Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
G Oct 2020
• • •
Bigo, yan ako labing-limang araw bago ka dumating
Pinaasa sa mga susunod na araw na hindi naman pala makakamit
Niloko sa hindi malamang kadahilanan kung bakit
Panay ang tanong sa isipan kung bakit ako pa ang napili
Na nananahimik at wala namang balak manakit

Sabi ko tama na't huwag nang umasa pang muli
Dahil sa henerasyon at ikot ng mundo ngayon,
Ang makatagpo ng taong kayang suklian ang pag-ibig na meron ako
Ay parang inaabot ang langit sa liit kong ito

Pero mahirap nga naman talagang pigilan [minsan] ang nararamdaman
Na kahit ilang araw pa lamang ang nagdaan
Umaga, tanghali, hapon, gabi habang naghahapunan
Ay laman ka na lagi nang aking isipan

Hep hep hep!
Sinabi nang saglit!
Masyado kang makulit
Hindi ka na bata na dapat pang paluin sa puwit!

Pero eto, seryoso na ulit. . .
Bakit ba kasi umaasa pa nang paulit-ulit?
Eh nasa harapan na nga yung sagot na wala ka naman ngang ****
Kahit sa totoo lang may konti nang sakit

Nakakatawa lang din minsan, ano?
Hindi ko lang sigurado kung yung tadhana lang o pati ako
Na alam namang mapaglaro
Pero sinasabayan yung agos kahit alam na hindi sigurado't [minsan] delikado

Risk taker nga ako, hindi ba?
Pero may kaduwagan sa aking kalooban at ayaw ko pang bumigay
Kasi hindi ko pa kayang mapalayo ka't baka magpaalam na nang tuluyan
Kaya dito na muna ako sa isang tabi,
Na muli nalang maghihintay sa iyong susunod na mensahe.
• • •
Aphrodite Jun 2020
Bawat segundo, minuto, buwan at taon,
Lahat ng ito ay  lumilipas at nagbabago,
Lahat ay napapalitan ng 'di inaasahan,
Walang permanente sa mundo kaya oras pahalagahan ng husto.

Hanggang buhay ka pa, mahalin mo ang mga magulang mo,
Habang nakakangiti ka pa, ngumiti ka at tumawa,
Habang nakakalakad ka pa, tumakbo ka't gumala,
Habang nakakarinig ka pa, pakinggan mo ang huni ng ibo't likha ng Diyos.

Habang malakas ka pa, tumulong ka sa kapwa mo,
Habang bata ka pa, magsaya ka kasama ang tropa mo,
Habang kaya mo pa, gawin mo ang lahat ng gusto mo,
Kasi maaaring isang-araw, wala na ang mga ito.

Pahalagahan mo at mahalin mo ang nasayo,
Huwag lumimo't bagkus magpasalamat sa Maykapal,
Ang buhay natin ay hiram lamang,
Kung kaya't bawat oras 'wag sayangin bagkus pahalagahan.

— The End —