Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nakatingin na naman sa malayo habang tahimik na tinitingnan ang palubog na araw dito sa tagpuan natin ako'y nag-iisa na naman Mga alaala mo tahimik na sumasabay sa ihip ng hangin at sa unti unting pagbaba ng araw sa parang Hanggang kailan ako aasa sa posibilidad na bukas ay muli kang makakasama Hanggang kailan ako maghihintay Kasi unti unti na kong nalulumbay matagal pa ba? ako'y naiinip na pakisundo na lang ako pag oras ko na Araw araw walang mintis dumadalaw dito sa tagpuan masuyong hinahaplos pangalan mo'ng nakaukit sa bato mga naggagandahang bulaklak na gusto mo ay dala dala ko bukas ulit andito na naman ako Sana nung nagpaalam ka pinigilan kita kung hindi lang ako tanga sana naagapan ko pa hindi ko alam yun pala ay huli na Huling pagkakataon na makita ka Huling pagkakataon na makasama ka Matagal pa ba? ako'y naiinip na pakisundo na lang ako pag oras ko na
0
Jul 11, 2019
Jul 11, 2019 at 9:52 AM UTC
Sundo

mellokeats93
Written by
Jul 11, 2019
Jul 11, 2019 at 9:52 AM UTC
Request permission to use this poem