Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pambansang" poems
Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang Nagtapos sa elementarya na  kabilang sa mataas na seksyon -Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong Sa paaralang sekondarya ay namayagpag Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na  katalinuhan Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso Puno ng mga tala ang mga kwaderno Di man pala - kaibigan, Kaklase sa nakaraan ay natatandaan Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon Agila naman ang kinabibilangan Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon Malapad na balawis, sa pagkumpay sa dagat ay dumadaluyong Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula Dahil ba kay Dessa o di kaya talento na Kanyang biniyaya
0
Jan 6, 2019
Jan 6, 2019 at 5:14 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #43
Sana makapaghabi ka ng magarang tula gamit ang tira-tirang retaso ng puso ko Maiibsan ang kirot sa pagkakaalam na muling mapakikinabangan damdaming nagmistulang basahan Heto pa ang mga luma kong luha Tambak, nagkalat, 'di na alam saan nagmula Kiluhin mo na't gawing sining Nang may malugaran, sariwang luhang nagbabadya pang dumating
0
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 11:26 AM UTC
Sa Pambansang Alagad ng Sining, Mula sa Pambansang Alipin ng Feelings
Ang hindi magmahal sa sariling wika Ay higit sa hayop at malansang isda Ayon sa isang taludtod na isinulat ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal Sa Luzon, Visayas at sa Mindanao Wikang Filipino ang katutubong wika ko Iba-iba man ang mga dayalekto May ilakano, waray, bikolano at tausug Wikang Filipino ang siyang gamit ko Ngunit tila ba nalilimutan na ng mga milenyal Na ang ating wika'y nararapat na pagyabungin At bigyang halaga sa pakikipagtalastasan Hindi ang hayaan at tuluyang iwaglit Sa sulating pormal nga at mga sanaysay Hindi nababanaag kung ano ang nais ipahiwatig Kulang na nga sa mga titik Mali pa ang baybay Akala nila sila'y tila mahusay na Sa mundo natin ngayon Na makabago at teknolohiya Tila ang Wikang Filipino'y naisasawalang bahala na Na dapat sana'y isinasaulo't binibigyang halaga Upang Wikang katutubo'y maipakilala sa madla
0
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 5:56 AM UTC
Wikang Filipino
Sining ang gagawing prayoridad Museo’t teatro sa lahat ng barangay Musika, iskultura, pagpipinta, literatura uunlad Tatatak ang dilaw bilang pambansang kulay. -01/04/2015 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Ginto Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:32 PM UTC
Bayani ng Malikhain
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52