Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umuusok" poems
ang buhay daw parang umiinom ka lang ng kape hanggat mainit at umuusok grab ka lang unti-unte abutin man ng paglamig sa muling pagbabalik duon mo lang mamamalayan kung paano ka nasabik ang kape tulad din naman sa ating buhay kanya-kanyang panlasa para hayahay ang buhay at kape may pagkakataong hinde natin timpla ang mahalaga ay kung paano naten haharapin ang bagong umaga "And what I'm trying to say isn't really new It's just the things that happen to me when I'm reminded of you !!! " wala sa tamis o tapang kahit na nga matabang ang ikasasarap ng isang kapeng timplado sa araw-araw na buhay ay nasa pait nito !!! " Like when I hear your name or see a place that you've been or see a picture of your grin or pass a house that you've been in one time or another it sets off something in me I can't explain and I can't wait to see you again !!! " kamusta ang buhay?  tara kape tayo
0
Nov 14, 2015
Nov 14, 2015 at 8:59 AM UTC
tatlong ihip
Papalapit na ang tren Katulad ng pagdating mo Mabilis, marahas at walang pasabi Umuusok, tahimik at maingay Kasabay ng pagdating nito Ay pagdating ng bagong bagon Katulad mo rin Katulad mo Kasabay ng pag-alis nito Ay ang paglaho ng pag-ibig ko sa'yo Kasama lahat, punong-puno Walang ititira Palalayain ka na
0
Jun 26, 2016
Jun 26, 2016 at 9:06 AM UTC
Bagong Bagon
Kumalabit dugo'y dumilig kasama ang nangilid na patak ng luha at sa kabila ay sa usok ng bakal nakangiti Mga Gintong ihinagis sa mga buwaya at babuyan Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam Wala na ngang pagkaalam Basta kain lang, lamon lang. Umuusok sa dami ng nakisakay Mga pekeng tagapalakpak nakakabasag na halakhak Mga nakakakita, nabubulag sa tila Pyesta ng de-kalabit Iyak di marinig sa mga manhid na nakamasid Tago, takip, tagpi itinuring na tama ang mga mali Teka, karapatan mo’y imamali panandali? at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli? Binalot ng tama kunwari at sana huwag ka nang magtaka Huwag n’yo kaming gawing tanga! Sa ngayo'y mananahimik sandali Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan? kaya matutong maghintay sandali, madali . . .
0
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 9:46 PM UTC
MANAHIMIK SANDALI
110221 Bakit nga ba pilit nating sinusugatan ang ating mga kamay? At hinahayaan nating ang ating dugo'y masayang Sa pagluha nito, hanggang sa maubusan na rin tayo ng hininga. Ikinukubli pa rin nating ang ating mga sarili Sa garapon ng ating pagkataong Kailanma'y walang ibang magbubukas ng sagradong pintuan Kundi tayo't tayo pa rin naman. At paulit-ulit tayong humihinga sa ilalim ng makakapal na ulap At sabay na lalanghap ng umuusok na pangambang Ibinalot sa apoy na lagim ang tanging ipinupunla Sa ating mga pusong wala pa noong kamalay-malay. Tinutukso tayo ng mga sitwasyon upang tayo'y magpaubaya At magpa-anod na lamang sa mga kumunoy na hihila sa atin pababa. Ang ating mga halakhakan noong kabataan Ay mga pangarap na sabay na iginuhit sa buhanginan Ay tuluyan nang binura ng dagat na tila walang pakiramdam. Gustuhin man nating umahon nang sabay Ay kailangan may isa sa ating unang bumitaw at unang umahon. Hindi na nga natin kayang sumabay sa isa't isa Ngunit sana'y ang nasa unahan, Siya rin ang unang mag-abot ng kanyang kamay Para sa isang nalulunod pa. Napapagod ako ngunit matapang kong hinaharap Ang mga pagkakataon bagamat wala akong kasiguraduhan. At sana sa panahong panatag na ang mga pusong Naligaw sa sariling mga pasya't pangarap Ay masilayan nating muli ang pagtahan ng mga matang Buong buhay na lumuluha't nanlilimos ng pagpapatawad.
0
Nov 2, 2021
Nov 2, 2021 at 12:01 AM UTC
Palimos ng Patawad
Nobita's Rainy Search for Joy Sa isang maulang umaga, si Nobita’y nag-iisa,   Sa madilim na kwarto, ang puso’y nagluluksa,   "Nasaan na kaya si Joy?" tanong sa isip na tila wala nang sagot,   Umiiyak sa alaala ng tawanan, mga araw na puno ng liwanag, ngayon ay nag-iiwan ng sakit. "Kung may gadget si Doraemon," siya'y nag-iisip,   "Makakapag-aral ako, at sa hirap ay magpapakatatag."   Ngunit kahit anong gawin, tila siya'y nag-iisa,   Sa bawat patak ng ulan, ang lungkot ay dumadaloy, tila wala nang pag-asa. Habang naglalakad, ang ulan ay patuloy na bumuhos,   Kumakalat ang lamig, sa bawat hakbang ay bumibigat,   "Joy, sana’y mamiss mo rin ako," sigaw niya sa hangin,   Ang damdamin ay tila nag-aalab, galit sa lungkot, hirap na di matanggal. Nakita ang isang sabon, tumambad sa daan,   "Anong ginagawa mo rito?" siya’y napatawa,   "Parang ikaw, Joy! Laging nalilito, di ba?"   Ngunit sa likod ng ngiti, may lungkot na nagkukubli, mga luha’y tila umuusok. "Isang taon na tayong hindi nagkikita," aniya sa sarili,   "Naiwan ang aking puso, tila binihag ng takot at pagdududa."   Sa bawat alaala ng saya, ng mga tawanan at ligaya,   Ngayon ay naging alaala ng pagdududa, hinahanap ang ngiti sa dilim. Isang video ang naisip, tila nakakatawa,   Nahulog sa putik, nag-aaral sa ulan ang puso’y bumibilis,   "Maraming nanood, sana’y malaman mo,   Sa gitna ng lahat, ikaw ang tanging hinahanap ko." "Kapag kasama kita, parang walang hanggan,"   Sana’y marinig mo, ang puso’y naglalakbay sa dilim,   Ang mga kalokohan, ang mga pangarap, parang ulap na naglalaho,   Ngunit ang sakit ay nananatili, sa bawat alaala’y may lungkot. Tumingin siya sa langit, nagdasal ng taimtim,   "Joy, sa susunod na ulan, sana'y maging kasama ko'y ikaw."   Sa ilalim ng madilim na ulap, ang mga bituin ay nagniningning,   Ngunit ang pag-asa ay di naglalaho, kahit ang simoy ng hangin, sa akin ay lumalamig. At isang araw, sa paglalakbay, siya’y muling tatawa,   Makakasama si Joy, sa hirap at saya.   "Sa ilalim ng ulan, ang puso’y muling sasaya,   Dahil ang tunay na pagmamahal, ay laging nagbabalik, kahit gaano pa kalayo ang mga alaala." Nobita’t Joy, sa dulo ng bawat kwento,   Sa hirap at ginhawa, walang ibang dahilan kundi ang pag-ibig na totoo.   Kahit anong ulan, kahit anong bagyo,   Sa bawat patak, sa bawat tawanan, ang puso’y muling magsasaya kasama si Joy, sa mga pangarap na naglalakbay, sa pag-asa at pangungulila, sa bawat patak ng ulan.
0
Sep 21, 2024
Sep 21, 2024 at 11:26 AM UTC
Nobita's Rainy Search for Joy

Continue reading...
41