Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagtitinginan" poems
ALDUB, isang loveteam na hinahangaan ng sambayanan Lalaki, babae, o kung anumang kasarian man yan. Siguradong kikiligin ka sa tambalan ng banyan. Syempre ALDUB yan, sigaw ng taongbayan. Dalawang taong may pinag-aralan Naging isa sa EAT BULAGA; programa ng bayan. Walang halong kaartehan o kaplastikan ang pagtitinginan Inyo itong makikita sa kanilang mga tinginan. Si ALDEN na handang tumupad sa pangako, At si MAINE na handang maghintay sa mangingibig nito. Ang pag-iibigan nila minsan magulo, Pero madalas nagiging wasto. Mga mata nila'y nagtugma na, Ngunit kamay nila'y hindi pa naging isa. PLYWOOD, ALARM CLOCK, LONG TALBE Nidora, humarang sa kanila, Paglalapit nila'y naging HOPIA pa. Kailan kaya magiging isa ang mga ito? Kung ang layo nila'y magkabilang dulo ng mundo. Ang mga tao'y nagtatanong, Kailan nga ba ang tamang panahon? Ito'y huling hirit na ng mga tao. Lola Nidora tuluyang buksan ang iyong puso. Paglapitin landas ng dalawang ito. Upang ang mga tao'y kiligin mula BATANES hanggang JOLO.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 4:35 PM UTC
ALDUB
*Ilang buwan na ang lumipas Nasilayan kong muli ang iyong kagandahan Ngiti **** yumayakap sa aking puso Mata nating nagtagpo sa gitna ng karamihan Sa ilang segundo ng ating pagtitinginan May kaunting kurot sa aking pisngi Naramdaman kong mahal pa rin kita At hinding hindi ko ito itatanggi Makasalubong man kitang muli Wala na ang nadaramang sakit Makita ko man na kasama mo siya Mata ko'y hindi na ipipikit*
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 9:31 PM UTC
Muli
Mahal ko'y ubod ng ganda Dikit na nakakagiliw sinuman makakita At nang minsan lumapit at nagpakilala Sinunggaban ako't niyakap niya Kulang lang kami'y maghalikan Sa aming mahabang pagtitinginan Dubdob na kay laki ng silakbo ng pag-iibig Ngunit nang makadaan Sa isang maliit na pamilihan Nakita ko na may ibang kalampungan Nanibugho ako nang umuulan Sa pag uwi ng bahay Dahan dahan na humimlay Sa higaang yari sa kawayan At tirahan na parang sa ihip ng hangin ay matatangay May saysay pa ba ang pagluha? Kahit wala man, patunay pa rin na ako'y umiibig na Totoo man ang nararamdaman Ano ang aking maipagmamayabang Talagang daig nga ng mayaman ang mahirap Sa isip, salita at sa gawa O sadyang may katumbas na ang bawat bagay Para ang pagmamahal din ay mabili't maagaw Iisipin ko na lang na  ito'y para rin sa kapakanan niya Di na lilingon o magkikita Sana'y balang araw malaman niya Na ako'y di hamak na isang tao Kapag umiibig na
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 1:56 AM UTC
Hirap sa Pag-ibig
Panahon na noo'y kaibigan lang ang pagtitinginan Nasundan ng di inaasahang pagiibigan At doon sa mundo nating binuo na puno ng paruparo Doon tayo naglalaro at humihinto ang oras na ginto Pero ano na tong nangyari? Di ka na kagaya ng dati Ako lang ba itong nahihirapan Mahal kita kaya ako lumalaban Kahit di mo man sabihin Nararamdaman ko naman Kahit di mo man aminin Maiintindihan ko naman Kayat sabihin mo na lang Ng matapos na ang nasimulan Ayoko na kasi nitong Nararamadaman Ngayo'y ako na lang Ang naiwan sa mundo Nating ginalawan Iiwan ko na din ito Para simulan ang sumaya Na ako lang Salamat sa nangyari Di ko nagawa lahat dati Bigyan ng oras ang sarili Mabuhay ng walang pagsisisi
0
Sep 29, 2017
Sep 29, 2017 at 5:08 AM UTC
Wakas
43 Ang lihim na pagsinta Pagligtas ang bunga 44 Sa araw ng ikatlong buwan Pinaghandaan ang isang paglisan 45 Si Tuma ang naatasang magbantay Kay Tarok na bihag na manlalakbay 46 At nang makatiyempo ang may pagtitinginan Mula pagkatali lalaki’y kinalagan 47 At sila’y kumaripas sa pagtakbo Sa mga Amazona palayo 48 Nang sa kanila’y may nakakita Mahiwagang bubuli nilamon sila 49 At nang tuluyan nang nakalisan Sa Gintong Lupa ang kinasadlakan. -07/26/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:05 PM UTC
Tumatarok 7 -Ang Alamat ng Ikalimang Lahi sa Gintong Lupa-