Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magpasaya" poems
Sa loob ng jeepney, akoy may kursunada Ang babaeng gustong makilala, medyo suplada Biglang tinanong nya ako, “bakit may itatanong ka ba?” Kaya sagot ko, “wala akong itatanong, pero may kaba” Kaba sa dibdib, dahil sa binigyan ako ng pansin Mula sa binibining suplada at di ko yun akalain Na magpapasaya at bububuo sa mahabang araw Nang minsang napatingala sa kagandahang natanaw Dagdag ko, “Magbayad na tayo” Sabi nya, “bayad lang walang pang tayo” Sinabi ko ulit “Miss, pwede namang pambayad ang ngiti, (bakit?) kasi yung 500 mo wala silang panukli” Sa loob ng isipan koy tumutula, Sa labas ang mga mata koy natutulala Nabighani ng ganda at napahanga Di ko napapansin tulo laway labas dila Ngunit sa mukhang tila nakasimangot Napansin ko sa mga mata’y may lungkot Kaya Ang magpasaya, kahit papano ay aking ginawa Nang Minsan sana’y dumampi ang ngiti, at magbigay ng tuwa Ginawa ko na ang simpleng galawan Inaabot ang bayad, upang kamay nya ay mahawakan Gusto ko din sanang malaman ang kanyang pangalan Baka may pagasa kung sya ay liligawan Wala man akong pera, mahalaga masaya Wala man akong pera, basta katabi ko maganda Wala man akong pera, basta wala akong sakit Wala man akong pera, basta kami ay nagkalapit Aking naalala, aking naalala..... Wala pala talaga akong pera Ni piso isa, wala sa bulsa Pano na? Pano na? Kaya ang ending ng love story, Mamang tsuper I’m sorry Pagtumigil na tong byahe, Takbo sibat, handa na akong mag 123....
0
Sep 30, 2018
Sep 30, 2018 at 10:19 AM UTC
Crush Sa Dyip
Kailan kaya mamumulat ang mga pilipino at iwasan ang pag ka ganid sa salapi Kailan kaya matutupad ang pangarap kong mahirap mangyari Sa sarili , bayan , at sa aking mga kababayan na masarap ang tulog sa gabi Nasan na kaya ang mga kaibigan ko dati na nagbibigay saya palagi? Puno parin ba nang hinagpis at sakit ang mga puno na puno ng kalungkutan? Kamusta na kaya ang mga taong hindi na nakaalis sa kalungkutan at patuloy na nahihirapan? Ang konsensya kong patuloy na gumagambala sa akin tuwing ako'y nagiisa Hindi ko naman gusto ang mga nangyari , tuloy parin ang paggalaw at hindi paralisa Bigo man ako sa mga bagay , patuloy parin at sinubukan gumawa ng paraan para makatulong sa bayan Wala man dumating at magpasaya sa akin , patuloy parin sa pagrespeto sa kapaligiran Malabo nga bang imulat ang isipan ng aking mga kababayan o nasisilaw lang sila sa kayamanan Na nanggaling sa kasakiman ng iilang gahaman sa ating bayan Ang sarap sa pakiramdam mamuhay ng simple at walang ipinaglalaban kundi ang pamilya at minamahal Mga simoy ng hangin na sariwa at walang teknolohiya na gumugulo sa ating mga isipan kailanman. Huni ng ibon , magagandang tanawin sa bakuran at paggalang sa nakakatanda na bihira nang mangyari sa kasalukuyan Ang daming pangarap na mahirap matupad , kapag hindi natupad ang aking mga pangarap hanapin ninyo ako sa lupang aking tinamnan ng puno na aking  inukitan,habang lumulutang ang aking katawan na nakatali ang abaka sa aking leeg dala ng kabiguan.
0
Aug 22, 2018
Aug 22, 2018 at 1:13 PM UTC
Kapag ako'y nabigo
Sabi nila na nakakabaliw daw ang sobrang pagiging matalino. Pero bakit ako? Hindi naman ako matalino pero bakit nababaliw ako. Sayo. Nakakabaliw ka na Putang ina ka. Ang sarap mabuhay sa imahinasyon Ang sarap mabuhay sa ilusyon Sobrang sarap mabuhay sa pangarap. Ayos ba yon? Ayos. Ayos na ako sa buhay ko na gusto lang kita Ayos na ako sa buhay ko na pangarap lang kita Ayos na ako sa buhay ko na makita lang kita. Ayos na ako sa sitwasyong ganito Ayos na ako sa galawang ganito Ayos na ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Oo sige sabihin na natin na Nakakapagod din na magkagusto ka sa isang bagay na kahit alam **** hindi mapapasayo. Pero ayos na ako do'n Ayos na ako doon Sa mga bagay na yon Ayos na ako. Kasi ayaw kong masaktan. Ayaw kong masaktan Ayaw kong sabihin na gusto kita Ayaw kong sabihin na pangarap kita Ayaw kong sabihin na ayos na ako makita lang kita Ayaw ko Dahil ayaw kong masaktan. Patawad Dahil sa ayaw kong sabihin lahat ito Dahil sa ayaw kong magkailangan tayo. Patawad Dahil ayaw kong isipin mo na sasaktan lang kita Dahil ayaw kong isipin mo na lolokohin lang kita. Marunong akong umibig Marunong akong magmahal Marunong akong magpasaya Marunong ako ng kung anu-ano Pero hindi ako marunong masaktan At ayaw kong masaktan Dahil naniniwala ako na ang lahat ay may katapusan. Sabi din nila na hindi tayo matututo kung hindi tayo masasaktan. Pero ayaw ko, Ayaw ko, ayaw ko at ayaw ko na masaktan. Patawarin mo ako kung ika'y pinaglihiman ng tunay na nararamdaman. Patawad dahil AYAW KO.
0
Sep 29, 2015
Sep 29, 2015 at 7:32 AM UTC
Ayaw Ko

Continue reading...
46