Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahihiya" poems
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
Isang katangian na ipinamukha sa akin ng kalungkutan --- Madaya siya. Madaya ang kalungkutan Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kawangis niya ang tahimik na kalsada. Bibigyan ka niya ng pagkakataon upang mag-isip. Hahayaan niyang makinig sa’yo ang buwan Subalit hindi ka nito kakausapin; sa halip, mas papangibabawin niya ang iyong pagkalito. Pipigilan niya ang pagkahol ng mga aso; pahihintuin niya ang huni ng mga ibon. Maging ang hangin ay pahihinain nito. Ititikom ng mga nakatambay na pagtatanong ang mga bibig nila. Ngunit, ang akala **** tahimik; Malungkot na pala. Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kamukha niya ang payapang tahanan. Na kahit ang bangaya’y mahihiya. Walang mintis ang mga yakap, ang mga tawanan Buo sa numero Hanggang sa dulo’t magmula sa umpisa Walang bahid ng pagkakawatak-watak subalit, dama mo pa rin ang pag-iisa. Dahil ang akala **** mapayapa; Malungkot na pala. Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kahawig niya ang mahinahon na ilog. Na tanging lamig lamang ng tubig ang kaya **** kilalanin Bilang sa iyong mga daliri ang mga batong natatangay nito. Kaya niya itong gawing panatag Subalit, hindi ang damdamin mo. Matutuwa pa siya Sa panghihinayang **** makasaksi ng mabilis na pag-agos at pagbabadya. Ang akala **** mahinahon; Malungkot na pala. Oo. Mapagbalatkyo ang kalungkutan Kaya niyang maghain ng maraming pagkakakilanlan. Bahagi ng kanyang iskema ang pagkalito na siyang sa’yo’y mananahan; mahirap siyang maging kalaban. Mahirap siyang maging kalaban. Kaya't siya'y gayahin mo. Linlangin mo rin siya ng kakayahan **** magwangis Ipakita mo na ikaw ang ingay sa tahimik niyang kalsada; Na ikaw ang bangayan sa payapa niyang tahanan; Na ikaw ang rumaragasang tubig sa mahinahon niyang ilog. Bigyan mo rin siya ng maraming mukha na may iisang ulo ng katatagan at paglaban. Pero huwag sa sarili mo Maging tapat ka rito magiging armas mo ang pagbabalatkayo laban sa lungkot; pero huwag sa sarili mo.
0
May 4, 2020
May 4, 2020 at 6:03 AM UTC
Balatkayo

69
masahol ka pa sa puta dahil ang puta katawan n'ya lang ang kanyang kinakalakal. ikaw ibenibenta mo ang katawan at buhay ng ibang tao. sinasalaula mo ang dangal ng ***** bayan; ibinubugaw mo ang mamamayan sa mga dayuhan hayup ka. masahol ka pa sa magnanakaw na nasa kalsada siya konti lang ang nakukulimbat ikaw dinadambong mo ang kaban ng bansa ibinubulsa mo ang pondo na para sa mga mahihirap hindi kapa mamatay masahol kapa sa sugapa sa droga ang trip mo kasi mamerhuwisyo ng buong bayan wow heavy bigat mo talaga sir masahol kapa sa hayup kahit ang baboy maluluma sa kasibaan mo pati ang buwitre mahihiya sa pagkadayukdok mo ang buwaya at pating walang binatbat sayo kaya sa darating na halalan hindi kita iboboto.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 10:08 PM UTC
Masahol Pa
082021 Naranasan mo na bang sumigaw Nang walang nakaririnig? O kaya lumuha nang walang sumasalo? Sa bawat patak ng bumubugso **** damdamin. Naranasan mo na bang kumatok Nang walang nagbubukas? O kaya tumawag nang walang sumasagot? Ang tempo **** sinusumpong ng tampo’y Umaanod sayo papalayo Sa nararapat mo sanang hantungan. Nakalimutan mo na rin atang Hindi sarili mo ang iyong kalaban Kaya’t hindi ka na rin mapigilang Manlumo sa karagatan ng iyong mga pasanin. Patuloy ang iyong pagsisi sa sarili Bunsod sa mga responsibilidad Na sana’y napanagutan mo Ngunit iyong iniwanan At pilit na tinakasan. Ngunit sa paulit-ulit mo ring Pagsagwan palayo’y Patuloy ka ring hinihila pabalik Kung saan ka nararapat Para magsimula kang muli. Ang iyong walang pagpapaalam Sa plinano **** paalam Ay naging hayag na paglisan Sa nakaraan **** Walang ibang mas mahalaga pa Kundi ang pagtuntong mo Sa ngayong noo’y ayaw **** pagtayuan. Ang bawat gumuhong gusali ng iyong nakaraa’y Kusang mag-aalis ok sayong Pagtagpi-tagpiin mo sila nang nakapikit. At kahit pa — Kahit pa sinasabi **** nalimot mo na Kung saan mo hindi sinasadya O kusang naiwan Ang mga piyesa ng iyong sarili ng tula Ay kusa mo rin itong maaalala Na para bang ang lahat ay bago’t Hindi ka na mahihiya pang Bumalik at magsimulang muli. Lulan ng mga lumang pahina Ang pag-asang may tiyak na kahulugan. Tiyak ang iyong hahantungan At walang katotohanan Ang sinasabing “paano?” Kung hindi mo naman nanaising Tumapak sa hagdan At kusang umakyat Gamit ang sarili **** mga paa.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 9:33 AM UTC
Sumbungan (Sumpungan)

53
Mahirap pala sabhin usapan kaylangan ibahin “Joke lng po at haha ang aking reply pag feelings ko na ,ang hirap i- imply Bakit Kasi Ganyan ka  ang tanong ko sayo “Ewan” ang sagot pareho lng tayo Vans at Adidas man ang gusto ko Pero pramis and i swear babae tlga ako Mahihiya ako pag nabasa mo ito Baka tawanan mo lang itong tula ko Sabi mo nga ikaw lng ang pwede kiligin So u mean ako pde ...sa iba tumingin?? Di naman tlga kita pansin nun una kaya nga ng sorry! late kitang napuna pero happy ako pag kausap kita so friends n tlga tau ika nga nila Im not dat good in making tula pero ang cute mo tlga sa suot **** pula Ilan beses man akong mag thank u sayo Dont worry ok lng khit di maging tayo Hindi ko alam ang dapat sabhin Nahihiya ako sa dami ng inamin Baka tumawa ka un ang isip ko Sorry ha, eto kasi ang totoo Gusto na kita khit di ka maniwala Pag nalaman m ito, di ka kaya mawala? Masaya na ako masabi ito sayo Kahit friends lng tlga tayo.
0
Jul 16, 2018
Jul 16, 2018 at 2:35 PM UTC
Majal_12