Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Paano matataho ang kanyang damdamin Sino ang tinutukoy niyang minamahal Bakit niyakap bigla Malalim na ang gabi nang nagpaalam Tinutugis ng kalituhan Isang dapit-hapon, habang naglalakad Isang ale ay humagulgol sa gilid ng kalsada Ngunit walang sinuman ang nakapuna Buong aparisyon nga ba Sa bulaklak ng gumamela, dalawang paru-parong itim ay nakita na dumapo at lumipad nang sabay Sino kaya ang susunduin ng kamatayan Sa pag-uwi ay kay bigat ng pakiramdam Sa mga salitang naisulat ay doon binuksan ang nakakakilabot na bangungot ng kadiwaan Ang mga nailimbag ay " Lupa't langit ay nakahanay Tila'y magkarugtong parang itong buhay" Apat na oras na ang lumipas pagkatapos ng takipsilim Minamasdan ang ama na humihilik Hawak-hawak ang panyong itim Dinalaw na ng himig ng hele at napaidlip
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:07 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #50

Written by
23/M/Antique
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:07 PM UTC
Request permission to use this poem