Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tinungo" poems
Sa pagdating **** napabalita Unang sulyap palang namangha na Gayak na sinauna Sa paningin mahalina Musikang kaytanda na Sa pandinig mahiwaga Mahalaga ang gabi Simula ng pagsaksi Kwento kong inabangan Hatid niyang kasaysayan Sa aking talambuhay Gabing iyon may saysay Nasa pagtitipon Mga kaklase noon Kapitbahay inuman Masaya ang kwentuhan Subalit ako’y saglit Umuwi sa malapit Iyon ay dahil batid ko Simula na ng kwento Ng kanyang unang yugto Gabing Trenta ng Mayo Mula nang araw na ‘yon Pagsubaybay tradisyon Naging makabuluhan Likhang pampanitikan Subalit ‘di naglaon Nawalan telebisyon ‘Di hadlang gayunpaman Sa radyo’y pinakinggan Mula pagkabinukot Hanggang aliping tulot Babaylang naging **** Mandirigmang pinuno Nilupig at nanlupig Inusig at nang-usig Natulig at nanulig Inibig at umibig Nagtago at naglakbay Namatay at nabuhay Tinanggap at nagpanggap Naghirap at nilingap Sakay ng karakoa Tinungo ibang banwa Naghanda sa pagbalik Upang ganti’y ihalik Sa mabagsik na raha Na pumatay sa ama Sa pinunong baluktot At sa harang nanalot Mangubat at Angaway Mga rahang kaaway Lamitan na ninanay Nais siyang maging bangkay Sa kahuli-hulihan Lahat sila’y talunan Sa babae ng tagna Walang iba – Amaya Salamat, umalagad Maging hanggang sa sulad Salamat, kapanalig Laban sa manlulupig Salamat, Uray Hilway Mga tinuran gabay Salamat kay Bagani Pag-ibig nanatili Salamat sa Banal na Laon Diyos ng mga ninuno noon Kina Amaya’y panginoon Tagapagpala ng kanilang nayon Ang dulo ng epikong kapapanaw Akala’y ‘di na matatanaw Salamat sa unang Christmas bonus May TV na bago taon ay matapos Mahalaga rin ang gabi Katapusan ng pagsaksi Huling yugtong tinunghayan Ang kamatayan ni Lamitan Sa aking talambuhay Gabing iyon rin ay may saysay Nasa huling burol at lamayan Bago at matapos subaybayan Iyon ay kakaibang alaala ko Sa katapusan ng kwento Ng kanyang huling yugto Biyernes – Trese ng Enero Nagbrown-out pa nga Habang oras ng balita Buti nalang at umilaw Sa tuwa ako’y napahiyaw Sa pagtunog ng huling musika At paggalaw ng katapusang eksena Bukas TV at radyo Sa makasaysayang mga tagpo Ngayong gabi ng paglikha Ng tulang handog sa programa Unang gabing kapani-panibago Dahil wala na sa ere ang paborito ko Subalit ang Alaala ni Amaya Mga gayak, musika, tauhan at kultura Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya Mananatiling buhay sa aking diwa! -01/16-17/2012 (Dumarao) *missing my favorite program
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 10:03 PM UTC
Alaala ni Amaya

Continue reading...
105
Nang mawala ang pangalawa kong trabaho Parang ‘di ko alam kung saan uli may bago Hanggang sa ang CapSU ay naalala ko Walang atubili’y akin siyang tinungo At sinubukan bago kong palad dito Sa TED kung saan una akong itinalaga Mga batikang **** dito aking nakasalamuha Sa Amang Hall kung saan araw-araw silang kasama Kayrami kong natutunan mula sa kanila Minsang itinuring ko na parang mga ina Sa Crim. na huli ko ditong tinuluyan Para ko naring naging ama si Sir Hapitan Kung sa TED puro kababaihan, sa Crim. puro kalalakihan Akala ko noon ay mahirap silang turuan Sa huli ay akin pa silang ipinaglaban Akin ding naturuan ang taga-ibang departamento Agri., Vet.Med., Computer – ang 5 ay kumpleto Kaya ang naging tingin ko sa mga ito Ay parang sa Encantadia na mga engkantado Taglay ang katangian ng 5 elemento Dito rin sa Encapsudia, ako’y naging estudyanteng **** Nang mag-Uniting, mga estudyante ko’y naging kaklase ko May mga kaklase din ako sa highschool na naging estudyante ko rito Kaya dito ay parang mahiwaga ang naging tadhana ko CapSU-Dumarao o Encapsudia…ikaw ang Kapuso kong CapSU! -10/14/2017 *a tribute to CapSU-Dumarao who is now having its 3rd Alumni Homecoming this 35th year of its existence
0
Sep 28, 2019
Sep 28, 2019 at 10:05 PM UTC
Ang Kapuso Kong CapSU
Pagkatapos kumain ay napansin ng ina ni Butchoy na agad itong pumanhik sa kaniyang kuwarto. Dala ng pagkamausisa ay tinungo niya ang silid ng anak. Doon ay nakita niyang nagsusunog ito ng kilay gamit lamang ang isang pirasong kandila. "Ang sipag naman ni Butchoy ko." "Kailangan ko po mag-aral, 'Nay. Ayoko pong matulad sa ibang bata na palaboy-laboy at wala sa eskwela," aniya. "Ganoon ba? Magbabago rin sila, anak" usisa ng ina. "Kasi po ang batang tambay ay walang mararating sa buhay," sagot ni Butchoy. Napangiti na lamang ang ina. Tamad man ito sa gawaing bahay, masipag naman sa pag-aaral.
0
Jan 13, 2018
Jan 13, 2018 at 9:35 AM UTC
Kandila
Sa isang maliit na pasilyo, ikaw ay dumaan. Napansin ang isang animo ay silid-aklatan. Dala ng iyong pagka-mausisa ay tinungo mo ang silid ng walang pag-aalinlangan. Marahan **** binuksan ang pinto. Dinig na dinig mo ang tila langitngit nito hanggang sa makapasok ka. Sa loob ay tumambad sa iyo ang nanari-saring mga imaheng minsan mo lamang nakita. Iginagala mo ang iyong paningin nang mga oras na iyon nang biglang umandap-andap ang liwanag sa dilaw na bombilyang naroon. Nakaramdam ka ng panlalamig. Nagsitayuan ang mga balahibo mo sa batok, kamay at paa. Takot at kaba ay pumailanlang at agad **** tinungo ang pintuan ngunit, hindi mo na iyon mabuksan. Ilang sandali pa ay napatitig ka sa isang aparador  na kasing tangkad mo lamang. Naririnig ng iyong mga tainga ang tunog na may kumaluskos sa loob. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kusang naglakad ang iyong mga paa sa kinaroroonan niyon. Kusang hinawakan ng iyong dalawang kamay ang hugis putol na sanga ng kahoy na hawakan ng aparador. Nang iyong mabuksan ay bigla ka na lamang nilamon papasok sa loob hanggang sa sumara ito at hindi ka na nakalabas.
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 1:54 PM UTC
Aparador
Sa pagitan ng isang salamin kami'y unang nagkatagpo Tila walang ibang nakikita habang tanaw siya sa malayo Kaunting hakbang nalang ay patungo na ako Ngunit napuno ng kaba at hiya, sapagkat unang beses ito. Isang binibining marilag at may kaayusan Na ang kaniyang kaanyuan ay kapita-pitagan Malumanay niya akong tinungo at nilapitan Na para bang kami ay mag-uusap ng masinsinan Lumipas ang bawat sandali na kami ay magkasama Habang dahan-dahang inilapat ang kamay sa kaniyang palad Nilibot ang paligid, tanging siya lang ang nakikita Mahinay ang takbo ng oras, na sa layo ng nilakbay ay parang nagpapahinga Malapit na matapos ang panandaliang pagsasama Habang ako'y pilit na tinalunton ang bawat hakbang niya Dumating ang pagkakataong magpapaalam na Lunos ang biglang nadama, sapagkat iyon ay una. Sa larawan na aming kinuhanan nang kami ay magkasama Ika-pitompu't anim na araw ng tatlong daan at animnapu't lima Siya ay aking nakausap, nakasama, at nakita Subalit hindi nasabihan ng isang mahalagang salita Sa nag-iisang larawan na pilit kong iniingatan Bumalik kami sa dati na sa telepono'y nag-uusap na lamang Kung may pagkakataon ay agad siyang pupuntahan At sa pagkakataong iyon, ay mahigpit siyang hahagkan Sa isang imahe ng larawan na aking itinatangis Nag-iisang larawan na lubos kong ninanais Subalit sa kasalukuyan ako'y patuloy na nagahis Sapagkat ang imaheng iyon ay imaheng puno ng hinagpis Hinagpis sa una naming pagkikita Sa matagal na paghihintay ay muli ng nagkasama Handa akong maghintay at maglakbay ng ilang milya Mangyari lamang ulit ang matagal ko ng adhika.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 9:46 AM UTC
Pagkikita

32
Enero Diez y Seis, Dos mil Kinse Lulan ng isang simpleng kotse Unang tinungo Palasyo ng Malacañan Pinagsabihan mga pulitiko huwag magnakaw sa bayan Sa pagpasok ng palasyo binasbasan mga bata Sa paglabas ng palasyo binasbasan matanda Ikalawang tinungo Manila Cathedral Pinangunahan pagdaos ng Misang Banal Sa pagdating, sakay muli ng Pope Mobile Sa pag-alis, mga umaantabay sa daan ‘di parin papigil Huling tinungo Mall of Asia Pinulong mga pamilya sa malaking asembleya Sa pagsalubong may regalo mula sa may kapansanan Sa pag-iwan may pailaw mula sa mga nagkakantahan Ngayong araw kanyang isinulat sa talaan Panalangin ng pag-unawa, kapayapaan at kaginhawaan. -01/17/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:41 PM UTC
Ikalawang Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas
Kasabay ng malamig na simoy ng hanging nagmumula sa baybaying malapit sa kinatitirikan ng iyong tahanan ay naalimpungatan ka at bumaba ng iyong higaan. Tila isang robot na tinungo mo ang pintuan palabas sa iyong tahanan at naglakad patungo sa dalampasigan. Isang nakakahalinang tinig ang iyong naririnig at sinusundan mo ito. Manhid ka nang mga sandaling iyon dahil kahit ang napakalamig na tubig sa karagatan ay hindi mo ramdam. Patuloy ka pa rin sa paglalakad hanggang sa bigla ka na lamang lumangoy habang sinusundan pa rin ang nakabibighaning tinig upang malaman ang pinanggagalingan nito. Lumangoy ka nang lumangoy. Langoy dito. Langoy doon ang iyong ginawa hanggang sa unti-unti nang bumalik ang iyong ulirat. Mulagat ang iyong mukha at dali-dali **** iniangat ang iyong sarili paitaas upang makaahon. Subalit, huli na dahil sa isang iglap may humawak sa iyong dalawang paa at hinila ka pabalik sa pinakailalim na parte ng karagatan. Naramdaman mo pa ang isang matulis na bagay na tumusok sa iyong likuran at walang awang tinanggal ang iyong puso.
0
Aug 23, 2017
Aug 23, 2017 at 8:05 PM UTC
Tingog (Tinig)
Enero Diez y Otso, Dos mil Kinse Kayrami paring mga sumalubong sa kalye Unang tinungo Unibersidad ng Santo Tomas Tuloy parin ang pangaral at pagbasbas Nakipagkita mga pinuno ng ibang relihiyon Humingi ng pag-unawa at kapayapaan sa mga nasyon Nakinig sa hinaing ng mga kabataan Inalo isang batang babaeng luhaan Huling tinungo ang Grandstand sa Quirino Kung saan may pinakamaraming dumalo Tinig ng koro nakapangingilabot Mensahe ng Dios abot na abot Oh anong saya nang tawagin ng Santo Papa Na dakila ang aming munting bansa Ngayong kapistahan ni Santo Niño Kanyang ipinaalaala halaga ng mga bata sa mundo. -01/19/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:43 PM UTC
Ikaapat na Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas
Oh Poong Hesus Nazareno Kahit ngayong Ikaw ay malayo Kahit ako’y hindi mkapunta diyan sa Quiapo Ako ay sa Iyo parin sumasamo Ikaw na Siyang noon ay dinaingan ko Ikaw na Siyang noon ay hinilingan ko Na makatapos ako sa kolehiyo Ikaw na Siyang mismong tinungo ko Ikaw na Siyang mismong dinasalan ko At duminig sa mga panalangin ko Ako’y muling sumasamo sa Iyo Tingnan Mo ngayon ang sitwasyon ko Nasa alanganin na naman ang buhay ko Walang kasiguruhan sa trabaho Kinabukasang maganda ay malabo Maawa Ka naman sa pamilya ko Maawa Ka naman sa ibang tao Sila ay matutulungan ko Kapag dininig Mo ang samong ito Kung ano ito ay alam Mo na po Upang akin naring mabago Ang nabubulok na buhay at pagkatao. -0/09/2014 (Dumarao) *written this day of the Feast of the Black Nazarene
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:58 PM UTC
Samo Kay Nazareno
8 Isang bangka ang sumadsad Sa isla mga lalaki’y napadpad 9 Dalampasigan, kapatagan hinango Kabundukan, kakahuyan tinungo 10 Ilang gabi’t araw silang nanatili Nakapagtanim pa ng mga binhi 11 Saanmang bahagi ng isla pumaroon Mukhang sila lang ang naroroon 12 Oh anong saya at galak Nagtungga’t uminom pa ng alak 13 Dalawang ama at limang binatilyo Sila lang marahil ang mga tao 14 Animo’y paraiso na nilang itinuring Mga tulog nila’y mahihimbing. -07/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:03 PM UTC
Tumatarok 2 -Mga Manlalakbay-
Enero Diez y Siete, Dos mil Kinse Kahit may bagyo, tumuloy sa Leyte Unang tinungo lungsod ng Tacloban Muling nilipad skull cap pagbukas ng pintuan Talagang maulan at mahangin Subalit milyong tao sumalubong parin Kanyang idinaos Banal na Misa Kasama ang mga biktima ni Yolanda Huling tinungo ang pook ng Palo Nananghalian sa tuluyan ng Arsobispo Doon din nakasalo mga nasalanta ng Yolanda Mas malapitang nakisalamuha sa kanya Mga pinaslang ni Yolly puntod binasbasan Iba pang kaawa-awa hinandugan ng tirahan Suot ang dilaw na kapote Biniyayaang material at ispiritwal ang Leyte. -01/18/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:42 PM UTC
Ikatlong Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas
Habag ang loob, pinto'y tinungo Suot ang lumang sando, aburido Sa paglabas, saka napagtanto Suot na tsinelas, hindi terno. Hindi inalintana kahit kalangita'y nagbabadya Sa parke, doon magbibisekleta Kumulog, kumidlat, saka naalala Si Inay kaya ay nag-aalala?
0
Dec 9, 2018
Dec 9, 2018 at 1:43 AM UTC
Napagalitan ni Inay