Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natagalan" poems
Mahal, pasensya. Alam kong galit ka Ngunit sana'y pakinggan mo ito Kahit mainit ang dugo mo sa akin Ako'y nananalangin na mabasa mo ito Dahil gusto kong humingi ng pasensya Pasensya dahil nasaktan kita Hindi ko pinakinggan ang sagot mo Sa araw na iyon Kung kailan pinaka kailangan kita Mga salitang walang kapantay Mga salita **** walang arte Lahat sila diretso Mas diretso pa sa Pagsasalita ko Pasensya dahil natagalan ka Hindi ko naman sinasadya lahat ng ito Ayoko lang masaktan ka Ng ibang tao Dahil mas masakit ang salita Kesa sa mga gawa Ngayon pasensya Mahal Sana'y tanggapin mo Dahil ito nalang ang alam kong Daan para masabi ko Lahat ng nararamdaman ko saiyo Dahil ako'y Nauutal at kinakabahan Sa tuwing kausap kita Para bang may mawawala Sa buhay ko Sa kada salitang Sasabihin ko. Kaya mahal ko pasensya Mahina ang loob ko Subalit malakas naman yung Nararamdaman ko para sayo At doon ka sana'y Maniwala. Mahal, pasensya.
0
Mar 6, 2020
Mar 6, 2020 at 11:23 PM UTC
Pasensya
Pasensya ka na Pasensya na kung natagalan Pasensya na kung natagalan ang aking pagtahan Pasensya na kung matagal na panahon kitang hangad Pasensya na kung medyo mabagal ang pag-usad Dahil hindi ganun kadali Matagal na panahon ang kailangan At hindi lang isang sandali Pinagpapaguran ko ang prosesong ito Hindi ito madali dahil kasali dito ang pagpilit sa sarili ko Pero kahit mahirap, kakayanin ko Para sa ikalalaya mo Akala ko nga huli na yung naisulat kong tula dati para sa'yo Ngunit ako mismo ang sumira sa paksa Na akala ko'y yun na ang magiging huling tula Hindi pa pala Hindi ko kayang yun ang magiging huli Hindi pala madali Dahil napagtanto kong nakapagsusulat lamang ako kapag ito'y tungkol sa'yo At dahil nagkamali na naman ako Lulubusin ko na ito Pakinggan mo ako Hindi ko sasabihing ito na ang huli Kasi baka masira ko na naman uli Kaya eto na, pakinggan **** mabuti Sa muling pagkakataon, Sasabihin ko ito sa'yo Mahal kita Pero sawa na ako
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:56 AM UTC
Pasensya Ka Na