Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagkibit" poems
Kasabay ng iyong pagpikit ay ang imbay ng aking katawan, pag-alon ng mga balikat at pagkibit. Kasabay ng iyong pagtalikod ay akma akong aapak at papalakpak, dahan-dahang papalapit sa entablado. Kasabay ng iyong pagkukubli ng damdamin ay ang pag-muwestra ng tadhana sa akin, pag-gabay tungo sa kung ano ang tuwid. Kasabay ng pagtago ng nadaramang totoo, ay ang siya ring paghahanap ko ng sagot sa wari’y hindi mo masagot na tanong. At kasabay ng pagsasara nitong kurtina, ay ang paghinto sa pagpatak ng luha at ang ating maligayang paglaya. At kasabay ng pagdidilim nitong entablado ay ang kaliwanagan na di nahanap sa’yo at ang aking pagsuko para sa teatro. At kasabay ng kanilang hikbi at palakpakan ang pinakahihintay na pag-uwi sa kawalan at pagsalubong sa sarswela na naman.
0
Sep 29, 2024
Sep 29, 2024 at 3:43 PM UTC
Sa Sarswela
Ang lungkot at pakiramdang kay pait, pilit itinatago sa pagkibit balikat at ngiting pilit Na sa kabila ng panandaliang sayang naidudulot ng mga kasamang pumapawi ng iyong lungkot, mga masasayang sandaling kasama ka'y hindi pa rin malimot Ilan man ang nagtanong ng “KUMUSTA?” Ilan man ang dumaan at nakilala, Ikaw at ikaw pa rin ang siyang iniisip oh aking sinta. Puso ko'y parang tinatarakan ng patalim pag nakikita kang sa kanya'y may pagtinging malalim mga matang panandaliang sumaya nang ikaw'y masilayan, biglang napalitan ng bahagyang selos at kalungkutan. NALULUNGKOT mang ngayon na hindi na ako ang sa iyo'y nagpapasaya, na ang mga pangako mo noon na sa aki'y ipinadama, ngayo’y iyo nang ibinibigay sa kanya, patuloy pa ring iibigin ka, kahit sa iyong piling ako’y wala na. At kung siya man ang sa iyo'y itinadhana, ang tanging hangad ko lang ay makita kang MALIGAYA.
0
Nov 12, 2019
Nov 12, 2019 at 11:36 AM UTC
Unreal Smile
Noon halos magtiklop-tuhod ako sa paghanga At inaasam na ang pag-ibig mo'y makuha Tila ang isang tulad mo'y napakailap Ang ibigin mo'y isang pangarap Hanggang sa ikaw'y dumating At ako'y iyong natutunang mahalin Ngunit sa paglipas ng panahon Puro bangayan at galit ang sa aki'y itinuon Ikaw'y nilapitan at tinanong kung bakit Ngunit pagkibit ng balikat ang aking nakamit Walang gatol na ikaw'y sumagot Sinabing ako'y iyo nang nalimot Biglang nahinto at di alam ang gagawin Ito'y napakasakit sa damdamin Mga mata'y nagtatanong at masinsinang nag-uusap Bakit ganon, mawawala ang lahat sa isang iglap?
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:05 AM UTC
Sa Aking Mahal