Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
meliza Jun 2018
tila mapurol na ang gamit na patalim
na sa bawat pagbakas ay lalong dumidiin
baka sa susunod, sasapat na ang lalim
para makalimutan ang bagay na madilim

may dala-dalang bagahe na balak lunurin
sa iilang bote ng matapang na inumin
umaasang tulad nito sana ay ako rin
(maging matapang, o malunod din?)

magpaplano sa isip ng sariling libing
idadaan na lang sa yosi at paglalasing
hanggang atay at baga ko'y maging itim
para terno sa damit ng mga dadating

isa pang sigarilyo ang ilalagay sa bibig
pilit lalanghapin ang nikotina sa dibdib
hanggang di na matukoy ang dahilan ng sakit
hanggang makalimutan ang lahat ng pait.
i havent written for a while. it seems like i've completely lost the ability to write.
May lason sa hangin, ngunit walang amoy,
Tahimik ang sugat, sa loob umaagos.
May hiwa sa damdaming di kayang tahiin,
Sa bawat tibok, muling sinasalin.

Walang karayom, ngunit may tusok,
Ngiting pilit, sa luha’y nalulusok.
May gamot sa pilay, sa lagnat, sa pasa      
Ngunit sa puso, bakit tila wala?

Kailan ba lalanghapin ang luningning,
Na sa dibdib, sakit ay papaliparin?
Kung may anesthesia sa pusong humiyaw,
Siguro ang gabi'y mas pipiliing mapusyaw.

Ngunit bawat kirot, lihim na tula,
Na sa kalul’wa'y may aral na dala.
Di man madama ng balat o laman,
Ang puso’y natutong magmahal… kahit sugatan.
wala bang anesthesia para sa sakit ng puso para kahit paano manlang hindi ko maramdaman

yung sakit💔

— The End —