Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JT Dayt Dec 2015
Masikip o maluwag
Stressed o relaxed
Maikli o mahaba
Nakakainis o nakakatuwa
May bayad o wala

Ibat ibang mukha
Ibat ibang lugar
Ibat ibang daan
Ibat ibang sasakyan

Minsan nag-iisa
Madalas may kasama
Minsan nakatayo
Madalas nakaupo
Minsan naiinip
Madalas naiidlip

Anuman ang  pagdaanan
Makakarating din sa kalaunan
Parang pangungusap na tutuldukan
Tulad ng buhay na may katapusan

Ang byahe ay may hangganan.
Habang bumibiyahe sa kahabaan ng edsa

— The End —