Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pia Montalban Aug 2015
Nakatawid na ang gabi sa umaga,
Umuusad ang magdamag ng digma.
Tahimik ang silahis na nakikiramdam
Sa paghulagpos ng salimbayan
Ng mga kulay na nagluwal ng dilim.
Hudyat ang kindat ng kislap ng talim,
Pagtitilad-tilarin sa pakikipagtalad
Naglalagablab naming mga balak.
Talampaka'y mangangahas sumampa,
Sa binakuran **** pagsasamantala.
Kabisado ng mga bisig kahit pa nakapikit,
Imbay ng sandata naming karit.
Matipid sa kilos, mabilis ang hagip
Dinambong sa aming libong ektaryang langit,
Babawiin, handa sa anumang kapalit,
Karapatan, aming muli’t muling igigiit.
alvin guanlao Oct 2010
Gumising ng maaga para sa pagsusulit
sinumpa ang pagpupuyat at hindi na uulit
sa tabi ng kalye ako'y nagaabang ng jeep na masasakyan
isang istudyante lang po, bicutan bababa kaya sais lang yan

sa pagbagtas ng hari ng kalsada sa daan
papalapit sa simbahan at huminto ng marahan
isang babaeng grasa  sa jeep ay sumampa
sa sobrang payat daig pa ang isang batang lampa

mata'y nanlilisik at nagsusumiksik sa gilid
sa utak ay may pitik ng takot at kwentong nakakaantig
dumi sa katawan hindi mawari kung sinong nagpahid
o babaeng grasa sa akin ngayon siya'y nakatitig

hindi natuwa ang piloto ng sasakyan
minura ang babae sabay dampot ng kawayan
sa tanranta ng babae, di alam ang kalalagyan
isang mabilis na habulan!, isang matinding awayan!

sinambit ng maruming labi ang bawal na salita
mapanghamon ang babaeng grasa, tila nagbanta
walang laban sa piloto parang gulay na lanta
may pagmura sa pagbaba, sabay banat ng isang kanta

ang istorya sa jeep para sa akin ay tapos na
kalbaryo ng babaeng grasa patuloy na naguumpisa
wala sa katinuan, di nawawalan ng gana
pagtahak sa magulong buhay siya ay nagiisa

babaeng grasa
may babaeng grasa sa bawat isa sa atin
Eloisa Oct 2019
Hawak-kamay, sabay na tinahak ang makinang na dalampasigan
Patuloy sa paghakbang at paghila sa animo'y hindi dumarampi sa buhanging mga talampakan
Mga palad na magkayakap, mga daliring magkaniig
Dalawang pares ng matang nakangiti na ayaw bumitiw sa pagtitig
Kasabay ng umaawit at mabining pagaspas ng alon
Sumakay sa bangka patungo sa paraiso'y masayang sumagwan
Subalit sa masayang paglalakbay ay may humulagpos na unos
Paligid ay nilamon ng dilim, dumaan sa langit ang kislap ng talim
Bangkang sabay na sinasagwan, tumaob at tinangay ng agos
Sa gitna ng laot, sabay ding nilamon ng dagat at sa ilalim bumulusok
Patuloy ang delubyong pilit na pinaghihiwalay ang magkahugpong na kamay
Pilit pa ring lumangoy at magkasamang sumampa sa bangkang gutay-gutay
Niyakap nang mahigpit ang kilalang bisig kahit nakapikit
Hindi man mapigil ang higanteng alon at malakas na buhos ng ulan
Nangangatal, nangangalay man ay hindi huminto sa pagsagwan
Muntik mang malunod sa sigalot na mainam na nakaungos
Kumalma ang dagat, natawid ng gabi ang umaga sa gitna ng digma at unos
Mula sa dalampasigan, sa laot at sa dulo ng mga puso
Mamamayani ang pag-ibig sa malawak at mapanghamong mundo
~ I hope to translate this piece to English.
Paano ko nga ba ito simulan?,
Mga alala’y nito ang linalaman;
Mga araw na tayo’y nag nagsisiyahan;
At mga gabi na tayo’y nagkwekwentuhan

Naalala ko noon ang iyong mga kwento;
Na palaging naglalaro sa isp ko;
Mga halakhakan na hangang ngayo’y Rinig na rinig pa ;
Binabalikbalikan ang mga araw na kausap kita;

Akala ko’y puso mo’y hawakhawak ko na;
Ngunit sa king palad ito’y nadulas pa;
Ang kutob nito’y pumunta na sa iba;
Sa iba’y na  sumira ng pangarap nating dalawa;

Nagising ang sarili ,hawak ka na ng iba ;
Isang malaking letra ang sumampa;
Letrang T , na nasa isip gumagambala;

T-  Tumibok ang puso para say’o;
T -Tinamaan na nga ako say’o;
T -Tinitingala ang iyong boung pagkatao;
T-TANGA dahil sa huling binitiwan pa kita;

— The End —