Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Dencioski
Dencioski
17/F
Mula sa mga palabas na aking nasaksihan May mga bagay talaga na di pedeng maisakatuparan Ngunit habang kasama mo pa Mas mabuting sulitin mo na Dahil Baka sa huli lungkot at pagsisisi ang iyong madama
0
Sep 17, 2020
Sep 17, 2020 at 11:29 AM UTC
karanasan
Mga bagay na gustong gawin Mabibigyan oras upang tuparin Ngunit wag muna itong unahin Dahil alam **** marami ka pang gawain Nakaabang mga takdang aralin Naghihintay na gawin Ikaw man ay malaya Dapat alam mo pa rin ang kahalagahan ng iba Iba tulad ng iyong pag aaral na nangangailangn ng pagpapahalaga Sa pag gawa ng mga bagay na iyong ikasasaya Wag kalimutan ang nararamdaman ng iba Baka ikaw ay may nasasaktan na Mas magiging masaya ka Kung alam **** wala kang nasasaktang iba Ang pagiging malaya Sa paggawa ng mga bagay na iyong ikatutuwa Ay nakapag papa aliawalas sa iyong mukha Dahil ito ang dahilan kung bat ang ngiti mo ay masisilayan sa iyong mukha At sa iyong mata makikita ang kinang na dulot ng kalayaang natatamasa Pero wag kakalimutan ang pagkakaiba Ng pagpili sa mali at tama Ikaw man ay naturingang malaya Dapat alam mo pa rin ang makabubuti at makasasama Bigyan ng limitation ang sarili, tama naman dba? Dahil baka sa sobrang saya na iyong madarama Ikaw ay maging pabaya Buhay moy malagay sa isang sitwasyon na ndi kaaya aya At pagsisisi lamang ang makikita sa mukha
0
Sep 14, 2020
Sep 14, 2020 at 11:58 AM UTC
Kalayaan
Sabi nga nila walang permanente sa mundo Para saakin nman ito rin ay totoo Ngunit hindi porket nagpaalam na sa iyo ang isang tao Mawawala na siya ng buong buo Dahil maiiwan naman ang mga ala alang inyong nabuo Ang tulang ito ay para sayo Oo para sa taong nagbabasa nito Dahil sayo nabuo ko ang tulang ito Gusto ko lang na malaman mo Na bitawan ko man ang katagang “paalam saiyo” Hindi ibig sabihin nun na binibitawan ko na rin ang aking mga pangako Pangako na tulad ng “kahit ako ay malayo, kaibigan mo pa rin ako” Kahit ang sabihin ng iba promises are meant to be broken Kahit na ako mismo ayaw sa pangako Hindi natin maiiwasan mag iwan ng mga pangakong ganito Dahil minsan dito na lang kumukuha ang isang tao Ng lakas para lumaban sa hirap ng buhay dito sa mundo Alam kong pansamantala lamang ito Dahil sa hinaharap alam kong magkikita pa tayo Gagawa ako ng paraan Para tayo ay muling mabuo Sa ngayon kailangan muna natin magsakripisyo Para sa mabubuong tayo Kaya ikaw, laban lang wag kang susuko Dahil andito lang ako handang makinig sa mga problema mo Kahit na ako ay malayo
0
May 8, 2020
May 8, 2020 at 10:23 AM UTC
Paalam
Panibagong tula nanaman Panibagong eksena sa aking buhay ay iyong masasaksihan Handa ka na bang mabasa kung paano ako nasaktan? Ng mga salitang binitawan ng taong aking pinapahalagan Nagsimula ito nung panahon na ako ay iyong pinangakuan Ndi ko inaasahan na magkakaroon ito ng epekto sa aking katauhan Katauhan na aking binuo at iniingatan Ngunit masisira ulit ng dahil sa mga pangakong nag wakas ng dahil sa mga pangyayaring di inaasahan Akala ko iba ka sa mga taong sa akin ay ng iwan Ang hindi ko alam isa ka rin plang martilyo na lahat ng pangako ay napapako lamang Pinaramdam mo saakin ang saya na tumatak sa aking isipan Ngunit nag iwan din ng sakit na hinding hindi ko malilimutan Nakabangon ako dahil naging matatag ako kinaya kong labanan ang sakit na iniwan mo Kahit na binalik mo ang isang bagay na matagal ko ng gustong itago Sinira mo nanaman ang pagtitiwala ko sa mga taong nasa paligid ko Pero salamat pa rin sayo Kahit na ganito ang nangyari sa buhay ko May aral kang iniwan sa kokote ko At yun ay wag magtiwala kung kani kanino Ndi sapat ang tagal ng pagkakakilala Para mapatunayan na ndi ka iiwan bigla Dahil pag may nahanap ng iba Na nagpapasaya  sakanya ng sobra Makakalimutan nia ang taong nasa tabi nia sa tuwing siya ay may problema Maaring ndi naging sapat ang effort na pinakita mo Para sakanya na ndi marunong makuntento At naghahangad pa ng mas matinding lambing at pag suyo Kaya wag **** sisihin ang sarili mo,wala kang kasalanan sa mga ito Laging tatandaan at wag na wag kakalimutan Ang taong marunong makuntento sa kanyang naiibigan Ay nagmamahal ng purong katotohanan Hindi ko sinasabing ikaw ay aking nagustuhan Wag umasa at baka masaktan Pero ako ay aminado na muntikan Muntikan na akong mahulog sa isang taong torpe at gago At easy to get ang gusto Ayaw mo ng make up at kung ano anong pampaganda Pero ung jowa mo muka ng pabrika ng harina Sa sobrang puti ng kanyang pagmumukha Nakakatawang isipin na ndi mo napanindigan ang binitawan **** salita Maraming pagbabago Ung taong nakasanayan ko Ngayon wala na sa piling ko May iba ng babaeng gusto Pero masaya ako sa buhay ko Dahil may mga taong nandyan para damayan ako Intindihin ung ugaling minsan walang sinasanto At ung pag iisip na ndi maiintindihan ng kung sino sino Naguguluhan ako ngayon Pero ndi ako pinapabayaan ng bakasyon Binibigyan niya ako ng mga bagay na maaring pagbalingan ng aking atensyon At andyan ang tropa handang makinig sa aking drama at orasyon May isang mahalagang taong sakin nag sabi Mahalagang matutunan ang pagmamahal sa sarili Upang maging puro at totoo ang pagmamahal mo sa iba At maging buong pagmamahal ang maibibigay mo saiyong sinisinta Sa bawat tao na sa atin ay nang iiwan Wag mawalan ng pag asa dahil sila ay lumisan Maaring sila ay nag iwan ng isang aral na dapat tandaan At sa hinaharap ay magamit sa mga mararanasan
0
May 7, 2020
May 7, 2020 at 6:33 AM UTC
Aral na natutunan mula sa mga nang iwan

Continue reading...
60