilin mo sa akin. Mabigat man ang damdamin, alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:14 AM UTC
PANALANGIN
Umalis ng walang plano, walang dala kundi ang puso. Nagpadala nga ba sa uso? pero saan ang tungo? Bawat hakbang ng paa, bawat kapos ng hininga, ninanamnam para sa ikasisiya pero saan ba ang tungo? Ramdam ang pagod kinailangan ng tumukod ngunit hindi tatalikod. pero saan ba talaga ang tungo? Kung saan man patungo yun ang hindi maituro pero alam ng puso na bawal ang sumuko.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:15 AM UTC
Saan ang tungo?
Ikaw ang gusto ng aking puso, Pero ang utak ko ay gusto kang maglaho. Sila ay nag-aargumento ng parang na sa korte. Kailan kaya kita maibabalewala, Katulad ng pagbalewala mo sa mga ginawa ko. Kinakalimutan ko na mahal kita, Pero nung ngumiti ka, Nahulog nanaman ako sayo. Kailan kaya mananalo ang utak ko sa laban na ito?
0
Nov 29, 2018
Nov 29, 2018 at 5:24 AM UTC
Utak
margaret Langit ang nagbigay biyaya nang ambon ay dinilig Ang aking hiling sa panginoon ay biglang nadinig Pinadala ang anghel na sa mundo ko’y yayanig Tinawag ng ng kanyang tinig, at Napatulala sa mga Titig Maari bang malaman ang yong pakay sa akin Kung ikaw ba ay pasakit at tuluyan na akong wawasakin? Laging kong tanong kung ano ba ang dapat kong gawin Kung ang kahulugan mo ay kabiguan patuloy pa ba kitang iibigin? Nagtatanong kay Bathala, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga Nitong pagmamahal na kung bakit sa puso kumapit ka ng kusa Ako’y nagtataka’t di maka paniwala Bakit ito ang yong ginawa Sa bigay **** biyaya, Ano ba ang kasalanan ko  para isinumpa Gaano ba kita pinapahalagahan? Alam mo ba ang dahilan? Hiling ko lang ay sanay iyong maunawaan itong nararamdaman Kaya ang paliwanag ko ay simple nalang Masikip dito sa loob ko, kaya ang kasya ay ikaw lang Alaalang bitbit pano ko makakalimutan Kung Sa puso koy nakaukit  ang yong pangalan Ibinalot ng tatag ng loob para ika’y ipaglalaban Di kita hahayaang lumuha lagi kang aalagaan. Nagaabang ng sasakyan para dalhin sa langit, iwan ang mundo Nakikiusap Pagbigyan sana Hiling makamit, Anghel na sundo Saan nga ba tayo patungo? Byaheng langit sa impyerno, Sa isipan kong magulo, Kasinungalingan ka ba o Totoo? Linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyo Tuluyang Hinamon Ang matapang na puso Sayo napalapit at ayaw nang lumayo Ang silakbo ay di na kaya, kayang isuko kahit ano dito sa lupain ay handa kong ialay Pagkat ang langit sa akin ay una mo nang binigay Ang halaga mo sa akin ay Walang katumbas na materyal Dahil Di kayang sukatin kung gano kita kamahal
0
Sep 25, 2018
Sep 25, 2018 at 12:04 AM UTC
Margaret (Anghel Ko)

33