Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy Apr 2017
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.

Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?

Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.

Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.

Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.

Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.

Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Naisipan ang kahalagahan ng oras sa buhay, dahil ang mga nakalipas na, di na pwedeng balikan pa.
Taltoy Mar 2019
Ano na? Ano na?
Ano na ang susunod?
Saan ba? Kailan ba?
Bat parang nalulunod?

Ako'y walang nagawa,
Bulag na nanonood,
Walang kwenta, basura,
Nakatulala sa pagtama ng kulog.

Nakakapanlumo pero anong magagawa,
Tapos na, nawasak na habang nakatulala,
Huli na ang lahat, paano masasagip,
Huli na ang lahat, huli na nga ba ang lahat?
may mag araw na hindi ko maiwasan mag isip at malumbay.
mag isip na baka mapagod ka na at ako ay hindi na   hintayin.
malumbay at sa iba ay humanap ng kalinga.
na baka sa tagal ang puso't isip mo ay mahulog sa iba.
bakit hindi ko maiwasan ang takot ay maramdaman?
kahit madalas mo namang iparamdam na ako sayo ay mahalaga.
kalooba'y nababagabag sapagkat sayong tabi hindi ako ang katabi.
nakakapanlumo mag isip ng mag isip,na baka isang umaga hindi na ako ang nais makatabi.
hindi na ako ang nais makausap
hindi na ako ang nais makakulitan
hindi na boses ko ang nais naririnig
hindi na mensahi ko ang inaabangan,
langyan pag-ibig yan bakit sa taong nag mamahal laging may agam-agam.

— The End —