Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Jan 2019
Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan
Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang
Nagtapos sa elementarya na  kabilang sa mataas na seksyon
-Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong

Sa paaralang sekondarya ay namayagpag
Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak
Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na  katalinuhan

Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso
Puno ng mga tala ang mga kwaderno
Di man pala - kaibigan,
Kaklase sa nakaraan ay natatandaan

Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon
Agila naman ang kinabibilangan
Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon
Malapad na balawis, sa pagkumpay sa
dagat ay dumadaluyong

Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin
Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula
Dahil ba kay Dessa o di kaya
talento na Kanyang biniyaya
kingjay Dec 2018
Pagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana
Hindi ang sandaling sa kulungan
Ito'y sa bawat saglit na nag-iisa
ang matinding lungkot na nadarama

Ipinta ang larawan ng estado
Berde,dilaw,pula kahit anuman
ito'y walang sigla
Sa mga mata puro puti
-tinta ng lahat ng kasalatan

Bagwis na malapad
taglay ang malakas na hampas
Ngunit nanatiling suwail sa hangin
hindi na makalipad

Isang akyat pa sa hagdan
Ang patpating nilalang ay uhaw
sa pag-uwi ng titulo
Karangalan ang pagtitiis
Ang pagwawagi ay bihira lamang

Sa taglagas ay ang pagsibol ng mga tanim sa palayan
Kunting saya sa isang linggong kasawian
Ilang ulit kaya sa isang buwan?

Ang orasan ay panauhin sa pagkakaylan man na paghimbing
Hindi linggatong kung ituring
Ito'y paala-ala na hindi pa kamatayan
041716

Naakit ako sa linyang pahalang at patayo,
Mga detalyeng pinira-piraso.
Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo
Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako.

Hindi ko alam kung kaya ko,
Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya?
Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw,
Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo
Sasahod at maghihintay.

Masisilayan ko ang pundasyon
Ang mga bakal na kinalawang
Sa bodegang inimbakan.
Pagkat malayo pa ang byahe,
Bagkus sinelyuhan ng langis
Ang may tagas ng pagbabago.

Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado
Nasa hulog ang mga poste
Gaya ng minsang banging tinalunan ko.
Ako'y malaya sa pagsilip
Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado.
Ramdam ko ang gaspang ng kahapon,
Ang kurba ng mga bakal na di patitibag
Sa kaibuturan ng pundasyong timplado.

Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw
Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba
Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa
At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga.

Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad
Isang dipa, dalawang dipa at higit pa
Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan.
Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga
Mga kahoy at bakal na matibay
Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima.

Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta
Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga
At sa gabing hamog ang yakap sa dilim,
Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat.
Tanging kumot ng grasya,
Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat.

Nakakaakit ang plano, maging itsura nito
Kaya nga magtiya-tiyaga ako,
Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo.
Hindi lang ako ang lalaban sa presyo,
Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo
Tataya ako, pagkat kliyente lang ako
At alam kong linya Mo yan,
Ikaw ang aking Arkitekto.
Aries Jan 2016
Pwede kong dugtungan ang ating nasimulan
Pwede mo ring tapusin ng walang lingunan
Pwede mo akong ipagtanggol sa lahat ng tao
Pwede mo ring iwan ang isang ako.

Pwede **** hilingin na lumayo sa akin
At lahat ng sakit ay akuin
Pwede kang lumabas ng pinto
Ng walang pangakong pagbabalik
At pwede rin akong tumu-nganga na lang sa isang tabi
At mangulila sa iyong mga halik

Pwedeng sa akin, ikaw ay magsinungaling
Na kapag tayo ang magkasama,
Iba ang gusto **** makapiling.
Pwede kang maging bingi sa aking mga hinaing
Pwede rin akong maging pipi sa aking mga pasanin.

Pwede mo akong sumbatan sa aking mga pagkakamali
At pwede ring sa piling mo ay hindi na ako manatili.
Pwede kang maghanap ng iba,
At tuluyang ako'y limutin na

Pwede akong magmaka-awa sa iyong harapan
Na huwag mo sana akong lisanin
Sapagkat ang sabi ng puso ay hindi nito kakayanin

At pwede rin tayong umabot sa puntong tatanungin kita
Na kung pwede pa ba?
Pwede pa bang ayusin natin 'to?
Pwede pa bang ayusin kahit sirang-sira na?
Na kahit gahibla na lang ang pagitan ng Tayo pa at hindi na.

At kahit alam kong pwede iyong mangyari
Na kahit hindi sabihin, iyon ay iyo ng nawari.
Pero pinili nating ang lahat ng iyon ay hindi gawin
Dahil sa pangako ng isa't- isa ay mahalin

Mahal, hindi ako perpekto
Na kahit malapad ang aking noo,
Iaalay ang aking pagkatao
At sana, sana, hiling ko
Tanggapin mo ito ng buong-buo.

Ngunit kung ika'y nag-aalangan,
Huwag ka sanang matakot na ako'y lapitan.
At kung naguguluhan ka pa rin sa lahat,
Nakiki-usap ako,pakibasa lang 'yung pamagat.
kingjay Apr 2020
Sa ulan naligo nang nagagalak
Bawat patak sa pisngi ay parang biyayang inihahatid
At sa sandaling paghinto ay ang pagbabalik
Paggugunita sa mga araw ng paggiliw

Noong kami pa ay parang langit
Ulap sa paa ko' t bituin sa panaginip
Walang gabi na tahimik
Sapagkat parating may malamyos na awit

Ang pakiramdam ko sa panganorin
Walang hanggan-kataasaan ay di malirip
Ngunit unti-unting nawawari
Kalangitan ay isa lamang bahagi

Kung ituturing ay isangpanig-ibig
Pagkat ang pag-irog ay ganap na pagmamartir
Tinakasan na nakalupasay sa pananabik
Ang sinta ko sa iba kumapit

Naaalala pa nang nakadantay ang kanyang binti
Sa hita ko' t sabay ng masuyong paghalik
Yakap niya sa akin ay napakahigpit
Ngayon bakit kay dali lang sa kanya ako' y ipagpalit

Binigyan man ng malapad na bagwis
Ang bawat wasiwas naman ay dulot pighati' t
Nagpapahiwatig ng pamamaalam na nalalapit
Isang beses lang lumipad, sampung ulit ang hilahil

Tinuring na reyna sa kahariang panaginip
Kahit na inaalila niya' t inaalipin
Para sa akin isa siyang prinsesa na handang isagip
Sa mababangis na lobo' t mga tigreng sakim

Kung maparool man ay hindi itatanggi
Na minamahal siya' t itinatangi
Mapalayo man sa pamilya' t kaibigan siya pa rin ang pipiliin
Namumukod tangi siya, walang kahulilip

Huli na nang malaman ang ibig
Ako' y pala kasangkapan lang sa kanyang ninanais
At upang sa isang tao' y mapalapit
Ginawa niya akong tulay - pantawid

Ano mangyayari sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig
Tiyak na maluluray, at dadaing
Dahil sa antak na di naiibsan at naaalis
Duro sa puso' t wasak na damdamin

Nararamdaman ang masidhing lunggati
Na sinilsilyaban sa tuwing ako' y nilalambing
Nasang na sana ay laging magkapiling
Dumadarang na nakatiwangwang di mailihim

Larawan niya' y kinikimkim
Tampalasang kataksilan nailimbag sa isip
Sa mapanlinlang na anyo ng bahaghari
Hubog nito' y lumbay hindi aliw

Hanap-hanap pa rin ang silay ng giliw
Masasadlak man sa landas muli ng pag-ibig
Kung may pagkakataon ay aking hihilingin
Saktan niya sana ako, isa pa at siya' y mamahalin

— The End —