Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Brian Sy Oct 2019
mga tao sa kasalukuyan
mga dayukdok sa kapayapaan
pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan
hatid na bigat ng ating kapaligiran

oo, patuloy ang progreso
nating mga tao
taon-taon may mga bagong
mapangusad na mga plano
unti-unting nasasagot
mga sigaw ng pagbabago

...kahit papano
kahit gaano
ito katagal
lahat ng baraha
para dito'y handang isugal
pagkat lahat ng mga
dumadaan na pagsusulit
ang bawat paglagpas at wakas
nama'y lubos ito na sulit

sa ginagalawang mundo na abala
sa munting paglabas,
di na maiwasan ang pagalala
bawat pilak parehong pang-hulma
at resulta para sa mga gyera
marami namang mas makahulugan pa
upang igasta bilyon-bilyon na mga pera

panloob na kapayapaan
sa paghanap nito'y
isang paghahanap sa karagatan
lumulutang lamang ay katanungan
kung ito'y katotohanan
o isang kasinungalingan

makakamit ba hangga't may natatapakan
o madadama lamang ba
pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan
o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian

sumisikip, napupuno mga kulungan
sumasagitsit ang mga bulong-bulungan
kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan
humihinga pa aking paniniwala
sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati
sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala
pagkat hindi pa ito ating wakas

patuloy mabubuhay ang pagasa
hangga't may nabubuhay na umaasa
simulan sa sarili, wag sa iba i-asa
pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa

di kahinaan ang pagtakas
minsa'y kinakailangan
din nating maghilom, kumalas
sa mapangwasak na mundo,
patunayang ika'y mas malakas
hindi upang ipakita'y pagkamanhid
kundi magkaroon ng sapat na lakas
upang kayanin pang hatakin
sarili't ibang tao pataas
Sofia Paderes Jan 2016
I.
Mahal, minsan napapaisip ako...
Ang laki masyado ng mundong ito, ang mundo ko.
Gusto kong hawakan ang bawa't bato, yakapin ang bawa't puno, pero hindi ko kaya dahil nadadala ako sa tinig ng mga iba't ibang boses na humihila sa aking puso at hindi ko alam kung alin ang susundan ko.
Nakaktakot ang katotohanan na marami pang mga lugar na hindi pa natatapakan ng aking paa, marami pa akong hindi alam, marami pa akong hindi nakikita.

Pero minsan, ang katotohanang ito ang nagpapatibok sa aking puso, at nais kong pasukan ang lahat ng mga pintong bumubukas sa harap ko,
nais kong mahalin ang lahat ng taong dumadaan sa buhay ko,
nais kong maranasan ang lahat ng pwedeng maranasan ng isang tao.

Pero minsan talaga, hindi...
Hindi talaga alam ng aking puso kung ano ang gusto nito.
Kung isang mundong malaki o mundong maliit ang gusto niyang tirhan.
Pero yung nag-iisang bagay na kung saan ako'y sigurado, ay...
Na gusto ko na sa gitna ng kaguluhan,
iyong boses ang madidinig,
at iyong boses lamang.

Balik mo 'ko kung saan tayong unang nagkita,
kung saan tayong unang nagkakilala.
Balik mo 'ko sa panahong iyon,
yung unang beses na hinawakan mo ang aking puso sa iyong palad
at nagpangako na hinding hindi mo ito bibitawan.

Halika, balik tayo sa ilalim ng iyong puno.


II.
Habang ako'y nandito sa ilalim ng iyong puno,
hindi na importante sa 'kin kung malaki o maliit man ang mundo.
Basta't kayakap kita dito kung saan walang kahulugan ang oras,
alam kong iikot lang ng iikot ang mundo.
At sapat na yun para sa 'kin.

Dahil sa iyong pagmamahal,
lahat ng takot ay nadadaig.
Spoken word poem written for Risen Collective's first event, Silakbo. This was a collaboration with Coeli, an incredibly talented songwriter and musician. This piece was performed as part of her song, Puno.
MR May 2019
Yung hadlang sating pagmamahalan ay parang hagdan.
Bawat hakbang natatapakan,
pero sa kapit nating dalawa’y ‘di tayo kayang siraan.
Ganun katibay ang ating pagmamahalan,
Madumihan ma’t tapak tapakan,
‘di parin uubra yan sating kinabukasan,
sapagkat,
sapagkat ang pagmamahalan nati’y para ring hagdan,
parang hagdan na walang katapusan ang mga hakbang,
na kahit tapak tapakan tayo’y wala paring makakahadlang,
sa ating pag-ibig na araw-araw nating inaasam.

— The End —