Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpaalam" poems
#032317 Saan ka na? Mahal mo pa ba ko? Ano bang nangyari? Galit ka ba? May nagawa ba ako? Nagbago ba? Wala na ba? Sa dami kong tanong, Tila sumuko ka nang magbigay ng kasagutan. Ang agang nawala yung sabi nating Sana'y pangmatagalan. Paalam, pero biglaan Hindi ko naman inasahan Na sa ikaapat na pagkakataon Bibitaw ka, mauuna ka na naman. Paalam, pero akala ko nagpapalipas ka lang ng sandali Akala ko kakayanin ko pang maghintay Sa bawat oras na walang pagkukunwari. Heto na naman, ba't ba ako yung natatalo palagi? Ba't palaging luha't sakit na lang sa huli? Yung "mahal kita" na sabi **** hindi nakakasawa Ayun, nawala na lang nga ba nang kusa? Tinanong kita, kung may iba na ba? Ang sabi mo, magtiwala ako, pero bakit nga ba? Bakit nga ba nawala ka? Iniwan mo na ba talaga ako? Naghintay ako ng paliwanag mo Pero kahit isang mensahe, may natanggap ba ako? Isa lang naman yung hinihintay kong sagot, Pero wala at ba't pag sa akin na'y tila ika'y nababagot? Tumatakbo na lang akong mag-isa; wala ka na kahit sa anino man lang. Hindi ka na nagparamdam pa, Ganun naman lagi, sana'y kahit paalam na lang. Iniisip ko sasalubungin mo pa ba ako Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako Meron pa nga ba? Yan ang tanong ko. Parang lahat nagbago na, Pati ako, tila limot mo na. Iniisip ko kung paano yung mga plano natin, Paano na? Eh balewala na ako sayong paningin. Makakasama pa ba kita ulit? Parte pa ba ko ng buhay mo? O nasabi mo na lang na "tama na." Pasensya, kasi hindi ko ata kaya Ilang beses ka na kasing nawala Ilang beses na kasi akong lumagapak sa kawalan Bumangon naman ako pero *lagi **** binabalikan.* Tinanggap naman kita, nagtiwala naman ako sayo Pero ba't ngayon nasaan na ba tayo? Gusto ko nang umuwi at makita ka Pero wala ka na eh, Wala na pati yung pagmamahal mo. Babalik ka ba? May hinihintay ba ako? Wala ka kasing sagot, kahit ano pang gawin ko. Gusto kong sabihin sayong, wag mo kong iwan Na sana manatili ka naman Na sana kahit ngayon lang naman. Pero wala, naubos na ako Wala na akong laban at talo na ako. Oo, hindi ko tanggap lahat Oo, ngayon lang to kaya ibabagsak ko na rin lahat Ibabagsak ko na kasi di ko na kaya Di ko naman maayos yung puso mo kung wala na talaga Kulang pa rin yung pagmamahal ko sayo Kulang pa rin, kaya natalo na naman ako. Nakakapagod na kasing iyakan ka Nakakapagod na kasing isiping may "tayo" pa. Na ikaw na yung pinapangarap ko, Pero hindi pa rin pala kita maabot. Hindi naman kita pinakawalan, Pero ba't mo ko binitawan? Sana sinabi mo agad Sana pinaliwanag mo Kasi di ko maintindihan Di kita maintindihan. Pero kung may ibang sana akong hiling: Kung aalis ka man uli, Sana'y magpaalam ka man lang *Sana sabihin mo, para bumitaw na rin ako.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 12:03 AM UTC
Paalam? Pero Ba't Di ka Nagpaalam?

Continue reading...
81
May isang bagay na nais kong sabihin May mga salita akong nais na bawiin, Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan? Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam Ipinangako na pipilitin kong maparam Na pipilitin kong mawala Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula At mas lalong di ko alam kung paano mawawala! Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin? Bakit ba kay hirap nitong tanggalin? Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo Lahat na yata ng paraan ginawa ko Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko Kanina lang kausap ulit kita Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga Nagsasalita na ako dito mag isa Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka Mga kasama ko bigla na lang napapanganga Eh ano bang **** nila? Minsan na nga lang maging masaya, Papakialaman pa ba? Minsan na nga lang magkaroon ng sigla Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa, Kaya salamat talaga at nariyan ka Picture mo pa lang ang laki na ng epekto, Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw At puso na walang ibang sinisigaw Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw At magdaan man ang maraming taon O lumipas ang mahabang panahon, Ikaw lang at walang iba Sasabihin ko lang naman talaga Gusto kita.
0
Apr 4, 2017
Apr 4, 2017 at 7:21 AM UTC
Gusto kita (spoken poetry)
#110315 Binilang ko ang rosas na akala ko'y Nagpaalam na buhat sa maagang pagkalanta nito. Akala ko'y pag namukadkad uli'y limot na ang dati, Pero tila nagkakamali pala ako Sa paghimay-himay ng pahiwatig. Hindi ako manhid Pagkat ramdam ko pa rin ang tinik Sa paghawak sa ubod ng rosas. Pero iniinda ko ang sakit Pagkat ganoon naman talaga, Nilikha siyang may tinik bilang proteksyon niya. Pag pinagmamasdan ko ito, Alam kong hanggang tingin lang ako. Pagkat pag pinitas ko'y agaran na naman itong malalanta, Hindi ko naman maiuuwi ang kariktan nito. Mas kaakit-akit kasi siyang tingnan Pag kasama ang mga katulad niya. Muli, hanggang titig na lang, Ganoon rin ang paggalang ko sa kanyang Hardinero. Alam ko ring iba ang tipong klima nito, Medyo sensitibo kahit na Di ko naman papalitan ang kinagisnang lupa. Hindi ko naman siya bubunutin nang basta-basta't Aangkinin kahit may ibang nag-aari sa kanya. Sa katunayan, laging nais ko siyang masilayan, Kahit na alam kong iiwan niya rin ako Sa dapithapon o kaya kinabukasan o sa makalawa. Pag kinunan ko siya ng larawan, Kaya ko siyang titigang muli, Alaala na lamang sa iisang papel ang aming sandali. Pagkat pag muling babalikan ang pasong nagkalinga, Iyan, wala na puros dahon na lamang, Maghihintay na naman sa tamang panahon Nang muli ko siyang masilayan.
0
Nov 19, 2015
Nov 19, 2015 at 6:04 AM UTC
Rosas na Alaala
paalam ayoko mang sabihin, pero paalam masakit man isipin, pero paalam marami akong tanong, pero paalam di ko maintindihan, pero paalam bakit ganun bakit ngayon bakit di ko man lang naramdaman bakit di ka man lang nagpaalam
0
Nov 1, 2021
Nov 1, 2021 at 11:36 AM UTC
Paalam
Dapat mahigitan ang bilis ng segundo Matarok ang hangganan ng langit Upang matalos sa dapithapon ang pagkukulang Sa susunod na pagsikat ng araw ay matiyak ang kapalaran Itatwa ang pagkabuhay sa mundo Ang awra ay nagpaalam sa hilagyo Sawimpalad sa kinabukasan Ang natitirang mga yapak ay hindi na nakagambala sa pagtulog Magparaya, hayaan ang Amihan bumitbit ng kalahating puso na sabik sa pagmamahal na di kayang ibigay ng dalaga Mayroong kislap ng liwanag, agiw sa sulok- nag-iisa Yakapin ang talim ng punyal Kay sarap masaktan, sa peligro humantong kaysa malayang namumuhay Ano ang kahalagahan ng buhay Ang obalo na hubog ay binabaybay Pakawalan ang ibon na nasa hawla Huwag na umasa na babalik pa Kalapati ay lumipad papunta sa lugar ng kapanganakan ng agaw-liwanag
0
Dec 26, 2018
Dec 26, 2018 at 2:25 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #29
Nakatingin na naman sa malayo habang tahimik na tinitingnan ang palubog na araw dito sa tagpuan natin ako'y nag-iisa na naman Mga alaala mo tahimik na sumasabay sa ihip ng hangin at sa unti unting pagbaba ng araw sa parang Hanggang kailan ako aasa sa posibilidad na bukas ay muli kang makakasama Hanggang kailan ako maghihintay Kasi unti unti na kong nalulumbay matagal pa ba? ako'y naiinip na pakisundo na lang ako pag oras ko na Araw araw walang mintis dumadalaw dito sa tagpuan masuyong hinahaplos pangalan mo'ng nakaukit sa bato mga naggagandahang bulaklak na gusto mo ay dala dala ko bukas ulit andito na naman ako Sana nung nagpaalam ka pinigilan kita kung hindi lang ako tanga sana naagapan ko pa hindi ko alam yun pala ay huli na Huling pagkakataon na makita ka Huling pagkakataon na makasama ka Matagal pa ba? ako'y naiinip na pakisundo na lang ako pag oras ko na
0
Jul 11, 2019
Jul 11, 2019 at 9:52 AM UTC
Sundo
Ganyan lang ginagawa ko sa tuwing ika'y dadaan sa aking harapan Para ang galabog sa aking dibdib ay mabilis na mapagtakpan Dahil ito lang ang alam kong posibleng paraan Upang ang tibok ng aking puso ay mapadahan-dahan Na tanging sayo lamang ilalaan Ganyan lang iniisip ko sa tuwing wala ng maisagot sa exam Tipong pati pag gamit ng tandang padamdam ay hindi ko na din alam Kung sa pangungusap ba dapat ilagay o sa sariling nararamdaman Bakit bigla ka na lang nagpaalam ng walang paalam Kaya patuloy ang aking walang katapusang pag-aagam-agam Ganyan lang inaarte ko sa tuwing hinihintay ang napakatagal na order sa kainan Di sapat ang halaga ng lasa pero lulunukin na lang ng walang angal dahil di pa nagtatanghalian Para naman kahit papaano ay magkalaman ang aking tiyan bukod sa mga paru-paro na iyong dahilan Bakit ko nga ba binabalik-balikan ang mga inihain **** iba't ibang ilusyon at kasinungalingan Na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin, at patuloy na maniniwala na ikaw at ako ay walang hangganan Ganyan lang ang sinabi ko sa sarili ko ng makita kang may kasamang iba Nalunod ka lang pala kaya ginawa mo akong salbabida Pero bakit di ko mabago ang daloy ng kwento na ikaw pa rin ang aking pinakamagandang bida Hindi ko makakalimutan ang huling gabi na tayo ay pinagsama ng tadhana Nasa ilalim ng mga maliliwanag na tala at sinusulit ang huling sulyap sa iyong mga mata Yan lang ang alam kong pwedeng gawin sa mga ganitong sitwasyon, ang maging cool. Na hindi kailangan sa bawat eksena na mangyayari, ay may gawin na aksyon Hinayaan panoorin ang kagandahan ng pag-guho ng ating mga mundo Dahil hindi na maaaring sagipin ang pag-asa, magmukmok man o humagulgol mag-hapon Lalo na't sa panahong kulang ako, naging kulang tayo; sayo.
0
Jan 5, 2017
Jan 5, 2017 at 10:05 PM UTC
Cool lang ako.

25
Nahihirapan akong huminga Kakaisip sa kanya Saan ba siya nagpunta? Hindi man lang nagpaalam. Nagdadabog kasi 'di ka nasilayan Hawak-hawak ang sarili kong kamay Nag-iisa sa buhay Wala na akong kasama. Pero sa Isang Pagkakataon Dumating ka Hindi ko na kinaya Mahirap palang itago ang saya Kaya nang humarap ka sa akin Nalaman kong Masarap mabuhay kasi Sa 'yo lang ako nagkakamalay
0
Oct 14, 2014
Oct 14, 2014 at 12:26 PM UTC
Hinahanap
012517 Wag mo akong sanayin Habang hawak mo ang mga kamay ko -- Mga kamay na tila hinulma para sa isa't isa Mga kamay na alam kong ayaw nang bumitaw sayo. Wag mo akong sanayin Habang yakap mo ako -- Yakap na matagal kong ipinagkait sayo -- Dahil natakot ako Natakot akong yun na ang una't huli. Ilang beses akong tumanggi Kasi alam ko ring hindi ko mapipigilan Ang pag-agos ng luha sa nga mata ko. Ayoko kasing ikaw yung sumalo Sa pagal kong mga matang ilang beses nang nagpatalo. Wag mo akong sanayin Habang sinasabi mo ang mga salitang "mahal kita." Pagkat sa bawat sambit mo, natatakot ang puso ko Napupuno ako ng kaba Na baka bumitaw ka na namang bigla. Wag mo akong sanayin Habang sumasandig ako sayo Ilang beses na akong nagpaalam sayo At hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba ako. Wag, baka masanay na ako Masanay na lagi kang nandyan Masanay na hindi ka bibitaw Masanay sa pagmamahal mo Masanay at muling masayang ang lahat.
0
Jan 30, 2017
Jan 30, 2017 at 5:53 AM UTC
Wag Mo Akong Sanayin
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan na iyong napagdesisyunan naging mahirap sa umpisa—tanggaping tayong dalawa ay dumating na sa katapusan at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago; nandito na tayo sa huling pahina ng libro ngunit bakit nandito pa rin yung sakit? sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait; nasisiraan na ata ako ng bait naitanong na naman sarili kung bakit sa puso ko'y ikaw pa rin ang nakaukit?
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 1:03 PM UTC
nagugulumihanan
Nakahiga, tulala na naman sa kisame Tuloy ang daloy ng panahon Ngunit ang mundo ko'y nakatigil Kamay sa mukha, luha'y pinipigil Inaalala ang mga sandaling puno ng kulay Paligid ko'y umaapaw sa tawa't saya, dahil nariyan ka pa Ngayo'y nagpaalam na tayo, ngunit puso ko'y nakakapit pa Libutin man ang sansinukob, ikaw pa rin ang nais makita Kahit anong pagsusumikap na limutin ka Lalong lumalalim ang sugat sa bawat alaala Sa bawat pintig ng puso, hapdi ang nararamdaman Umaasang ang ating landas muli'y magtatagpo
0
May 14, 2024
May 14, 2024 at 10:25 AM UTC
Alas Diyes
Sa totoo lang, kayayari ko lang nitong tulang ito kanina Dahil fresh na fresh pa ang lahat. Fresh pa rin ang sugat. Ewan ko, basta lang ang alam ko malinaw lahat sa akin ang bawat letrang pinili ko sa tulang ito. Dahil ito ang nararamdaman ko Dahil nga kasi ito talaga ang naaalala ko At dahil nga kasi ito talaga ang totoo. "Yung Feeling na Kayo, Pero hindi" Siguro nga Feeling lang ito, siguro nga yung "Feeling" na to ay simbolo ng pagiging assuming ko. Kasi hanggang ngayon Iniisip ko pa rin kung bakit Walang "Tayo" Pero sige babalikan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan Hayaan **** balikan ko ang mga nangyari at ipaalala sayo ang lahat Lahat ng mga matatamis at mapapakla na alaala Sana maalala mo kung paano ako umasa ng mayroong tayo. Naalala ko pa nung una kitang nakita. Yung una kitang nakilala. Nung nagtanungan tayo ng ating mga pangalan Yung panahong inaalam kung saan ang ating tinitirhan. Oo tandang tanda ko pa, yung mga panahong una kang nagpaalam na uuwi ka na. Unang beses kang nagpaalam. Pagkatapos nun, natatandaan ko pa noong muli tayong nagkita. Nagkamustahan pa nga tayong dalawa. Nag-apir pa tayong dalawa. Para na tayong close nun. Nagtagal ang mga araw, lumipas ang mga linggo. Nagkakilala tayo ng lubusan. Nalaman ko lahat ng mga paborito mo. Nalaman ko lahat ng mga ginagawa mo Nalaman ko lahat ng mga sikreto mo. Ang hindi ko lang nalaman ay kung totoo ba ang nararamdaman mo. Dahil pagkatapos ng ilang buwan pinadama mo sa akin na sa tuwing nagkikita tayong dalawa Walang mintis ang pagyakap mo sa akin. Walang mintis ang bawat pagngiti mo sa akin Walang mintis ang lahat ng ipinadama mo sa akin. Kaya Feeling ko, totoo na iyong lahat. Muli ko pang naalala lahat ng pinagsamahan nating dalawa At naaalala ko pa yung mga panahong nahihiya pa tayong tumingin sa isa't-isa Pero ba't mas naaalala ko yung unti-unting paglihis palayo ng iyong mga mata? Naaalala ko rin ang bawat haplos mo sa kamay ko, naalala ko yung pagsalit-salit ng daliri natin sa ilalim ng araw. Pero ba't mas naaalala ko ang mga panahon ng iyong pagbitaw. At tandang tanda ko pa nung yumakap ka sa akin at ang pagyakap ko sayo. Ngunit ang naaalala ko ay ang pagkawala mo sa mga bisig ko. Mula noon. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung totoo ba Ang mga salitang binitawan mo Noong sinabi mo na ako rin ay mahal mo. Masakit. Masakit na sinabihan mo akong mahal mo ko pero di mo kayang iparadam sa akin iyan ng totoo. Kaya ngayon. Kung babalik ka man. At ipapadama sa akin ang nakaraan. Paki-usap. Wag na. Dahil malapit nang maubos ang betadine na gamot sa sugat na iniwan mo. Sa madaling salita Malapit nang maubos ang lahat ng meron ako, kaya kung babalik ka man paki-usap muli wag na. mahal, ayoko nang masaktan sa parehong paraan.
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:05 AM UTC
Feeling "Kayo" pero "Hindi"

59
‘Para ** ‘Yan ang sambit ng mga pasahero sa t’wing sila’y magpapaalam. Magpapaalam sa tapat na tsuper, na sila’y nalalapit nang magpaalam. Ngunit sa kaso ko, ipapaalam ko sa’yo, Na ako’y magpapaalam na. Sa tinagal ng aking pagsabit sa dunggot nitong hawakan, Sa likod nitong pampasaherong dyip na sa kasagutan mo’y pupunta, Mas pipiliin kong bumitaw na lamang at masugatan. Kaysa patuloy na mangawit sa dulo ng dyip na iyong minamaneho, Tangay ang daan-daang mangingibig. Bawat isa, sabik sa patutunguhang destinasyon mo. Walang kaalam-alam na isa lamang ang maaring parangalan, Ng banayad at matamis **** ‘Oo.’ Ngunit sa bawat pagtapak sa silinyador ng jeep, Sa bawat pagpihit ng kambyo, Ang aking kamay, katawan, binti, at kaluluwa, ay unti-unting nawawalan ng sigla, Hanggang sa mabatid ng aking makitid na pag-unawa, Na ito na ang hangganan, at wala na akong kawala. Kaya bago ako bumitaw sa aking kinakapitang pulungan, Nais kong ipa-alam, na ako’y magpapaalam. Ibinuka ko ang aking nag-aatubiling bibig, at ang mga salitang nakulong sa aking lalamunan, tumakas at nagpaalam. "Para, para sa inyo… Ay hindi. Para sa’yo."
0
Jan 22, 2017
Jan 22, 2017 at 5:03 AM UTC
'Para' sa kanya
Buhay, buhay ko ay simple lamang, Ngunit noong ika'y dumating, Pati halos lahat sa buhay ko'y nagbago na, Patis oras binubuhos at binibigay para sa'yo, Kahit pawis at pagod at duguan ang kahitnatnan ay ipinagpatuloy parin para lamang 'sayo. Iba talaga pag mahal mo ang isang tao, Halos lahat ng mga importanteng bagay ay balewala lang sa'yo; para lang mapasaya mo ang isang tao. Buhay ko ay naging masayahin, ngunit ito'y biglaan nang nabigo. Nabigo ito dahil ikaw ay lumisan man lang ng biglaan at hindi nagpaalam, Hindi ka nagpaalam dahil wala namang tayo, At higit sa lahat, I'm just a stranger on you.
0
Aug 17, 2019
Aug 17, 2019 at 3:10 PM UTC
"Just A Stranger"
unan ang naging kaibigan sa tuwing ako'y luhaan unan ang naging sandalan sa panahong ika'y nagpaalam gabi-gabing umiiyak, kahit ano-ano ang sumasagip sa isipan salamat at palagi mo akong dinadamayan sa oras ng kawalan
0
Oct 13, 2018
Oct 13, 2018 at 5:36 AM UTC
Unan
50 At masayang nagpaalam ang dalaga Sa nag-iisang pauwi na binata 51 Pag-aalala ay ‘di maiwasan Agimat inihandog ng babaeng kasintahan 52 At sa kanyang daan pauwi Panibagong halimaw sumalakay muli 53 Ito naman ay sa itaas nagmula Isang bulalakaw na hugis dalaga 54 Sa lalaking si Birio’y dahan-dahang lumapit Dumampi sa lalaki ang katawang mainit 55 Wari’y nang-aakit ang kakaibang nilalang Subalit sa pagnanasa’y si Birio’y humadlang 56 At sa isang saksak ng espada Bulalakaw naglahong parang bula. -07/18/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:00 PM UTC
Alabir 8 -Ang Babaeng Bulalakaw-
Isang linggo Isang daan at dalawang pu na oras. Mga salita mo'ng buo. Ang bumuo sa puso ko. Natakot ako na baka hindi ko masuklian Nakalimutan kung papaano. Umatras, umayaw, nag paalam ako. Nanatili ka. Sumugal ka. Sinabi ko, hindi ko pa kaya. Ayaw ko pa, pasensya na. 'Di ka na muling nag tanong. Unti-unti ng nawala Ang mga salita mo'ng bumubulong sa puso kong umaambon. Nainip ako, nag hahanap at nagtatanong. "What went wrong?" Mga salitang lumabas sa bibig ko. Ang salita na gustong itanong sa'yo. "I'm just trying to make you feel the same way you made me feel." ang sagot mo. Natauhan ako. Naiiyak. Naguguluhan. Nasasaktan. Nag-kukunwari na okay lang. "Naiintindihan ko. Pasensya." 'yan lang ang mga salitang binitawan ko. Nagpaalam tayo sa isa't-isa. Paulit-ulit na paalam, pero bakit? Bakit pilit tayong bumabalik sa iisang pahina? Dumating ang Marso, Kinausap kita. Nagtawanan pa tayo. Kamustahan. Hanggang sa humingi ako ng patawad. Pinatawad mo ako. Tinanong kita kung meron pa ba, pwede pa ba tayo? O huli na ba ang lahat? Limang oras tayo'ng nag-usap. Limang oras na nagkukulitan. Nakikinig ka pa rin sa'kin. Ganoon pa rin, parang walang nagbago. Pero di mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko. Kung pwede pa ba? Tinanong kita ulit. Paulit-ulit. Hanggang sa nabitawan ko ang salita'ng "Mahal kita" "Pasensya ka na. Meron na akong iba." "Mas mahal ko siya." "Gusto ko lumigaya ka. Pasensya ka na." "I already have mine." "Kung kailangan mo ako. Nandito lang ako." At yan ang mga sagot mo.
0
Mar 23, 2021
Mar 23, 2021 at 2:49 AM UTC
Jew

49
nang iwan mo ako isa lang ang tangi kong natandaan 'yon ay ang poste sa daan hindi ko natandaan ang 'yong mga titig ang 'yong mga salita ang 'yong mga hawak o ang 'yong tinig isa lang ang tangi kong natandaan 'yon ay ang poste sa daan kulay dilaw ang ilaw nito sakto sa halik n'ya sa labi mo sakto sa luhang pumapatak sa mga mata ko kaya hindi ko na natandaan kung paanong titigan mo ako pagtapos mo s'yang hagkan at hindi ko na rin matandaan kung paanong ang buka ng bibig mo ay "patawad" kaya't hindi ko na rin matandaan kung paanong ang dalawang magkahiwalay na poste sa daan ay mistulang lugmok sa kalungkutan dahil sila ang saksi sa pagmamahalang magpapaalam ilang araw man ang lumipas, o buwan, o taon, paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa tuwing dadaan sa poste sa daan dahil yun lang ang tangi kong natatandaan dahil sila ang saksi sa pagmamahalang nagpaalam.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:37 AM UTC
poste sa daan
Paano matataho ang kanyang damdamin Sino ang tinutukoy niyang minamahal Bakit niyakap bigla Malalim na ang gabi nang nagpaalam Tinutugis ng kalituhan Isang dapit-hapon, habang naglalakad Isang ale ay humagulgol sa gilid ng kalsada Ngunit walang sinuman ang nakapuna Buong aparisyon nga ba Sa bulaklak ng gumamela, dalawang paru-parong itim ay nakita na dumapo at lumipad nang sabay Sino kaya ang susunduin ng kamatayan Sa pag-uwi ay kay bigat ng pakiramdam Sa mga salitang naisulat ay doon binuksan ang nakakakilabot na bangungot ng kadiwaan Ang mga nailimbag ay " Lupa't langit ay nakahanay Tila'y magkarugtong parang itong buhay" Apat na oras na ang lumipas pagkatapos ng takipsilim Minamasdan ang ama na humihilik Hawak-hawak ang panyong itim Dinalaw na ng himig ng hele at napaidlip
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:07 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #50
Sabi nga nila walang permanente sa mundo Para saakin nman ito rin ay totoo Ngunit hindi porket nagpaalam na sa iyo ang isang tao Mawawala na siya ng buong buo Dahil maiiwan naman ang mga ala alang inyong nabuo Ang tulang ito ay para sayo Oo para sa taong nagbabasa nito Dahil sayo nabuo ko ang tulang ito Gusto ko lang na malaman mo Na bitawan ko man ang katagang “paalam saiyo” Hindi ibig sabihin nun na binibitawan ko na rin ang aking mga pangako Pangako na tulad ng “kahit ako ay malayo, kaibigan mo pa rin ako” Kahit ang sabihin ng iba promises are meant to be broken Kahit na ako mismo ayaw sa pangako Hindi natin maiiwasan mag iwan ng mga pangakong ganito Dahil minsan dito na lang kumukuha ang isang tao Ng lakas para lumaban sa hirap ng buhay dito sa mundo Alam kong pansamantala lamang ito Dahil sa hinaharap alam kong magkikita pa tayo Gagawa ako ng paraan Para tayo ay muling mabuo Sa ngayon kailangan muna natin magsakripisyo Para sa mabubuong tayo Kaya ikaw, laban lang wag kang susuko Dahil andito lang ako handang makinig sa mga problema mo Kahit na ako ay malayo
0
May 8, 2020
May 8, 2020 at 10:23 AM UTC
Paalam
Sa kanyang bufete Eto ka't natameme Nang siya'y makita Sa iyong mga labi walang namutawing salita Sa kanya'y pumunta upang ipaalam Damdamin at pag-ibig na iyong inaasam Sa ilang sandali'y iyo nang ipinaalam Ang iyong pagibig sa tinig na anasan Hanggang ngayo'y ikaw'y nagtitiis Nagmahal sa kanya ng labis-labis Sa kanyang pag-ibig ikaw'y uhaw Habang buhay maghihinagpis hanggang sa ang buhok ay maupaw Ngunit ikaw'y nabigo Nang malamng di ka niya gusto Sa kanya'y nagpaalam ng pagaralgal Iniwan ang pusong nadaratal
0
Nov 13, 2019
Nov 13, 2019 at 7:27 AM UTC
Sa Bufete