Isang linggo
Isang daan at dalawang pu na oras.
Mga salita mo'ng buo.
Ang bumuo sa puso ko.
Natakot ako na baka hindi ko masuklian
Nakalimutan kung papaano.
Umatras, umayaw, nag paalam ako.
Nanatili ka. Sumugal ka.
Sinabi ko, hindi ko pa kaya.
Ayaw ko pa, pasensya na.
'Di ka na muling nag tanong.
Unti-unti ng nawala
Ang mga salita mo'ng bumubulong
sa puso kong umaambon.
Nainip ako, nag hahanap at nagtatanong.
"What went wrong?"
Mga salitang lumabas sa bibig ko.
Ang salita na gustong itanong sa'yo.
"I'm just trying to make you feel the same way you made me feel." ang sagot mo.
Natauhan ako. Naiiyak. Naguguluhan.
Nasasaktan. Nag-kukunwari na okay lang.
"Naiintindihan ko. Pasensya."
'yan lang ang mga salitang binitawan ko.
Nagpaalam tayo sa isa't-isa.
Paulit-ulit na paalam, pero bakit?
Bakit pilit tayong bumabalik sa iisang pahina?
Dumating ang Marso,
Kinausap kita.
Nagtawanan pa tayo. Kamustahan.
Hanggang sa humingi ako ng patawad.
Pinatawad mo ako.
Tinanong kita kung meron pa ba, pwede pa ba tayo?
O huli na ba ang lahat?
Limang oras tayo'ng nag-usap.
Limang oras na nagkukulitan.
Nakikinig ka pa rin sa'kin.
Ganoon pa rin, parang walang nagbago.
Pero di mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko.
Kung pwede pa ba?
Tinanong kita ulit.
Paulit-ulit.
Hanggang sa nabitawan ko ang salita'ng
"Mahal kita"
"Pasensya ka na. Meron na akong iba."
"Mas mahal ko siya."
"Gusto ko lumigaya ka. Pasensya ka na."
"I already have mine."
"Kung kailangan mo ako. Nandito lang ako."
At yan ang mga sagot mo.
To Jew, probably this will be my last message for you. Paalam. Gusto ko rin na lumigaya ka. Mahal kita. Hanggang sa muli.