Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
Gugunitain daw nila ang pagpapakasakit ng anak ng diyos. Paano tanong ng isa sa kanila? Ewan ko, bahala ka. Magpapapako ba ako sa krus o magpapahampas ng latigo habang pasan ko ito? Tang-ina bahala ka pati ba naman yan problema ko pa?

Mas guwapo daw si Hudas kumpara kay Hesus at ito daw si Magdalena ang naging asawa ng Tagapagligtas. E ano ngayon?

Hindi ako apektado kahit pinalaya ni Pilato si Barabas kapalit ni Kristo at wala rin akong ****-alam kahit paulit-ulit na nagduda si Tomas.

Kung nabuhay mang muli si Kristo at umakyat sa langit wala itong kabuluhan, sayang lang ang kanyang pagpapakasakit.

Bakit?

Sapagkat lalong dumami ang mga ulol na tao sa mundo; hindi napabuti ang sangkatauhan sa ginawang pagpapakasakit ng karpintero ng Galileya mukhang lalo pa itong napasama. Patuloy na lumaganap ang kasakiman at kaulolan ng tao sa mundo.

kaya't walang saysay na gunitain ang Mahal na Araw sapagkat mura at walang halaga ang bawat oras ng mga mamamatay tao at manlulupig na nagsasabing sila'y mga tagasunod ni Kristo.
Spadille Feb 2021
Sabi nila di ka tunay na manunula kung ang sulat mo'y di tugma
Kaya napatingin ako sa aking mga tula
At nagtanong sa aking sarili kung ang aking iniisip ay tama
O tunay nga ba ang aking duda
Hindi nga ako isang makata
Marahil ang gawa ko'y di makatutugma
Dito ay kalungkutan ang aking nadama
Dahil sa kasinungalingan ng aking paniniwala
Di tugma ang aking kinurbang salita
Gamit ang makabagong pluma
Luha't dugo ko'y na baliwala
Dahil lang sa sinabi ng isang makata
Kaya't gumuho ang aking mundo't pag-asa
Galit at pighati ang gumising sa aking gabi, mulat ang parehas na mata
At ako'y umiyak at lalong nagduda
Sa aking talento't kakayahang tumula
japheth Jul 2019
sinabi mo sa akin mahal mo ako
naniwala ako.

sinabi mo sa akin ako lang
naniwala ako.

sinabi mo sa akin, habang hawak ang kamay ko,
na “nandito lang ako.”
humawak ako nang mahigpit
at naniwala ako.

sinabi mo sa akin habang ako’y yakap mo
na di ka bibitaw na kahit kailan
maasahan ko ang pagbalot ng iyong mga kamay sa aking katawan
yung tipong lahat ng lamig sa mundo
mga problemang di ko ginusto
mawawala na lang sa init ng katawan mo.
oo, naniwala ako.

sinabi mo sa akin na ako lang
na hinding hindi ka titingin sa iba
sa parehong paraan ng pagtingin mo sa akin
at naniwala ako.

at naniwala ako.

naniwala ako at ipinangako ko sa sarili ko
na simula nang sinabi mo na mahal mo ako
wala nang mas gaganda pa sa paningin ko kung hindi ang mukha mo.

ang mukha ****
sa ngiti palang na naniwala akong pwede palang maging masaya
sa mata palang na naniwala akong nakita na kita — nahanap ko na.
sa bawat pisngi **** naniwala akong may paglalagyan pala ng mga labi kong uhaw sa halik.

naniwala ako sa lahat.

naniwala ako sayo.

may mga oras din namang nagduda ako.
sa bawat away
sa mga masasamang salitang nabitawan
sa kada luhang pumapatak sa ating mga mata
sa mga di pagkakaintindihan
sa mga muntik nating pagbitaw.

naniwala pa rin ako.

naniwala ako sayo.

pero di ko inakala
na ang tiwala
ay dahan dahan din palang nawawala.

isang kandilang ilang minuto na lang
apoy nito mawawala.

kahit ilang beses kong sinabi sayo
na ako’y di mawawala.
na ako’y nandito lang wala ng iba.
na ako’y naniwala
sa iyong salita,
sa iyong ganda,
sa iyong lahat na.

kahit na tayo’y magkasama
ang puso mo nasa iba na.

naniwala ako mahal mo ako.
pero ako lang pala ang ganito.

sinabi mo sa akin
tapos na tayo
naniwala ako.
na wala ako.

wala na ako sa puso mo.
i’ve stopped writing because I was afraid i cant finish a piece worth reading. i had so many unfinished work in my head that I never put into writing. last night, before I slept, this idea came to me and i immediately had to write the first pew phrases down so i could get back to it the next mornjng.

today, on a train ride going to work. i finished it.

— The End —