Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Simula ng makilala ka,
Buhay ko'y sumisigla,
Lagi akong masaya,
Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng tuwa at ligaya,
Aking pagsinta,
Bakit nga ba?

Naranasan ko ang mga pambihirang bagay,
Ang mundo ko'y naging makulay,
Binuhay mo ang diwa kong matamlay,

Ikaw ang aking lakas,
Pinakita mo ang aking magandang bukas,
Mula sa simula, gitna, dulo at wakas,
Ang isip at puso ko'y iyong pinatalas,

Madapa man ako'y iyong hinawakan,
Binangon mo ako mula sa lupang aking kinasasadlakan,
Napuntahan ko ang dulo ng kalawakan,
Ang mga puno't halaman,
Ang berdeng kagubatan,
Ang ganda ng kabundukan,
Lahat ng ito'y aking nasisilayan,
Daan ka nga ng pakikipag-ugnayan,
Ika'y gamit sa pakikipagtalastasan,
Daan tungo sa kaunlaran,
Ngunit ako'y nanghihinayang,
Dahil ika'y di kilala ng maraming kabataan,
Sabi nga nila hindi ka magandang pagmasdan,
Di nila namamalayan,
Ika'y maaari nilang maging kaibigan,
Taglay mo ang naiibang kapangyarihan,
Ika'y iniregalo ni Rizal sa kanyang buthing may bahay,
Kay Josephine Bracken ika'y ibinigay,
"Kempis "ka kung tawagin,
Ika'y,"Tagalog Christ"  naman para kay Ferdinand Blumentritt.


Alam kung di matatawaran,
Ang iyong kasiyahan,
Kapag ang mga pahina mo'y binubuksan,
Mabuti kang sandigan!
Sayo nagmumula ang di matatawarang panindigan,
at di-natitinag na katwiran,

Mabuti kang larawan,
Nagsisilbing huwaran,
Magpakailanman!
Maipagmamalaki kahit saan,
Pangako ko ika'y aking dadalhin,
Pupurihin, I-ingatan at papahalagahan,
Hanggang sa aking huling hantungan,
Sayo lamang...... Minamahal kong----aklat!
Nakakalungkot isipin nakaka-unti na lamang sa mga kabataan ang nagbabasa ng aklat. Ang aklat ay magandang libangan na maghahatid sa atin sa rurok ng kaunlaran at tugatog ng tagumpay.
Moonchild Nov 2018
Sa isang parihabang kwaderno
Nasilayan ko ang iba't ibang kulay ng panulat
Mula sa malayo, hawak hawak niya ang pluma
Umaasang may malalathalang kakaiba

Sa kaniyang utak na blanko't walang kusa
Nais lang naman ng kaniyang puso ang malaman
Kung mayroon pa nga bang siyang pag-asa
Pag-asang makalikha ng bagong yugto at makatakas sa kulungan

Mistula bang napakaraming emosyon ang nanaig
Onti-onti niyang nabubuksan ang kaniyang mga matang tago sa realidad
Sinulat niya ang unang saknong ng kaniyang tula at isinaad,

"Sana'y matagal na akong namulat sa katotohanang panaginip lamang ang makasama ka magpakailanman."

Bawat kulay na aking nasilayan mula sa kwaderno'y nabubura
Ang lalaking manunulat ay sumisigla
Napagtanto niya na kinakailangan niyang magparaya
Magparaya upang siyang patuloy nang lumigaya
Mark Coralde Aug 2017
Ako'y narito at ika'y nariyan
Lumalapit ako ngunit ika'y lumalayo
Waring di tayo pinagtatagpo
Sulyap doon at sulyap dito
Yun lang kasi ang aking magagawa

Makita kita sa araw araw buhay ko'y sumisigla
Buong maghapon ko ay kumpleto na
Tuwing nakikita kitang masaya
Puso ko'y walang sing ligaya
Pagkat ang masilayan, saki'y sapat na

Nakita kitang may kasamang iba
Mata ko'y aking isinara
Dahil sakit ay aking damang dama
Pagkat masaya ka nga
Pero sa piling ng iba

Luha saking mga mata sarili kong pinunasan
Pusong sugatan aking sariling ginamot
Malungkot na sarili aking pinipilit sumaya
Pero di kita sinisisi sa lahat ng pait na naranasan
Pagkat ikaw ang nagbigay tamis saking buhay
Taltoy Feb 2023
"Aliw", katagang unang naiisip,
Ngiti at halakhak ang mga kalakip,
Kapaligira'y biglang sumisigla,
Nagbibigay kulay sa wala.

Ano nga ba ang kalagayan,
Ng puso nitong binibini,
Mayroon bang hinahangaan,
At sumusulyap lang sa tabi.

Ano ba ang mga nararamdaman,
Ilan ba ang mga katanungan,
Ano ng aba ang sukdulan,
Mayroon na bang mga kasagutan.

Wag masyadong mag-alala,
Nandito kami handang sumoporta,
Sasaluhan ka sa lungkot o saya,
Di pababayaan san man mapunta.
hapi balentayms mamshi

— The End —