Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
It'smeAlona Jun 2018
Oh kay gandang pagmasdan ang mga patak ng ulan
Tila musika sa pandinig kapag ito'y bumabagsak sa bawat bubungan
Animo nag-aanyayang tayo'y maligo't magtampisaw
Kasabay ng mga bata na masayang naglalaro sa lansangan
Aking naaalala noong ako'y bata pa
Ang lagi kong dalangin, nawa'y bumuhos ang ulan
Upang ako'y maligo't maglaro kasama ng aking mga kaibigan
Hindi alintana kung may kidlat na paparating
Basta't masaya kaming naglalaro sa kabukiran
Noon, masaya na kami kapag umuulan
Dahil hudyat na iyon ng aming paglalaro sa malakas na ulan
At kapag tumigil na, si Ina'y nagluluto ng ginatan
Upang mainitan daw ang aming mga tiyan
Sa paglipas ng henerasyon, nabibilang na sa aking daliri ang mga batang naglalaro sa ulan
Marahil mas ninanais na lamang nilang maglaro at humawak ng gadget kaysa magtampisaw
Ang ilan nama'y takot magkasakit dala ng ulan
Ngunit, kung inyong iisipin ang ulan ay biyaya ng Maykapal
Nakabubuti ito sa ating mga katawan
Kaya laking pasasalamat ko sa Maykapal
Dahil naranasan ko ang maglaro't magtampisaw noong ako'y bata pa
Hindi tulad ngayong henerasyon, na ang tanging ginagawa'y humawak at maglaro ng gadget
Nakakalimutan na ata na sila'y musmos pa lamang upang maranasan ang saya ng kamusmusan
Joseph Floreta Dec 2022
Akala ko ang Pagkukusa ay nakabubuti, Akala ko lang pala.
Sa bawat pagkukusa ko ay inuubos ko na pala ang aking sarili.
Sabi ng taong mahal ko,
Hindi naman masamang tumulong dahil ano't ano pa may pamilya ko pa din sila,
Hindi ko naman sinabing mali siya,
Hindi ko rin sinabing tama siya.
Dito ko napag tantong,
Hindi lahat ng pagkukusa ay nakabubuti.
Oras na para isipin ko naman ang aking sarili.
Mahirap makisama sa pamilya
091716

Nanghinayang ka kaya inayos mo;
Pinilit mo kahit hindi pinili ni Tatay.
Inayos mo nang sarili **** lakas,
Kaya napagod ka; eh lalong nasira.
Hindi ka naman eksperto dyan,
Kaya wag kang magmagaling na alam mo.

Hindi porket sanay ka ay okay na yun.
Hindi naman pinapaayos sayo,
Sinabi ba ni Tatay na gawin mo?
Oo, tamang nagkukusa ka
Pero di lahat ng pagkukusa nakabubuti.

Ilang beses ka bang pasasalo kay Tatay?
Hindi ka ba napapagod?
Kasi kung ako lang, awang-awa na ko sayo.

— The End —