Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumabak" poems
Isa, dalawa, tatlong yapak sa putik. Isa, dalawa, tatlong lubog sa tubig. Isa, dalawa, tatlong pugpog ng alikabok sa aking mga paa. Hindi ako marunong magsalita ng Tagalog. "Roel! Bilisan mo naman maglakad, patay tayo kay Ginang Cruz." Sambit ni rey. "Oo sandali lang natumba ako sa putikan." "Ang lampa mo kasi." Nagtawanan kaming lahat pagkwa'y tumakbo nang ubod bilis. Mga kamag-aral ko sila. Palagi kaming magkakasabay sa paglakad sa umaga patungo sa eskwela. Natutuwa ako sapagkat masaya silang nag-aasaran kahit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila. Nahihiya ako kaya nag-eensayo ako sa bahay o habang kami ay naglalakad, pabulong-bulong, ginagaya ang pagbikas ng bibig; ang pagsara, ang pagbukas. Mga kamag-aral ko sila. Isang buong grupo kami na wari ba'y batalyon ng mga sundalo na handang sumabak sa giyera; may putik ang laylayan ng pantalon at basa ang mga paa. Uy malapit na kami sa eskwela, ilang hakbang na lang; tumakbo sila, gayundin ako, mabilis. Nagpatuloy sila ngunit ako'y biglang huminto. "Oo nga pala, hanggang dito na lamang ako", mahinang sambit sa sarili. Natigilan ako, lumiwanag ang mukha at sumilay ang tuwa. Tumakbo ako papalayo sa eskwela't papalapit sa palayan kung saan tutulong ako sa anihan. "Marunong na ako magsalita ng Tagalog!" Sigaw ko sabay yakap sa mga aanihing palay. Salamat sa mga kasabay kong maglakad tuwing umaga, salamat sa mga kamag-aral ko sa kalsada.
0
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 10:02 AM UTC
Estudyante
Pakiusap, ngumiti ka. Yung tipong abot hanggang tenga. Yung tipong di na makikita ang mga mata. Pakiusap, tumawa ka. Yung para bang nakikinig ako sa musika. Yung ihehele ako hanggang sa makatulog na. Pakiusap, maging masaya ka. Yung hindi na nakabase sa kanila. Yung hindi na nakatali sa kamay ng iba. Pero higit sa lahat. Pakiusap, magmahal ka. Yung para bang wala ng bahid ng sugat at pasa, Yung para bang handa ka ng sumabak sa gyera. Yun lang tanging dasal, sinta. Kaya’t pakiusap, magmahal ka. Kahit na ibang tao pa.
0
Jul 17, 2019
Jul 17, 2019 at 11:30 PM UTC
PAKIUSAP.
Siyam na buwan ng nakakaraan Simula ng ako'y makipagsapalaran Sumabak sa giyerang utak ang panlaban Kaagapay ang puso bilang puhunan Sa simula tila mahirap at imposible Ngunit kalauna'y unti-unting naging simple Naipamalas pagiging maagap at responsable At nagsilbing magandang imahe Unang karanasa'y hindi biro Pagka't iba't-ibang bata nakakahalubilo Idagdag pa ang asignaturang malayo; malayo sa pinagaralang apat na taong 'di biro Araw-araw pumapasok para magturo Gabi-gabi inaaral ang makapal na libro Upang kinabukasa'y maibahagi ito Sa mga batang uhaw sa pagkatuto Ngunit sadyang tadhana'y mapaglaro Pagkat sinubok aking pagiging **** Sinukat haba ng pasensiya ko Kung ako ba'y magtatagal sa propesyong ito Iba't-ibang ugali aking tiniis Makamtan ko lang ang aking nais Landas ng mga bata'y 'di malihis Patungo sa kanilang mithiing ninanais Kaya naman ngayong tapos na aking tungkulin Hiling ko lamang sila'y may natutunan sa'kin Kahit ako'y hindi na alalahanin Ang mahalaga'y may inani sila mula sa'kin.
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 7:13 PM UTC
Buhay Maestra