Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pat Sep 2015
Mga daliri’y nanginginig

Aking mga labi’y sumisigaw ngunit walang tinig

Buong katawan niyayakap na ng lamig

Nang siya’y tumalikod para bang walang naririnig

Kailan kaya matutunaw,

Singlamig ng yelo, mga matang aking natatanaw

Kahit ganoon, isang bagay parin saki’y malinaw

Oo, puso ko’y iyong nabihag at paulit-ulit na ninanakaw

Sa mga nasisilip na bihirang ngiti mula saiyo

Ako’y mapapangiti, tatawa parang baliw ng totoo

Minsan ngiti mo’y kasing init ng araw

Ngunit tuwing ika’y nalulumbay, o luha ko’y umaapaw-apaw

Lubusang nagugulumihanan, nakakabaliw

Bakit itong nararamdaman ni minsan di nagmaliw

Paulit-ulit na binubulong sa sarili walang pag-asa

Ngunit sa loob looban di maiwasang patuloy na umaasa

Tinig ng puso ko’y hinding hindi mo napapansin

Di bale patuloy kang mamahalin ng palihim ng aking damdamin

Hihintayin ko ang pagtunaw ng yelo lumipas

Kahit abutin ng walang hanggan ang lamig ng pag-ibig na dinaranas
zee Aug 2019
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa
aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan
kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan
nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan
na iyong napagdesisyunan

naging mahirap sa umpisa—tanggaping
tayong dalawa ay dumating na sa katapusan
at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan
parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago;
nandito na tayo sa huling pahina ng libro

ngunit bakit nandito pa rin yung
sakit?
sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan
marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait;
nasisiraan na ata ako ng bait
naitanong na naman sarili kung bakit
sa puso ko'y ikaw pa rin ang
nakaukit?
Angel Oct 2019
Paano ko ba ilalathala ang aking nadarama
Kung sa umpisa palang alam kong hindi na tama

Ipagpapatuloy pa ba ang pagsintang nais isiwalat
Gayong akin ng nababatid na ito'y walang kahihinatnan

Tama pa bang mahalin ka
Habang ikaw naman ay may minamahal ng iba
solEmn oaSis Mar 2022
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas
Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi
Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom
Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman.
samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag
mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan...
at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo
Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan
Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay.
Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw
Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw.
Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan.
Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan

Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman,
Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam !
Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang
Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos.
Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang...
Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang,
Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga..
Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog
Sukdol Nga Ba O Sakdal
Kung Dumatal At Kumintal
Ang Alimpuyo't Tagtuyot
Sa Panahon Ng Tagdahon

At Sa Di Kalayoan
Akin Ngang Naulinigan
Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan
Kung Saan Ang Aking Katayoan
Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan...
Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
biyayang hangin man ay di nakikita
sa tulong ng tinta ito ay kayang ipinta
Masyadong magulo ang aking mundo, pero sa tuwing kasama kita tila lahat ay nagiiba, ewan ko ba kung bakit ganto ang aking nadarama, tama ba na mahalin ka? O Itigil ko nalang ang nararamdaman para hindi nalang masaktan?

Masyadong magulo ang aking mundo, pero sa tuwing kasama kita tila lahat ay nagiiba, oo aaminin ko Takot ako na baka pagdating sa huli eh mawawala nalang lahat nang parang bula, na baka sa huli eh mawala ka nalang bigla.

Magulo ang aking mundo, pero sa tuwing kasama kita tila lahat ay nag iiba, kaya sana sa araw na maglahad ako nang aking nararamdaman, sana'y Sa ere wag akong iwanan.

— The End —