Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy Apr 2017
Aking damdamin, aking hinaing,
Dahil sa mga saloobin, mga hiling,
Bilang isang batang walang muwang,
Sa mga bagay na sa paningi'y hunghang.

Nilalaman ng aking mga tula,
Mga dinaramdam sa buhay kong payapa,
Buhay kung saan ako naging malaya,
Buhay kung saan ako ngumiti at lumuha.

Ang mga tula kong ito,
Sumasalamin sa damdamin ko,
Kaligayahan man o panibugho,
O mga nararamdaman lamang nitong puso.

Pagkat di ako sanay sa malayang taludturan,
Piniling may tugma ang hulihan,
Tugmang nagkukubli sa buong ng kwento,
Linimitahan ang mga salitang ginamit ko.

Mas gugustuhin kong itula na lamang,
'tong mga nais sabihing nakakahadlang,
Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya,
Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila.

Dito, puso ang pinapairal,
Paggamit ng utak matumal,
Dahil ito ang pinto ng puso ko,
Bintana ng damdamin ko,

Dito ko nalang linalabas ang gusto kong sabihin sa'yo,
Dito ko nalang linalabas pati mga pangarap ko,
Lahat ng gustong makamit at gustong maabot,
Dahil ang katotohanan, dito ko nililimot.

Ito ang mundo ko ng imahinasyon,
Salungat sa pananaw kong sa realidad sumasang-ayon,
Iniisip ang lahat ng maaaring mangyari,
Kahit na sa paningin ko, imposible.

Ito ang aking naging takbuhan,
Takbuhan sa mga panahon ng kalungkutan,
Kasama sa panahon ng kaligayahan,
At sandigan kung ako'y nag-iisa't iniwan.

Ako'y nasanay mag-isa kasama sya,
Sa lahat ng oras na walang makakasama,
Sa lahat ng oras na walang makausap na iba,
Kaming dalawa, nagbigay buhay sa isang makata.

Akin ang ideya, kanya ang paraan,
Ako'y napalapit na, kinahiligan,
Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan,
Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan.

Ito ang isa sa aking mga katauhan,
Makatang pagsusulat ay naging takbuhan,
Pagsusulat ang ginawang libangan,
Sa tula buhay ay ipinaloob, pati katapatan.
ginawa noon, ipinakita ngayon
Eugene Feb 2018
Tama na! Tama na ang mga pagtangis.
Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso.
Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon.
Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta!

Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba?
Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan?
Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan?
Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang?

Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin,
at bigyan ng pagkakataong
patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon?
Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito?

Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin?

Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila!
Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko.
Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit.
Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako.

Tama na!
Tama na ang mga baluktot na katwiran!
Tama na ang mga salitang iyong binibitawang
Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan.

Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba,
Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila?
Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba
kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan?

Saan ka nga ba nagkamali?
Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo?
O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita
Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
Alice Aug 2018
Ano…
“Ano ang pakay mo dito sa mundo?”
Iyan ang unang tanong niya sa akin.
Naniniwala ako na ako ay nandito upang mabuhay,
Upang sa mundong ito ay magbigay ng sariling kulay.
Ngunit hindi ko alam ang rason kung bakit
Ako dito sa lupa ay ibinaba ng langit.

Sino…
“Sa iyong palagay, sino ka?
Sino ka upang mabuhay nang kasama sila?”
Hindi ko alam kung sino ako sa mundong aking kinabibilangan.
Ang tanging alam ko lang ay ang aking pangalan.
Ngunit ako ay may karapatan
Na maging tao dito sa mundong aking ginagalawan.

Bakit…
“Bakit ka umiiyak?
Tila mababaw ang iyong luha, sabi mo ay malakas ka.”
Tama ka, siguro ako nga ay mahina.
Huwag kang mag-alala, ang ulan ay titila.
Itinatanong mo kung bakit mga luha ay pumapatak.
Minsan, ang langit din naman ay umiiyak.

Saan…
“Saan ka tutungo?
Kahit saan ka magpunta, ang lupa ay guguho.”
Hindi ko alam ang mga tatahakin na daan.
Nais ko lamang na makahanap ng tahanan,
Tahanan na gigising sa aking puso’t isipan.
Alam mo ba kung saan iyon matatagpuan?

Kailan…
“Kailan ka ba magigising?
Dahil minsan, daig mo pa ang isang lasing.”
Gising ako at mulat ang aking mga mata,
Pagod na pagod na akong maging bulag pa.
Pinapatulog tayo ng mundo sa pamamagitan ng mga kanta,
Mga kantang may lason upang hindi na magising pa.

Paano…
“Paano mo gagawin ang lahat ng iyon,
Kung pati ang iyong sarili ay hindi sumasang-ayon?”
Gagawin ko dahil kaya ko; susunod sa mga aral,
Gagawin ko dahil kaya ko;  basta kasama ko ang Maykapal.
At sa aking huling sasabihin, ako ay aamin:
Ang aking kausap ay ang tao sa salamin.
MPS12 Jul 2017
Ako
Ako, ako ba talaga ang nasa isip mo?
Ako, ako ba talaga ang tinitibok ng iyong puso?
Ako, ako ba talaga and mahal mo?

Bakit hindi ko maramdaman?
Bakit hindi ko naranasan ni kahit minsan?
Na ako nga ang bumubungad sa puso mo.

Di maintindihan kung bakit ikaw ay lumayo.
Dala dala ang puso ko sa iyong mga kamao.
Isinantabi ang aking damdamin.
Ikaw ay natakot at biglang nawala na parang bula sa hangin.

Ngayon ikaw ay nagbalik at nag ma makaawa.
Na sana ay pagbigyan ng muling pagkakataon.
Pero huli na ang lahat.
Dahil ang isip at puso ko ay hindi sumasang ayon.


Dahil ikaw ang rason ng aking mga luha.
Dahil ako ay takot muling masaktan.
Dahil ako sa'yo ay wala ng tiwala.
At ang pagmamahal ko ay inilibing ko na sa lupa.

-MPS12

— The End —