Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bryant Arinos Jan 2018
Ano nga ba ang pag-ibig?
Nakakain? Naluluwa? Natututunan katulad ng aralin o nababasa katulad ng mga maiikling tula?
Nanggaling ba ito sa mga kwentong banyaga at kwentong matatanda?
Siyensya? napaliwanag na ba niyan?

sa totoo lang di mo yan napag-aaralan,
kusa mo kasi yang mararamdam.
di mo rin yan pwede ipilit,
para kasi yang tao, kusang yang pumipili.

di rin yan nakakain katulad ng paborito **** chicken
o ng paborito **** pansit bihon, miki o canton.
hindi rin mahahalintulad sa mga palabas o mga kwentong wattpad na mababasa mo sa libro.

at para sa iba, sabi, pana raw ni kupido ang dahilan
tinig ng sirena naman ang kwento ng iilan.
di naman dahil raw kasi sa naaakit sila sa panlabas na kaanyuan.
hahahaha kalokohan.

Wala pang nakakapagpaliwanag niyan.
siyensya? pwe, di lahat kaya niyan patunayan
basta para sa akin, isa lang ang alam ko diyan.
Ang pag-ibig ay regalo mula sa langit.

di mo na kailangan pag-aralan,
di mo na kailangan pagexperementuhan
di mo na kailangan ng kahit na anong katibayan.
tandaan mo lang. Regalo yan ng may kapal.

kaya bilang tipikal at praktikal na estudyante, wag kang magmadali,
darating rin sayo ang mga bagay na ganyan
Di mo lang alam, matagal nang nakasulat sa tadhana mo ang kwento na nakalaan sayo.

wag **** pangunahan!

imbis na pairalin ang tibok ng dibdib,
subukan paganahin ang isip.

MANGARAP! MAG-ARAL! MAGPURSIGI!

wag muna maglandi!

pag-aaral ang unahin
para makabawi sa paghihirap ng mga magulang natin.

at huling pasabi para sa lahat ng kabataan
at basta paalala sa lahat ng umiibig,
wag **** hayaang mabihag ka ng kalituhan ng mundo
protektahan mo sarili mo.
yakapin mo ang puso mo.

Regalo ng may kapal,
Pangalagaan mo.
Virgel T Zantua Aug 2020
ANG AKING PAG-IBIG AT DAMDAMIN
LAGI SA BALAG NG ALANGANIN
HINAHANAP SA IHIP NG HANGIN
ANG SAGOT SA AKING PANALANGIN

SAN KO MAN IBALING ANG PANINGIN
LAGI KA SA AKING PANGITAIN
PAG-IBIG KO’Y TULAD NG AWITIN
MALAMYOS ANG HIMIG NGUNIT BITIN

PAG-IBIG KO’Y WAGAS ANG HANGARIN
KAHIT SAAN IKA’Y HAHANAPIN
KALANGITA’Y AKING LILIPARIN
MGA PAGSUBOK AY HAHARAPIN

ANO MANG LAYO AY LALAKBAYIN
LALIM NG DAGAT AY SISISIRIN
LAHAT NG PARAAN AY GAGAWIN
MAKAMIT LANG ANG MITHIIN

KALAGAYAN NG PUSO’Y SABIHIN
SITWASYON AY WAG NG PAHIRAPIN
PUSO KO’Y DI NAMAN MARAMDAMIN
KATAPATAN LANG ANG PAIRALIN

PAG-IBIG MO’Y AKING GIGISINGIN
KAMALAYAN AY PAG-AALABIN
HABANG BUHAY KITANG MAMAHALIN
DAHIL IKAW ANG LAHAT SA AKIN
Virgel T Zantua Aug 2020
Huwag mo ng dagdagan ang bigat
At baka hindi ko na mabuhat
Mga sinasabi mo'y salungat
Sa mga nakasulat sa aklat...

Ano ba talaga ang layunin
Walang tigil kung ako'y inisin
Nakakalito kung iisipin
Wag selos ang iyong pairalin...

At bakit ka nga ba nagagalit
Ano ba ang iyong hinanakit
Dahil ba sa hindi mo napilit
Ang pagmamahal mo sa may sabit...

Pagkatao mo'y nakakatakot
Ang kaisipan mo ay baluktot
Kahit sino ay napapaikot
Sa daldal ng dila **** kulikot...

Ano ang gusto **** patunayan?
Na ikaw ay angat sa lipunan
Ang anino mo'y may kayabangan
Ngunit natatakot sa harapan...

Ano man ang gawin kung pag-iwas
Di niya ako pinapalampas
Sa mga kwento na walang basbas
Sinisira ang isipang wagas...

Sa katotohana'y sumasabay
Upang pagbabago'y maging tunay
Ayoko na ng magulong buhay
Tumigil ka at magnilay nilay...
Ipikit mo ang iyong mga mata,
Bulagin mo ang sarili sa katotohanan
Ipikit mo’t huwag imulat.
Nang di masaksihan mapanghusga nilang mga mata.

Takpan mo ang iyong tainga,
Huwag pakinggan ang ingay na gugulo sa iyong isipan.
Takpan mo’t huwag hayaang marinig.
Mga akusang kay bangis.

Pigilan mo ang iyong mga labi,
Bumitaw ng maling salita.
Pigilan mo’t huwag hahayaang magsalita.
Nakikinig sila, hindi mo lang alam.

Itago  mo ang tunay na damdamin,
Bago pa man puso’y pairalin.
Itago mo’t huwag hahayaang maghari.
Gamitin ang isip wala nang iba pa.

Magpanggap ka na lang.
Manahimik ka na lang.
Huwag **** papansinin.
Marahil ito’y matatapos rin.

— The End —