Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Jose Remillan May 2017
Gaano man kamahal ang suot **** bestida
Mahal, lalapag at lalapag pa rin 'yan sa sahig,
Bilang tanda ng pagpapaubaya sa hapag ng

Paglikha.

Aakuin mo ang lambong ng kahubaran, lilisaning
Tiyak ang kamusmusan. Lilimutin ang dasal ng
Mga ninuno, sasambahin ang buwan bilang lantay

Na liwanag ng buhay.

Ibibilang mo ang mga patak ng pawis sa kumpas
Ng paghinga, habang ang indayog ng papag
Ay paulit-ulit **** iaakma sa ritmo ng bisig,

Sa pintig ng Puso,
Sa init ng titig, kahulugan at pag-ibig.
Jose Remillan May 2017
matiyaga kang pinapasan ng
mamang nangumpisal sa salamin,
umami't umako ng karnal na
pagkakamali. habang ang karamiha'y

mga miron sa silong ng tirik na araw,
namamanata sa ritwal ng pag-ulit,
pagpako't pagpapasakit sa huling
Adan na nabayubay. upang ang

kapirasong kahoy ay maging kahulugan,
upang ang kahuluga'y maging ehemplo.
templo at tiyempo ng mga himno ng
mga epokrito't espasyo ng hunghang na

pagsamba.

ang balikat ay hudyong Kristo, ang kamay ay
romano. paano kaya kung ang idolo
ng impostor ay sa silya elektrika hinatulan,
papasanin din kaya ito ng walang alinlangan?
Jose Remillan May 2017
Hihilingin ko pa rin sa'yo
Na yakapin mo ako pagtila
Ng ulan. At muli akong aasa
Na ang bahaghari ay tangan

Mo pa rin sa'yong kamay, gaya
Ng krayolang hawak ng paslit,
Hulugway at sarikulay sa panahon
Ng pag-ibig at pamamaalam.

Hihilingin ko pa rin sa'yo
Ang unang halik ng katiyakan,
Sanlaksang pagluluksa man
Ang ika'y pumainlanlang, aangkinin

Ko pa rin ang mga tala.

At muli ay aawitan kita ng kundiman,
Kung hindi man ay iduduyan sa
Kalawakan, kung paanong sa
Pangako ay naging tapat, kung bakit

Ikaw ang lahat, kung bakit ikaw ay
Sapat.
Jose Remillan Jun 2016
You stayed until midnight.
Its been a while since the
Last time we talked about life.

But even before I mumbled
Words, tears flooded them.
Again, I found myself in the

Glorious ruins of what we were,
What you were, and what you
Are to me now. Before the rain,

We wore the same smile, while trapping
Time and chasing stars, in the
Constellation of dreams, a forgotten

Universe of our souls.
Jose Remillan Jun 2016
It was believed by the founders
that the edifice would suffice to
house their dreams and demons.
Until the blood of new generation,

younger, bolder, tainted the papers,
muted the words, mutilated the bodies
of gods. Thick clouds swathed

the conflicted souls, confused crime
from cries for freedom and happiness.

Then there were ruins: us.
Jose Remillan Jun 2016
Inagaw ka na nga ng himpapawid.
Ngunit bago pinatid ng hangin
Ang paningin habang ikaw ay
Lumulutang-lutang sa panganorin,

Tatlong ulit akong nangako sa'yo:
Ililikha kita ng alapaap. Sasariwain ko
Ang iyong paglingap. Hindi ko

Hahayaang manatiling pangarap ang
Pangarap. Kahit na hindi man lang kita

Nayakap, bago ka inangkin ng mga ulap.
(Para sa lobong hugis puso na nakita ni  Allan Popa.)
Jose Remillan May 2016
December revelries are never
About you. They are
About the yuletide, about
Everything that was never
About you. But somehow,

You

Keep your faithful grandeur
Upon our mortal eyes,
Upon our bounded beings.
Reminding us of our
Fragile existence, of our

Excesses and excuses for
Not being life itself,
For just being a
Reminder and remainder of

Its majestic beauty.

See you in 2034,
With a yearning for
A memorable life changed
by the universe of

Chance.
December 25, 2015 Pasacao Camsur
Next page