Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JT Dayt May 2016
Pagbitaw sa aking mga kamay,
Pinapalaki ang maliit na bagay

Pagdikit ng babae sayo
Pangangamba sa ating mga plano

Natitiis **** hindi ako pansinin
Hindi mo na nilalambing


Sa mga dahilan na ito
Unti unti nang lumalayo ang puso ko
Nagtatanong kung totoo pa ba ito?
O baka isang umaga magising na lang ako,

Lumayo na ako
Mas bagay naman kayo
At ang masakit,
*wala ng tayo
trying to ask myself ...
Shynette Oct 2018
Nakaupo ako mula dito sa aking pwesto
Laging hinahanap ang presensya mo
Nasan ka na nga ba mahal ko?
Bakit natitiis mo
Ang tignan lang ako mula sa malayo
Gusto kong hagkan ka
Gusto kong kamustahin ka
Gusto kong ngumiti ka habang nakatingin saking mga mata
Ngunit kailan ba ako aasang mangyayari pa
Kung ang dating tayo'y dina maibabalik pa
Siguro nga'y dito nalang talaga
Tadhana'y pinaglayo na tayong dalawa.

— The End —