Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
RL Canoy May 2019
Sa bawat paghakbang ng paang maputik,
anaki'y malugmok ang katawang impis.
Hindi iniinda ang ngawit ng bisig,
sa bawat paghampas ng pulpol na karit.

Mata'y pumapait sa agos ng pawis,
di ramdam ang init sa katawang manhid.
Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik,
tila sumasaliw sa pintig ng dibdib.

Tinig ng sikmura'y parang humihibik,
lalong gumagatong sa hapo at sakit.
Pilit pinapawi sa tuwing iihip,
ang simoy ng hanging tila umaawit.

Sa gitna ng hirap na pinagdaanan,
ang tanging hiling sa Poong Maykapal.
Nawa'y didiligan ang sangkalupaan,
at binhi'y tutubo't ang punla'y mabuhay.

Sapagkat sa munting pawis-magsasaka,
sanlibong sikmura ang pinapasaya.
Ang tinik sa paang nakapanghihina,
Sanlibong katawan ang pinasisigla.

Ginaw ng tag-ulan at init ng sikat,
hindi iniinda kahit naghihirap.
Para may mahain sa mumunting hapag,
at pagsasaluhan na mayroong galak.

Ang iba'y inisip kung anong lutuin,
ngunit sa kanila'y mayr'on bang mahain.
Ito ba ang buhay, Diyos na mahabagin,
ang mga nagtanim salat sa makain?

Ganito ang buhay ng may gintong kamay,
na puno ng lipak, marumi't magaspang.
Subalit malinis ang pusong tinaglay,
bisig ng daigdig, sa pagod nabuhay.

Sila ang bayaning dapat na purihin,
sandata'y palakol, tumana'y suungin.
Sa bawat pagpatak ng pawis sa tanim,
katumbas ang bungang gumigintong butil.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
Ang tulang pastoral na ito ay sumasalamin sa mga pinagdaanan ko noon sa kinalakhang bukirin.
Pusang Tahimik Aug 2021
Ako ay mandirigma sa ibabaw ng lupa
Ang kalasag at baluti ko ay di nila makita
Ang aking pananggalan ay di magigiba
At ang aking tabak ay may talim na magkabila

Ako'y walang tigil sa pakikidigma
Sa mga kaaway na walang habas kung gumiba
Ng mga templong ang nais sa kaligayahan ay humiga
Mga templong di alam ang pakikidigma

Mga kalabang hindi mo nga makikita
Ngunit nasa harapan kung sarili ang nakikita
Hindi na siguro bago ang ganitong balita
Na ang kalaban sa harap ng salamin mo lang makikita

Dumarating ang araw na ako'y nadarapa
At ang palakol ay nakatutok sa katawan ko'ng nakahiga
Ngunit Ikaw ang pananggalan ko'ng di nga magigiba
Inaahon mo ako upang alisin ang putik sa pagkadapa.

-JGA
36 Mapalad sina Alyna at Birio
Walang tumututol sa mga ito

37 Kaya wala nang patumpit-tumpit
Pag-iisang dibdib ang ipipilit

38 Masaya ang magkabilang panig ng angkan
Sa nalalapit na kasalan

39 Malaki ang magiging epekto
Sa kani-kanilang negosyo

40 Maaaring uling ay maging mura
Sa mga metal humuhulma

41 Gayundin ang mga palakol
Sa mga kahoy pumuputol

42 Tatlong araw nalang
Kasalan ay wala nang hadlang.

-07/17/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 174

— The End —