Ito ang huling hapon ng mga alaala, kupas na larawang sinikap maipinta mga araw at gabing lipas na ng panahon sa pag-indayog ng abo, at pagkaway ng damo paalam sa mga nakaraang siphayo paglubog ng araw, at ang buwan ng pag-ahon sa hapon, at sa paglamon ng dilim sa liwanag ang pagwaksi sa sariling naging duwag
Tapusin na ang dalita sa iyong gunita Mga araw na unos ng paghihikahos pagkapaos sa bigong pagsusumamo sapagkat ito ang oras ng pag-agos pagdaloy ng tubig, pagpawi sa kapos sa agos, sa pagpaparaya, sa mga alaala
Bagamat tayo ay binuo ng mga pagsubok at may mga lamat ng pagkapusok alalahanin, tayo ay mga piraso ng isang buong sining ng Maylikha pagsamasamahin, tayo ay buo magkakahiwalay man ay nabubuklod hangaring mabuti ang maglingkod.