Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
wizmorrison Jul 2019
Kaygandang pagmasdan ang kalangitan,
Punong-puno ng kumikinang na yaman.
Nandito pa ang nakakabighaning sinag ng buwan,
Na siyang nagtatanglaw nitong gabi ng karimlan.

Kaygandang pagmasdan ang iyong mga mata,
Punong-puno ng pagmamahal at pag-ibig sinta,
Nandito pa ang nakakabighani **** ngiti
Na siyang nagbibigay ilaw sa puso kong ikaw lang ang minimithi.

Kaygandang pagmasdan ang kalangitan,
Punong-puno ng mamahaling kayamanan.
Nandito pa ang buwan na nagtatanglaw
Nitong gabing musika’y nag-uumapaw.

Kaygandang pakinggan ang musika ng gabi,
Kasing ganda ng busilak **** mga ngiti sa labi.
Nandito pa ang mga yakap **** nagbibigay saya
Nitong damdamin na mahal na mahal ka
wizmorrison Aug 2019
Oh buwan,
Napakaliwanag-
Nagtatanglaw sa kadiliman,
Kasabay mo ang mga bituin,
Tila isang mga pangarap—
Kumikislap,
Ngumingiti, nanghahalina;
Oh Buwan,
Napakaliwanag—
Ikaw ay kakaiba,
Tinutugtugan ka ng gabi
Isang musikang kinakanta ng mga kuliglig;
Ang sarap matulog sa iyong mga braso
Liwanag na mula sa iyo
Ay tila kinukumutan ang kabuuan ko.

— The End —