Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Magsusulat ako ng mga salitang matulain
kahit hindi ninyo ito basahin at tanggapin
kahit ako lang ang tunay na papansin at aangkin
Dahil masyado akong mausisa at malikhain

Tahimik ang paligid at nais ko sana magsulat
Ibuhos ang lahat ng nais kong ipagtapat
Mga bagay bagay na bumubulabog sa ‘king utak
Ito’y mga salitang sa papel lang kayang isulat

Mahirap man unawain ang aking nararamdaman
Ganun pa ma’y ipagpapatuloy ang makakagaan
Sa ‘king pusong puno ng hinanakit ang nakadagan
Ngayo’y bibigyan ng tinig sa blanking papel na tangan

Mga panahong nagmumokmok umiiyak sa sulok
Ni walang nakakapansin sa mga matang malungkot
Todo ang ngiti bagaman ang lungkot ay nasa likod
Huwag lang mahalata ang mukhang may sama ng loob

May mga salitang sa papel lang kayang manatili
Dahil ‘di na kayang bigkasin ng ating mga labi.
Mga lungkot at galit sa puso’y sadyang iniukit
Isusulat sa papel sa dingding doon ididkit
PAANO BA GUMAWA NG TULA

PAANO ba gumawa ng magandang TULA
TULA na may tamang sukat at TUGMA
TUGMAng pantig mabulaklak na SALITA
SALITAng dapat umayon sa SIMULA

SIMULA ng tula dapat may tamang BAYBAY
BAYBAY ng panitik dapat saktong BILANG
BILANG ng patinig minsan pa ay KULANG
KULANG sa diwa tula pa’y walang BUHAY

BUHAY na dapat laman ng iyong KWENTO
KWENTOng aakit sa bumabasang TAO
TAO na minsa’y paghuhugutan ng LAKAS
LAKAS upang sa tula’y MAIBULALAS

MAIBULALAS katagang HAHANAPIN
HAHANAPIN sa balong ubod ng LALIM
LALIM ng salita’y dapat PAKASURIIN
PAKASURIIN salitang BIBIGKASIN

BIBIGKASIN mga kataga ay SAPAT
SAPAT na mauunawaan ng LAHAT
LAHAT na babaybaying pantig may SUKAT
SUKATan ang lalim ng ilog at DAGAT

— The End —