Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lev Rosario Mar 2021
May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Ayaw akong bitawan
Hindi ko magawang kalimutan
Kalunos lunos
Parang hayop na hindi
Makahanap ng tubig
At nakahandusay
Sa kanyang ina.

May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Pinagtatawanan ang aking
Pagsusumikap.
Iniinsulto ang aking ngiti
Nagdudulot ng tagtuyot
Sa sanlibutan ng aking
Kaluluwa

May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Nagtatago sa aking kuwarto
At lumalabas sa sarili niyang oras
May sariling bibliya na naglalaman
Ng kasinungalingan at kahayupan

May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Unti-unti akong pinapalitan
Inoorasan, hinuhusgahan
Sinisiklaban ang aking
Mga panaginip

May trahedya na kumakapit
Sa aking katawan
Naglalayag sa dagat ng itim na araw
Pinipilipit ang aking mga laman loob
At pumpatay ng mga inosente

May trahedya na kumakapit
Say aking katawan
Pinipilit kong pakainin
Patahimikin, pagurin
Ngunit hindi magawang
Kaibiganin
at sa tuwing suwail ang mundo
kapag ipapakita nito sa'yo ang pangit sa pangit
tuwing dama mo ang pag iisa sa kabila ng piling ng iba
kapag tila inuunti unti tayo sa sarili nating mga laman at loob
hayaan **** kainin kita
hayaan mo akong kainin lahat ng di kaaya ayang pakiramdam
hayaan **** pakainin kita ng libog, kilig at lambing
hayaan **** pakainin kita sa labas at sa loob ng hardin
dahil kahit galing ka pa sa labi at balat ng iba
dahil kahit nagmumog ka pa sa pawis, laway o dura
tanggap pa rin kita kahit mayroong pangalawa
anuman ang mangyari o mag iba man ang lasa lulunukin pa rin kita.
Donward Bughaw Apr 2019
Inyong sinabi,
"ang nagugutom ay pakainin
at ang nauuhaw ay painumin."
Subalit, nang mga kamay
at paa'y mapako
sa dambanang
pinasan mula pa sa malayo,
sinabi ****, "nauuhaw ako"
Ngunit, walang nagkusang
bigyan ka ng tubig.
Marami sa atin ang hindi marunong tumanaw ng utang ng loob. Sa panahon na si Kristo'y nabubuhay pa lamang, daan daa't libo libong tao ang kanyang pinakain at silang lahat ay nangabusog. Isa sa kanyang mga pangaral ay ang "nagugutom ay pakainin at ang nauuhaw ay painumin." Ngunit, nang siya'y ipako na sa krus, at sinabing "nauuhaw ako" wala man lang kahit isang naglakas loob na bigyan siya ng tubig. Sa tunay na buhay, totoong may nag-exist na Hesus. Sila'y walang iba kundi ang ating mga kaibigang laging naririyan sa oras ng ating pangangailangan. Pero, naitanong mo ba sa iyong sarili kung isa ka ngang tunay na kaibigan? Dinamayan mo ba siya sa mga oras na siya na ang nagigipit?

— The End —