Para akong sumusuntok sa hangin noon, Noong bigla kang nagpadaig sa ihip nito. Sana tinangay na rin pati ang damdamin, Mas masakit pala kasi iniwan **** may pait.
Para akong sumusuntok sa pader ngayon, Ngayong sabi **** hindi naman nagbago Pero ang sakit na ng mga kamao ko, Nasusugatan ako Pero pilit akong kumakatok Sa puso **** malaki ang pader.
Para akong sumusuntok sa punching bag, Pinipilit kong husayan kahit dumadaplis ako. Kapag nangangatog ang tuhod ko't napapaluhod, Sabay ang luha sa tagaktak ng pawis. Pero muli akong bumabangon.
Para akong sumusuntok sa unan, Gusto kong mamahinga Pagkat pagod na ang puso. Masakit na ang mga kamao Naaawa na ako sa sarili ko, Kaya't pipilitin kong pumikit.
Kailangan ko ng tulog na mahimbing Oo, iiyak na naman ako Sinusuntok kita Hindi dahil galit ako; Sinusuntok kita Kasi kahit pagod na Sayo nais mamahinga.