Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"maramot" poems
110916 Yugyugan, walang hele Galit at poot, walang tuldok. Bayan, Bayani at Rebolusyon Dugo, Latay at Krus. Pintasan sa saradong Libingan ng mga Bayani Pasismo'y binabali Demokrasya'y katunggali. Hampasan ng Hustisya, Latay ng Pagtutuligsa. Kalampag ng mesang panay barya Sigaw ng paghain ng kamatayan. Bukas ang Pintuang tila batong hinati Uhaw, sawing-palad, May luwad na dalamhati. Di makilala, suyod nang kaladkaran, Saboy ng pighati. Walang bahid, walang bisa -- Hindi maramot ang May Grasya. Negosyo sa pulitika Kalakal ng mga salita. Palimos nang makaraos Lusong, tapon, salo at ahon -- Yan ang pagtatapos -- Isa, dalawa, tatlo Tatlumpu't tatlong taon. Inihanay ba Siya sa mga Bayani? Hindi. Nalimot ba ang Kasaysayan? Hindi. Ang natatanging Kasaysayan, Tanging Kristo ang tutuldok Tanging Kristo ang saysay Walang iba, tapos na.
0
Nov 13, 2016
Nov 13, 2016 at 11:15 AM UTC
kaSAYSAYan
Sabi mo sa akin tumingala ako sa langit At tingnan ang mga talang kaakit akit Nang ako'y tumingin sa kalangitan Ni isang ningning ay wala akong namataan Nasan ang sinasabi mo? Bakit ang labo mo? Sabi sa isang dyaryong aking nadampot Ang mundo'y puno na ng poot Simoy ng hangi'y hindi na presko Pagsasa walang bahala, eto ang epekto Puro nalang kasi AKO AKO AKO Wala manlang SILA SILA SILA Paano na nga ba ang iba? Parati nalang sila ang taya Kelan ba sila makakalaya Tila ang tadhana'y maramot at madaya Mga walang kamalay malay parati nalang nadadamay sa mga bagay bagay na tayo ang may gawa Tila hindi na nagsawa Sa ilang ulit nang pagmamaka awa Sila ang nagbigay, bumuhay and nagpalago sa ating ekonomiyang nagduduwal ng daan daang salapi at nagbibigay sa atin ng gatas na naiiwan pa sa ating mga labi Tayo? Kelan kaya tayo makapagbibigay? Kanilang pangangailangan parati nalang "mamaya na yan" Kung kelan huli na ang lahat Kung kelan tayo na'y salat Saka lang mapapansin na malapit na tayong mag dildil ng asin Hindi ba pwedeng baliktarin? Baliktarin ang pamamaraan natin Sila naman ang pagbigyan Uhaw na sila sa kalayaan
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 7:44 AM UTC
Sila nga ba talaga ang hayop?
Gusto kitang murahin at Isumpa! Ngunit bakit hindi ko magawa… Gusto kitang halikan at ankinin! Pero ang puso mo’y sa iba nakabalin… Ayaw kong mawala ka… Pero doon ka masay! Ayaw kong makalimot… Pero hindi ako maramot! Gago ako at tarantado! Ipinagmamalaki kong maging ganito! Pero mahal kita nang todo-todo… At oo sobrang baliw ako sa’yo… Pasensya na mahal ka ng puso ko… At hindi na po ito magbabago…
0
Mar 8, 2011
Mar 8, 2011 at 4:39 AM UTC
Pag-ibig At Galit (love and anger)
Bilang na ang aking maliligayang araw. dalawa na lang. Kung isasama yung pangakong panlilibre ng lomi ng mga kasamahan sa pabrika sa unang restday matapos ang endo- tatlo. At ganito pala ang feeling ng may taning. Para kang nasa nilulumot na aquarium na walang oxygen at goldfish kang kasama ng dalawang golden arowana. Hindi ka makahinga. Sa a kinse, matuloy man o hindi ang balitang super-bagyo Tapos na ang limang buwang kontrata. Matatapos na rin ba ang hindi naumpisahang pagsinta? Tulad ng paghahanap ng mga skater sa kanilang skate park, matatagpuan ko rin ba ang lakas loob at habambuhay na hindi na? Kaya naman kaninang tanghalian, wala akong kwentong maihain sa iyo. Parang habambuhay ko ngang uubusin yung inorder kong BBQ kanin at RC. Paano ko ba sasabihing baka isa na ito sa huling dalawang tanghalian na sabay tayong kakain? Paano ko ba sasabihin na sa maraming pagkakataon na sabay tayong kumakain, nagtitipid ako at hindi naman talaga ako nagugutom. Gusto lang kita makasama kasi parang gusto na kita. Pero tulad ng inililihim kong pagtatapos ng aking kontrata Hindi mo alam. Hindi mo alam na ikaw ang dahilan kung bakit masarap ang simoy ng hangin sa loob ng pabrika kahit wala naman talagang bintana at inuubong industrial fan lang ang meron tayo. Hindi mo alam kung anong kapanatagang nararamdaman ko tuwing sinasabihan mo akong mag-iingat ako tuwing uwian kahit ang totoo, hindi natin kakilala ang kaligtasan at kapanatagan sa pabrikang walang fire exit at benefits. Yun talaga yun, hindi mo alam. Pero alam mo naman sigurong salot talaga ang kontraktwalisasyon? At maramot talaga sa mga lovestory nating mga below-minimum-wage-earners at contractual workers ang sistema ng paggawa sa Pilipinas. Sa mga susunod na bukas, ikaw naman ang mag-e-endo. Baka mapunta ka sa Savemore na tadtad din ng kontraktwal. At masnatch ang numero mo at hindi na kita matatawagan. At ako, baka sa hirap humanap ng trabaho maisangla ko ang aking telepono. At isang monumentong singlaki ng Mall of Asia ang itatayo sa pagitan nating dalawa. Kasalanan ito ni Ernesto Hererra.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:53 PM UTC
ENDO

Continue reading...
38
May nag-aalab na damdamin sa loob ng aking dibdib. Isang galit na hindi humuhupa parang sugat na lumalala. May tanong na hanggang ngayon ay hindi mahanapan ng sagot. Napapagod ang diwa ko pero walang makitang kapahingahan. Nauuhaw ako subalit tila hindi sasapat ang tubig. (mabuti na lang at may serbesa at alak na masasandalan) May sapot sa isipan ko kaya hindi makita ang hantungan. Wala akong magawa kundi harapin kung ano ang meron ako, Hindi naging mabait ang kapalaran at naging maramot ang buhay. Ang kaligayahan ay parang mailap na ibon , mahirap mahuli at hindi madaling mahawakan. Lungko’t at pagdurusa ang matalik ko’ng kaibigan. May mga magdamag na ayaw ko nang magwakas, Mga pagkahimbing na ayaw ko nang magising, Mga umagang ayaw ko nang tanawin. Ito ang palad kong hatid na kailangan ko’ng harapin. Haharapin kahit may hinanakit at panghihinayang, Haharapin dahil kailangang gawin, Tulad ng ginawa ni Sisyphu ang lahat ng lungkot at hirap ay aking haharapin.
0
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 10:14 PM UTC
HUGOT
sinusunog na mga bahay, sinasamsam ang mga ari-arian, sinasaktan pati ang mga bata, ginagahasa ang mga babae, at pinapatay ang mga lalake. ganito araw-araw ang kanilang sinasapit, hindi sa kamay ng mga tulisan o rebelde, hindi sila ang salarin sa pang-aapi, kundi ang estado at militar ang pasimuno. sila ang pasistang halimaw na naninibasib, pagkat gusto nilang maubos ang mga Rohingya. hindi daw sila taga Burma, latak daw sila ng mga Arabong dayo, kaya kailangan na sila'y malipol. walang magawa si Aung San Suu Kyi, pati s'ya hawak sa leeg ng militar. walang ginagawa ang Amerika at UN, palibhasa wala silang mapapala sa mahirap na bansa. isa na naman ba itong Rwanda, o katulad sa Gaza? walang gustong tumulong sa kanilang walang pakinabang. maramot ang saklolo sa mga madaling maloko, hindi kinakalinga ng langit ang mga tunay na api at kapos palad, sapagkat ang mata ng kasaysayan ay nakatuon lagi sa Europa at sa mga bansang masagana.
0
Dec 11, 2017
Dec 11, 2017 at 4:04 AM UTC
ROHINGYA AT ANG ETHNIC CLEANSING SA MYANMAR
Dinggin ninyo Ang pag-ibig ay mapanibughuin Ayaw may kahati Ni ayaw magpasaling Ang pinangakuang kamay lang ang dapat tumangan Kapag may ibang humawak Ay mangyayari ang tunggalian Ito'y maramot - di mapagbigay Sa tulaling kabiyak niyang laging nakaugnay At ang takbo ng oras sa kanila ay mabagal Nararamdaman ng bulag Nauunawaan ng pipi Umaalingawngaw sa tenga ng bingi Walang kapansanan Walang dahilan sa hindi pagganap Ngunit nang minsan natanaw Na may ibang kalaguyo Nagunaw ang mundo Dahil lubos ang tampo
0
Oct 4, 2019
Oct 4, 2019 at 11:50 PM UTC
Ang pag-ibig Ang Panibugho
Hindi naging maramot ang iyong pag-ibig sa akin Kailanman hindi ako kinapos at nangailangan. Hindi ko na kailangan pang manghingi sapagkat lagi kang handang mamahagi. Kahit nung ikaw ay nasaktan hindi mo ‘ko sinumbatan. Hindi pinatawan ng kaparusahan. Sukdulan man ang katampalasanan at kawalan ko ng pakundangan. At nung iniwan na nga kita ay aking nakita Ang luha sa’yong mga mata. Subalit hindi mo ako inaway at hinadlangan, ‘pagkat ganyan ang pagsinta mo sa akin malaya at maunawain.
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 3:48 AM UTC
Malayang Pagsinta