Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
inggo Mar 2016
Ang bilis ng panahon
​Malapit na palang mag isang taon
​Simula nang ating ikahon
​Pag-iibigan nating hindi nakaahon

​Huminahon na ang bagyo na iyong dala
​Buo na muli ang puso kong nasalanta
​Naghilom na lahat ng sugat na mahapdi
​Hindi na pilit ang aking mga ngiti
Razbliuto Sep 2014
Ang hirap kasi satin,
Hindi tayo maka-move on.

Buti pa ang mga nasalanta ng bagyo,
marunong mag-move on.

Eh tayo?
Please. 'Wag na nating hintayin ang bagyo.
Enero Diez y Siete, Dos mil Kinse
Kahit may bagyo, tumuloy sa Leyte
Unang tinungo lungsod ng Tacloban
Muling nilipad skull cap pagbukas ng pintuan
Talagang maulan at mahangin
Subalit milyong tao sumalubong parin
Kanyang idinaos Banal na Misa
Kasama ang mga biktima ni Yolanda
Huling tinungo ang pook ng Palo
Nananghalian sa tuluyan ng Arsobispo
Doon din nakasalo mga nasalanta ng Yolanda
Mas malapitang nakisalamuha sa kanya
Mga pinaslang ni Yolly puntod binasbasan
Iba pang kaawa-awa hinandugan ng tirahan
Suot ang dilaw na kapote
Biniyayaang material at ispiritwal ang Leyte.

-01/18/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 318

— The End —